Chapter 22

1709 Words
Hindi na siguro maaalis ang pagiging hilig ng babae ni King sa kanyang systema. Tinugunan niya ang halik na nagpasaya sa babae. Mapupusok na mga halik ang binigay ni King na tila iba ang nasa isip. Wala na rin yata siya sa katinuan dahil sa alak na nainom kani - kanina lang. Tuwang - tuwa naman si Jack na wala na rin sa sarili. Pinapalakpakan pa niya ang kaibigan. "Ang galing mo talaga King!" tukso ni Jack na papikit - pikit ang mga mata sa kalasingan. Pero ilang segundo lang ay napadilat ang mga mata ni King ng biglang nagising ito mula sa pagiging mapusok at pantasya. Naitulak pa niya ang babae kaya nagkahiwalay ang kanilang mga labi. Gulat ang ekspresyon ng mukha ng babaeng nabitin sa mga halik. "What's wrong King?" Pinahiran agad ni King ang kanyang labi ng kanyang sariling braso. Kahit tinulak ay natuwa naman ang babae sa ginawa ng binata sa pakikipaghalikan sa kanya kahit sandali lamang. "I love your hot kisses! Mwahh! I want some more!" aya ng mapanuksong boses ng dalaga. "Shut up!" Hindi nagpapigil ang babae at lumapit pa ito sa binata. Mas gusto pa niyang akitin ito at maangkin pero may dumating na mga lalaking malalaki ang muscles na may tatoo pa. Nang nakita sila ng babae ay napatakip ng bibig ito. "Aba aba sino ito lalaking kasama mo?" Preskong pag-uusisa ng lalaking walang buhok pero may tatoo sa ulo. Taas noong hinarap sila ni King. "Girlfriend mo?" "Oo girlfriend ko ang babaeng iyan!" "Ahhh!" "Honey.." tawag ng babae sa lalaki na medyo natatakot sa possibleng gawin nito. "Napakalandi ng girlfriend mo. Dumidikit ang kanyang labi sa ibang labi!" Matapang na tukso ni King sa lalaki. "Anong sabi mo!?" galit na reaksyon ng lalaki. "Hinalikan lang naman niya ako, alam mo ba iyon?" Umusok sa galit ang lalaki kaya napaangat ang kanyang kamao. Sinuntok niya si King sa kaliwang pisngi na walang pag-aalinlangan. Napatayo si Jack at ng nakitang natumba si King sa may upuan. Tumakbo patungo sa kinaroroonan nila King ang mga bodyguard niya. May kasama ring mga bodyguard ang lalaki na umaksyon ding makipaglaban sa mga bodyguard ni King. Tumayo si King at nakipagsuntukan sa lalaki. Napaatras lamang ang babae na nanonood sa kanila. Sumiklab ang away sa loob ng bar. Ang ibang panauhin ay umalis nalamang at ang iba ay hinayaan lamang sila. Ang management din ay hinayaan lamang silang makipaglaban basta babayaran nila ang mga nasirang mga gamit at iba pa. Natumba ulit si King pero bumabangon pa rin. Bawat suntok niya ay naiiwasan ng lalaki pero ang bawat suntok ng lalaki ay tumatama talaga sa kanyang katawan at mukha. Si Jack ay nanonood lamang at di na nakisali. Nag-chcheer nalang ito para sa kaibigan. "Go King! Go! Kaya mo iyan!" hiyaw ni Jack. Ilang beses na natumba si King pero hindi pa rin siya sumusuko. Bawat suntok sa kanya ay napapaisip din naman siya. "Bakit ba ako nakikipaglaban at nakikipagsuntukan sa kaniya?" bulong ng isip ni King nang matamaan ang pisngi niya ng malakas na kamao. "Ano ang pinaglalaban ko?" "Boss!" sigaw ng bodyguard niya ng makita nilang bumagsak na ng tuluyan si King habang sila ay may laban pa. "King!" Pasigaw na tawag ni Jack na nanlaki ang mga mata. Bumagsak si King sa sahig. Unti - unti na niyang pinipikit ang kanyang mga mata pero bago niya ito mapikit ay nakita niya si Licca na nakangiti sa kanya. "Li-Licca..." ----- "Ano ba Angelica, wala kang pakialam kung ilang beses pa siyang makipaghalikan sa ibang babae!" sermon ni Licca sa sarili. Bigla nalang naiinis ang dalaga nang makita ang video na pinadala ni Jack. "Haist! Bahala siya sa buhay niya!" Itinapon niya ang cellphone sa kama habang siya ay pabalik - balik ang lakad na suot ang isang white night gown. "Grrr! Makipaghalikan pa siya! Bahala siya. Anong paki ko!" paulit ulit na wika ni Licca na inis na inis. "Nakakainis talaga siya!" Pabagsak na umupo si Licca sa kama. "Haist! Akala siguro niya magseselos ako. Hmp!" Napalingon siya sa cellphone na nasa kama. Bigla ulit pumasok sa kanyang isipan na tumawag sa kanyang boyfriend. Ito na ang pagkakataon niyang makaalis sa teritoryo ni King. Miss na rin niya ang kanyang honeybear. Inabot niya ang cellphone. Tinitigan niya ito. "Kung hindi oobra ang plan A na akitin kita para makaalis dito, gagawin ko ang plan B!" bulong ni Licca sa sarili. She dialed the number of Ted. The number you have dialed is either unattended or out of coverage area please try again later. "Naku naman, Kung kailan kailangan macontact sya!" The number you have dialed is either unattended or out of coverage area please try again later. "Honeybear naman..." Paulit ulit na sinubukan niyang tawagan ang kasintahan pero walang sagot na natanggap ang dalaga. Hindi niya ito macontact kaya naisipan niyang tawagan si Kristine na kanyang kaibigan. "Hello? Sino po sila?" sagot ni Kristine sa kabilang linya ng makita ang isang unregistered number. Abot tenga ang ngiti ni Licca nang marinig ang boses ni Kristine. Napaluha pa siya. "Kristine.. ako ito si Angelica." Laking gulat ng dalaga na marinig ang boses ng kaibigan na ilang araw ng nawawala kasama ang iba. "Angelica, ikaw ba iyan?" "Oo ako nga!" Naiyak rin si Kristine sa tuwa. "Nasaan ba kayo? Saan ba kayo pumunta? Anong nangyari?" Sunod sunod na napatanong ang dalaga sa kaibigan. "Alam ba ninyong nag - alala kami sa inyo!" "Napakahabang kwento.." "May nakapagsabi na may nakita silang mga di kilalang lalaki na pumasok sa hotel. Iyon ang araw na nawala kayong tatlo.. ang araw ng kasal ni Sophie. Ano ba ang nangyari? Nasaan ba kayo ngayon? Okay lang ba kayo?" "Okay lang ako pero hindi ko pa nakikita sila." "Ano? Saan nila kayo dinala? Sabihin mo." "Hindi ko rin alam kung saang lugar ito." "Huh?" "Pero gagawin ko ang lahat makita sila Sophie at Maya." "Huwag kang mag-alala Angelica, ipapaalam ko sa mga police na tumawag ka. Siguradong gagawa sila ng paraan para malaman ang inyong lokasyon," "Sige, by the way kumusta si Ted? Hindi ko siya macontact." "Hindi ko rin siya nakikita." "Hinahanap ba niya ako?" Natahimik si Kristine sa kabilang linya. "Namimiss ko na siya..." dagdag ni Licca. Biglang may narinig na ingay sa labas si Licca kaya agad niyang binaba ang tawag. Tinago niya ang cellphone sa ilalim ng kama. Bumukas ang pinto kaya napatayo si Licca sa gulat. Naunang pumasok si Mr. Franco at sumunod ang isang lalaking buhat kay King sa likod. Walang malay ang binata at puno ng pasa at may sugat. "Anong nangyari?" pag-aalalang tanong ni Licca habang pinanood niyang inihiga nila si King sa kama. Hindi nakasagot si Mr. Franco bagkos pagpasok ni Jack ay siya ang sumagot. Pagiwang- giwang ang binatang pumasok sa silid. "May kahalikan si King na isang maganda at sexy na babae. Pag-pagkatapos, dumating ang boyfriend non kaya hayun, nagsuntukan sila!" He burp. Napahawak sa may cupboard si Jack at di na makatayo ng maayos. Dahil sa sobrang kalasingan ay napapaduwal ito. Napatingin si Licca kay Jack na naduduwal kaya naman nakaramdam din ito ng kakaiba. Naduduwal din ang dalaga. Napatakip ng bibig si Licca at pinigilan ang sariling masuka. Napansin iyon ni Jack ang reaksyon ni Licca kaya lumapit ito sa dalaga. Walang pagtumpik tumpik ay napatanong ito. "Buntis ka?" tanong ni Jack na wala sa sarili at di alam ang pinagtatanong. Namilog ang mga mata ni Licca at si Mr. Franco naman ay napalingon sa kanila. Tinitigan ni Jack si Licca na ang mga mata ay napapasingkit. Mas naduduwal tuloy si Licca dahil sa amoy ng alak sa hininga ng binata. "Buntis ka yata!" giit ni Jack. "Hindi ako bu-buntis!" Bumagsak si Jack sa sahig sa may paanan ng dalagang nakatayo. Bago tuluyang ipikit niya ang kanyang mga mata ay napatingala pa ito sa hita ng dalaga patungo sa gitna nito kaya nakita niya ang suot panloob ng dalaga. "Red p*nty!" Napaatras si Licca at napatakip sa hita ng kanyang mga kamay. "Bast*s!" Sa mga oras na iyon ay hindi red ang suot niya kaya nagtaka ang dalaga sa pinagsasabi ni Jack. Tuluyan ng nakatulog ang binata sa kalasingan. Lumapit ang lalaking na siyang bumuhat kay King at ngayon ay siya ang bumuhat kay Jack. "Miss Licca, maya - maya ay darating ang doctor na susuri sa kanya. Kayo muna po ang bahala sa kanya." ani ni Mr. Franco. "Huh ako?" Dinala ng maid ang isang kahon na gamot na maaaring paunang lunas sa mga sugat na natamo ni King. Inilapag niya ito sa mesa. "Miss Licca, maaari rin po kayong magpasuri sa doctor.." payo ni Mr. Franco na napapasulyap sa may tiyan ni Licca. "Eh! Bakit ako magpapasuri? Wala akong sakit!" giit ni Licca na mataray na sumagot. "Okay po. Kayo po ang bahala." Umalis na si Mr. Franco at iniwan nalang si Licca kasama si King. Nakahiga sa kama ang binata na walang malay dala na rin sa kalasingan at mga natamong mga suntok. Nakatayo si Licca na ang mga kamay ay nakahawak sa kanyang bewang. "Buti nga sa iyo! Iyan ang bagay sa mga lalaking babaero! Hindi lang suntok at gulpi ang matatamo!blee! Buti nga! Hmp!" sumbat ni Licca na natutuwa pa sa nangyari kay King. Aalis na sana siya sa kinatatayuan ay biglang tinawag siya ng binata. "Licca.. licca.." mahinang pagtawag ni King na nakapikit ang mga mata. Napalingon si Licca. "Hm?" Pinagmasdan ng dalaga ang binata na kahit walang malay ay tinatawag ang kanyang pangalan. Napapakunot noo ito na tila nasasaktan na medyo nanginginig din. Mas lumapit pa si Licca at napaupo nalang sa gilid ng kama. "Okay ka lang ba?" pag - aalalang tanong ni Licca. "Licca..." Paulit ulit na pagtawag ni King sa dalaga na pinapawisan ang mukha. Inaapoy na pala ng lagnat ang binatang nakahiga sa kama. Nilapat ni Licca ang sariling palad sa noo ng binata at ang isang palad sa sariling noo. Sinuri niya ito at nalamang inaapoy ito ng lagnat. "Nilalagnat ka pala." Napatingin si Licca sa kahon na sinabi nila na naglalaman ng mga gamot. Nang tumayo na ito para tingnan ang kahon ay biglang hinawakan ni King ang kamay ni Licca kaya naman natigilan ang dalaga. "Eh?" "Dito ka lang.." maotoredad na utos ni King.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD