Chapter 29

1342 Words
Nagising si Licca na umiiyak mula sa kanyang bangongot. Bumabalik sa kanya ang alaala ng nangyari sa gabing iyon at sa panaginip niya ay dumadalaw na ito. Katabi niya si King na mahimbing na natutulog habang siya ay di tumigil sa pag - iyak. Patuloy ang kanyang mga luhang kumakawala sa kanyang mga mata. Ang mga narinig niya mula sa kanyang bangongot ay paulit - ulit na bumubulong sa kanyang tenga. "Maruming babae!" "Maruming babae!" "Nakikipagt*lik ng kahit sinong lalaki!" Tinakpan niya ang sarili niyang mga tenga. "Hindi ka na v*rgin!" "Nakakahiyang babae!" "Nakakahiya ka!" "Ilang lalaki na ba ang nakat*lik mo?" "Ilan na ba?" Biglang pumasok sa eksena si Ted na nagpaiyak kay Licca lalo. Nagpakita si Ted na siyang boyfriend ni Licca sa kanyang panaginip. Tila hindi nagustuahan ng binata ang nangyari at pinamukha nito na marumi siyang babae at kung sinu - sino lang na lalaki ang nakakasama. Mas lalong nasasaktan si Licca na kahit sa panaginip lang ang mga iyon ay posibleng mangyari sa totoong buhay. "Sorry..sorry Ted.." sambit ng dalagang patuloy sa pag-iyak habang nakaupo sa kama. Napahawak siya sa kanyang tiyan kaya naalala nya na buntis siya. Mas lalo siyang nanghina at di makapaniwala. Tumigil siya sa pag - iyak pero napatulala. "Bakit ka pa nabuo?" pabulong nitong tanong sa sarili. "Hindi ka na sana nabuo..." Tumayo si Licca at nagtungo sa may drawer. Kinuha niya ang tinago niyang maliit na kutsilyong binigay ni King sa kanya. Pinagmasdan niya ito habang hawak niya sa kanyang kamay. "Patawad.." Seryosong pumunta ng banyo ang dalaga na dala ang kutsilyo. Pagkapasok niya roon ay sinara niya agad ang pinto at nilock. Binuksan din niya ang shower at doon ay tumayo siya sa tapat nito. Dumaloy ang tubig sa kanyang katawan. Ramdam ni Licca ang lamig na bumabalot sa kanyang balat. Gusto niyang maalis ang sinasabi nilang dumi na nakadikit sa kanya na siyang tinatawag nila sa kanya. "Maruming babae!" Napapikit nalang siya at nagsimula ulit na maiyak. Hinigpitan pa niya ang hawak sa kutsilyo ng dalawa niyang kamay. Dumaan ang ilang minuto na nakatayo lamang siya sa tapat ng shower. Nanginginig siya dala ng malamig na tubig at ang kaba na nadarama sa mga oras na iyon. Napalingon siya sa salamin na kita niya ang sarili na basang - basa. Namumutla ang kanyang mukha at labi. Namumula ang kanyang mga mata na patuloy sa pagdaloy ang luha. Umiwas siya ng tingin sa salamin at pumikit ito. Nagdesisyon ang dalaga na wakasan ang inosenteng buhay na dinadala niya pati ang sarili niyang buhay. Kumalma ang kanyang sarili. Nilakasan niya ang loob na maiangat ang kamay na hawak ang kutsilyo at itutuok ito sa tiyan niya. "Sophie... Maya... patawad. Patawarin ninyo ako." Bago maisaksak ni Licca ang kutsilyo patungo sa sarili ay biglang bumukas ang pinto. Sinipa ng marahas ni King ang pinto para mabuksan ito. Napadilat si Licca habang si King naman ay nanlaki ang mga mata nang makita ang dalang kutsilyo ng dalaga. Isasaksak na ni Licca pero agad pinigilan ng binata ang balak nito. "Anong ginagawa mo!?" "Huwag mo akong pigilan!" Mahigpit na hinawakan ni King ang dalawang kamay ni Licca na hawak ang kutsilyo. Pumipiglas siya pero hindi hinayaan ni King na saktan ni Licca ang sarili lalo na't buntis ito. "Bitiwan mo ako!' Pagpupumiglas ng dalaga. "Anong balak mo!? Sasaktan mo ang sarili mo?" Kunot noong tanong ni King na pinipigilan pa rin si Licca. "Hayaan mo na ako! Ayoko ng mabuhay pa!" "Hindi ko hahayaang masaktan ka!" Inalis ni King ang kutsilyong hawak ni Licca sa kamay nito at itinapon sa sulok ng banyo. Niyakap nalang niya ang dalaga kahit pilit na tinutulak siya nito. "Pabayaan mo na ako. Ayoko na!" "Paano ang baby na dala mo!?" Napatigil si Licca at napatulala. Mas lalong hinigpitan ni King ang yakap nito sa dalaga. "Ayoko sa batang ito. Hindi siya dapat mabuhay!" seryosong sabi ni Licca. "Papatayin mo ang isang inosenteng bata? Anong kasalanan niya?" "Ang batang ito ay di dapat nabuo. Ang batang ito ay kagagawan ng mga h*yop na mga lalaking iyon! Mga hay*p sila! Mga hay*p!" Naalala ni King ang gabing iyon kaya natigilan siya pero hindi niya binitiwan ang pagkakayakap sa dalaga. "Ang sasama nila! Kinuha na nila ang v*rginity ko, nag - iwan pa sila ng ganito. Mga h*yop sila!" Galit at puot ang nangingibabaw kay Licca. Hindi niya matanggap na may nabuo sa gabing iyon. Bumuhos pa ang mga luha ni Licca. "Tama na..." kalmadong sabi ni King na niyakap pa lalo ang dalaga. "Huwag mong saktan ang sarili mo. Huwag mong saktan ang bata na walang alam sa mga nangyayari.." Kumalma si Licca na naramdaman ang init ng yakap ni King kahit pareho na silang basang - basa ng malamig na tubig na nagmumula sa shower. "Natatakot ako.." sambit ni Licca. Walang salita ang nagmula kay King bagkos ay nakinig lamang ito sa dalaga. "Natatakot akong malaman ng iba ang nangyari sa akin. Natatakot akong malaman ng boyfriend ko ang mga nangyayari." Dahan - dahang pinakawalan ni King si Licca mula sa kanyang pagkakayakap. Humarap ang dalaga kay King at direktang tumingin sa mga mata nito habang patuloy sa pagsasalita. Pinagmasdan naman ng binata ang dalaga at mas lalong tinitigan. "Matatanggap pa ba ako nila? Matatanggap pa ba ako ng boyfriend ko kapag nalaman niyang may nauna na at may nabuo? Matatanggap ba niya na nakikipags*x ako sa gaya mo? Habang bihag ako ay nakikipags*x sa isang lalaking hindi ko naman kilala. Hindi kaya mandiri sila sa akin? Kakamuhian ako ni Ted at walang kasal na magaganap!" "Kung mahal ka ng boyfriend mo, kahit anong nangyari sa iyo ay matatanggap ka niya. Wala kang kasalanan..." sagot ni King na di natuloy dahil nawalan na ng malay si Licca. Napasandal ang ulo ng dalaga sa may dibdib ng binata. "Licca!" ----- "Miss Licca!" sigaw ni Maya na nagising mula sa kanyang panaginip. Napabangon din siya at napaupo sa kama na tanging kumot lamang ang bumabalot sa kanyang hubad na katawan. Bigla siyang nakaramdam ng pag - aalala sa kaibigan nang napanaginipan niya ito. Sa tabi ni Maya ay naroon si Jack na natutulog na kumot din ang bumabalot sa hubad nitong katawan. "Miss Licca.." Simula nang bumalik sila sa mansyon ay di pa niya nakikita ang kaibigan. "Kumusta na kaya siya?" Napahigpit ang hawak ni Maya sa kumot na nakatakip sa kanyang hinaharap. "Miss Licca..." sambit niya ulit. Bigla nalang sumagot si Jack na kahit natutulog. "Buntis si Miss Licca.. magiging daddy na si King.." "Hm? Buntis? Daddy?" Napalingon si Maya sa binata dahil sa mga narinig nito. Pangiti - ngiti naman si Jack na tila kinikilig sa panaginip. "Ano kayang ibig niyang sabihin?" ------ Kinabukasan ay pinuntahan na ni Ace si King sa mansyon. Ito na ang huling araw ng kanilang kasunduan. Bago umalis ng kwarto si King ay nagpaalam siya kay Licca na kahit tulog pa ang dalaga na nakahiga sa kama. Huminga ng malalim ang binata na nakatitig kay Licca. Hindi maalis sa kanya ang lungkot pero determinado pa rin siyang mananalo sa mga susunod na laro nila ni Ace. Ang tanging layunin niya ay makasama ang dalaga. "Aalis muna ako. Magpahinga ka muna." Dumating si Mr. Franco para sunduin si King sa kwarto. "Boss, nasa study room na si Sir Ace. Naghihintay na po siya roon." "Sige. Pupunta na ako." "Boss, paano na po si Miss Licca? Ngayon na po ang huling araw na mananatili siya sa inyong mansyon at ang ibang bihag." pag - aalalang usisa ng binata. "Habang hindi pa nagpapakita at maibabalik ni Stacey ang lahat ng kinuha niya sa amin, bihag namin sila. Magpapatuloy kami sa aming ginagawa. Nakasalalay sa aming mga laro ni Ace ang kapalaran nila!" sagot ni King na di maalis ang tingin sa dalagang natutulog. "Eh, paano po si Miss Licca?" "She's part of the game! Depende na.." "Pero boss... paano ang anak.." di pa natatapos ang sasabihin ni Mr. Franco ay sinermunan na siya ni King. "Tahimik! Huwag mong babanggitin iyan!" Napayuko agad ang binata. "Yes boss. Patawad!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD