Chapter 23

2085 Words
Dumating ang family doctor ng pamilya Stone na si Dr. Vaughn para matingnan ang binatang si King. Inalis agad ni Licca ang kamay ni King na nakahawak sa kanya. Napahakbang agad ito palayo sa kama kung saan naroon ang binata. Sinuri agad ng doctor ang kalagayan ng binata. Sa likod ng doctor ay si Mr. Franco na siyang assistant ni King. Napalingon ang doctor sa dalagang nakatayo sa may bintana. Iwas naman ng tingin si Licca. "Kumusta po si boss Doc?" usisa ni Mr. Franco na nag-aalala sa boss niya. "Inaapoy siya ng lagnat. Kailangan niyang uminom ng gamot at magpahinga." "Gamot? naku!" reaksyon ni Mr. Franco na alam ang ugali ng boss. Mas nag - alala tuloy ito. Napangiti si Dr. Vaughn na alam ang ugali ni Brett na mas kilalang si King. Ang isa sa di gusto ng binata ay ang umiinom ng mga gamot kaya iniinda na lamang niya ang sakit noon. "Pilitin ninyo siya kung ayaw niyang mamatay ng maaga." payo ng doctor na tumayo na sa kinauupuan. "Opo!" sagot ni Mr. Franco sabay yuko ang ulo. Umalis na ang doctor sa silid ni King para puntahan naman si Jack na nasa ibang kwarto. Inutusan ni Mr. Franco ang isa sa mga maid na naroon na painumin si King. Umupo naman si Licca sa isang couch sa may bintana at pinanood nalang sila. Ginising nila saglit ang nakapikit na binata. "Sir, kailangan na po ninyong uminom ng gamot," Wika ng katulong na hawak ang gamot at isang basong tubig. Dahan - dahan itong lumalapit sa boss. Nang marinig ni King ang salitang gamot ay napadilat ang kanyang mga mata. Sumigaw din ito sabay tulak sa katulong nang napabangon ito. "Ayoko!" Natumba ang katulong sa sahig. Naitapon naman ang mga dala nito. Gulat si Licca sa kinilos ng binata na nagkaroon pa ng lakas na maitulak ang katulong. Hindi na bago kay Mr. Franco ang makita na ganito ang boss niya. Kahit may lagnat at sakit ang katawan dahil sa natamo sa laban ay matapang at malakas pa rin si King. "Umalis kayo rito! Hindi ko kailangan ng mga gamot!" Nanlilisik ang mga matang pinagsabihan ang mga katulong. Kinuha din niya ang basong nasa may mesang malapit sa kama at itinapon ito. Nabasag ang baso nang tumama ito sa dingding. Takot at kaba ang naramdaman ng mga katulong na naroon. Kalmado naman si Mr. Franco habang si Licca ay napatayo sa kinauupuan dahil sa gulat. "Go out!" pasigaw na utos ni King. Dali - daling umalis ang mga katulong at naiwan ang dalawa. "Sir, kailangan ninyong uminom ng gamot. Iyan po ang payo ng doctor para mapadali ang paggaling ninyo," kalmadong sabi ni Mr. Franco. "Haist! Ilang beses ko na bang sinabi noon na ayaw ko ng gamot. Gagaling ako kahit wala akong iniinom na gamot! Katulad ng dati, gumaling ako noon kahit walang gamot na iniinom." "Sir, siguro nagkataon lang iyon." Napasandal ang likod ni King sa headrest ng kama. Hinahabol niya rin ang kanyang hininga at unti - unting nanghihina. Napapikit ito na tila nagpapahinga. "Sir, uminom na po kayo. Para din naman ito sa inyo." pagmamakaawa ni Mr. Franco na mas lalong nag- aalala. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa yo. Ayoko! Sino ba ang boss dito? Hindi ba ako?" pagmamatigas ni King na sumasagot kay Mr. Franco na nakapikit ang mga mata. "Sir naman..." "Leave me alone!" "Sir.." "I said, leave me alone!" Nagsalita si Licca sa kinatatayuan niya. "Can I leave also?" Napalingon si Mr. Franco sa dalaga gayundin si King na minulat ang mga mata. "You stay here!" "Akala ko ba pinapaalis mo ang lahat." ani ni Licca na dahan - dahang humahakbang papalapit sa kama. "Iba ka sa kanila. You stay here!" Nakiusap agad si Mr. Franco sa dalaga na painumin ang boss nito. "Miss Licca, maaari mo bang pagsabihan ang boss namin na uminom na?" Napakrus ng kamay si Licca sa may dibdib nito. Taas kilay rin itong napatingin sa binata. "Bakit ko naman iyon gagawin? Bakit ko siya pipilitin kung ayaw niya? Isa pa, mas mabuting mamatay siya para makalaya na kami!" diretsahang sagot ni Licca. Gulat naman ang mga reaksyon ng dalawang binata. Napangiwi si King sa di inaasahang sagot ng dalaga. "Tama nga naman.. kapag patay na ako, malaya na ka na!" Dahan - dahang bumangon si King at tumayo sa kama. Pinagmasdan ng dalawa ang binata na pumunta sa isa sa mga cabinet na naroon. Binuksan niya ang drawer at may kinuha. Nagtaka sila kung ano ang kinuha nito. Pagkatapos niyang makuha ang isang bagay ay pinuntahan niya si Licca na nakatayo malapit sa kama. Mahina ang mga lakad nito pero nakarating din siya. Dahil sa hindi ito makatayo ng tuwid ay napahawak ito sa balikat ni Licca. Hinayaan nalamang niya ang binata at pinagmasdan ito. Biglang inabot ni King ang isang maliit na kutsilyong may takip na pang self defense kay Licca. Kakaiba ang kutsilyo dahil sa mga ukit na nasa lalagyan nito. Bumakas ang pagtataka ng dalaga sa inabot ng binata sa kanya. Tinitigan naman siya ni King bago nagsalita. "Kung gusto mong lumayo at umalis sa teritoryo ko, saksakin mo ako gamit iyan!" "Eh?" Kunot noo naman si Mr. Franco habang nakikinig at nanonood. Gulat ito sa inuutos ng boss sa dalaga. "Ano bang pinagsasabi mo?" pagtataka ni Licca. "Kung aalis ka, patayin mo muna ako! Kung patay na ako, malaya na kayo!" "Hibang ka ba? Gagawin mo pa akong killer!" sermon ni Licca. "Patayin mo nalang ang sarili mo!" Napapikit na ng mata si King at tuluyan ng nawalan ng malay. Napasandal ang ulo ng binata sa may balikat ni Licca. "Teka!" gulat na reaksyon ng dalaga. Nawalan ng balanse si Licca sa pagtayo kaya napaupo ito sa sahig na nakasandal pa rin ang binata sa kanya. "Sir!" sigaw ni Mr. Franco na lumapit agad sa dalawa. Mas lalong tumataas ang kanyang temperatura. Inaapoy na ng tuluyan ng lagnat ang binata. "Kailangan na niyang uminom ng gamot." payo ni Mr. Franco na di maiwasang mag - alala sa boss. Tinulungan ni Mr. Franco na mailipat si King sa kama para humiga roon. "Napakatigas naman ng ulo ng inyong boss! Gusto talaga niyang mamatay!" ani ni Licca na hawak pa rin ang inabot na kutsilyo. "Ganyan na po siya kahit noon pa. Ayaw niyang uminom ng mga gamot." kwento ni Mr. Franco. "Mukhang okay lang sa kanya na mamatay siya. Wala siyang kinatatakutan." "Haist!" Umupo si Licca sa may gilid ng kama at pinagmasdan ang binatang halatang nasasaktan at nanginginig pa. Napansin din ito ni Mr. Franco kaya mas nangamba ito. Dali - dali siyang tumakbo patungo sa pinto para puntahan ang doctor. Naiwan nalamang si Licca roon. Bigla niyang naalala ang sinabi niya kay Kristine na tatawag siya para malaman nila ang lokasyon nila. "Naku tama pala.." Mas napatitig si Licca sa binata at bakas sa kanya ang pag - aalala. Napatingin din siya sa hawak na kutsilyo kaya naguguluhan tuloy siya. "Ito na ang pagkakataon... pero..." "Li-Licca.." tawag ni King na nagdidilryo na. Mas lumapit pa si Licca at kinabahan. Hinawakan niya ang kamay ng binatang patuloy sa pagsambit sa kanyang pangalan. "Li - Licca.." "Bakit? bakit kasi ang tigas ng ulo mo? Binitawan ni Licca ang kamay ni King. Tumayo siya at nagtungo sa mesa kung saan naroon ang gamot at pitsel kasama ang isang baso. Nagbuhos siya ng tubig sa baso. "Licca.." Bumalik si Licca sa kama at umupo roon. "Uminom ka ng gamot!" giit ni Licca. "A-ayoko..." "Uminom ka kung gusto mo pang mabuhay!" "Licca..." Tumikom bigla ang bibig ni King kaya mas nahirapan si Licca sa pagpapainom sa gamot na tableta. Pilit niyang pinasok ang gamot sa bibig nito. "Kung gusto mo pa akong makita, magpagaling ka! Uminom ka ng gamot!" Naipasok niya ang gamot pero hanggang sa bibig lang ito. "Lunukin mo!" Binuhos niya ang tubig sa bibig pero hindi man lang ito lumunok. "Asar ka naman. Gusto mo talagang mamatay!" Hindi na ito nagsalita di gaya kanina kaya mas nangamba tuloy bigla si Licca na baka patay na ang binata. Huminga ng malalim at pinakalma ang sarili.Bumuhos ulit siya tubig sa baso mula sa pitsel. Pagkatapos niya gawin ay nilagyan niya ng tubig ang kanyang bibig. Hindi niya ito ininom bagkos ay lumapit siya sa mukha ng binata at dinampi ang labi sa labi ni King. Hinalikan niya ang binata at binigay ang tubig mula sa kanyang bibig. Tinulak din ng kanyang dila ang tabletang nasa loob ng bibig ni King at diniin pa lalo ang halik nito. Napalunok si King. Sinigurado ni Licca na maiinom niya ang gamot bago niya ihiwalay ang labi niya mula sa labi ng binata. Nang hiniwalay ni Licca ang kanyang labi ay dahan - dahan namang minumulat ng kaunti ni King ang kanyang mga mata. "Masarap ang gamot na binigay mo.." mahinang pagkakasabing biro ni King na napapangiti. Hindi man niya maidilat ng malaki ang mga mata pero kita niyang si Licca ang kaharap nito. "Siguradong gagaling ka sa gamot na binigay ko." Biglang niyakap ni King ang dalaga kaya napadikit ito sa kanya. "Teka lang!" "Paramdam ng yakap-sule mo!" Demand ni King. Hindi pumiglas si Licca bagkos ay humiga nalang siya ng tuluyan sa dibdib ng binata habang ang binata ay nakayakap sa kanya. Dumating sina Dr. Vaughn at Mr. Franco sa silid ni King. Pagkarating nila ay nakita nila na yakap ni King ang dalaga na nakangiti. Maaliwalas na din ang kanyang mukha di gaya kaninang umaapoy pa ng lagnat pa ito. ------ Samantala, nakahiga na si Jack sa kanyang kama dala na rin sa kalasingan. Sinuri na siya ng doctor bago dumating si Mr. Franco na nagmamadali para pabalikin ang doctor sa kwarto ni King. Dahan - dahang nilapitan ni Maya ang kama kung saan nakahiga ang binatang si Jack. Pinagmasdan niya ang binata na may gwapo ding mukha at charm pero mas maamo kesa sa dalawa na sina King at Ace. Tahimik lamang ang dalaga na umaatras patungo sa pinto. Nakalimutan nila Mr. Franco na isara kaya naisipan ni Maya na ito na ang pagkakataong makaalis siya. Dahan - dahan lamang ang kanyang apak hanggang makaabot sa may pinto. Sa mga oras na iyon ay walang mga bantay at ni isang guard sa pasilyo na iyon ay wala. Sa wakas ay nakalabas si Maya sa kwarto ni Jack na walang hirap. Tumakbo siya sa pasilyo na maingat at palingon - lingon sa paligid. Napakatahimik ng paligid sa kalagitnaan ng gabi. Ang tanging nasa isip ni Maya ay makaalis silang tatlo. Nilibot niya ang mansyon na kahit malawak ito, natatandaan niya ang patungo sa kanilang maid's quarter kung saan naroon si Sophie. Nakakatulong din ang pagiging alipin sa kunting panahon sa mansyon. Naabutan ni Maya na natutulog si Sophie kaya agad niya itong ginising. "Miss Sophie! Miss Sophie gumising po kayo." Kaba ang bumabalot kay Maya. Ang bilis ng kabog ng kanyang dibdib at di mapaliwanag na panglalamig. "Hmm?" "Miss Sophie, umalis na tayo rito!" Nanlaki ang mga mata ni Sophie na makita si Maya. Bumangon siya agad at napaupo. "Maya!" "Miss Sophie.. dalian ninyo po, umalis na po tayo rito!" Seryosong napatango agad si Sophie. Tinulungan ni Maya na makatayo si Sophie mula sa pagkakaupo Nakasuot lamang ito ng simpleng damit ng isang katulong. "Tara na po Miss Sophie." Palihim silang lumabas sa kanilang kwarto. Maingat din sila na baka may makarinig sa kanila mula sa ibang maid's quarter. Palingon - lingon sila sa paligid. "Miss Sophie, saan ninyo po nakita si Miss Angelica?" pabulong na tanong ni Maya na nag- aalala sa kaibigan. "Hindi ko na matandaan.." "Kailangan din natin siya iligtas." dagdag ni Maya habang patuloy sila sa paglalakad. "Umalis na tayo. Balikan nalang natin siya kapag nakahingi na tayo ng tulong." "Po?" Napatigil ang dalawa. "Kailangan nating umalis at humingi ng tulong. Dapat may makaligtas sa atin para maligtas ang lahat." serysong sabi ni Sophie na napahawak kay Maya. "Huh? Pero.." pag - aalangan ni Maya. "Tara na Maya!" Nang lumiko na sila sa dulo ng isang pasilyo ay naroon si Tori, isa sa mga katulong. Nagulat ang dalawang dalaga sa di nila inaasahang makikita. Mas kinabahan tuloy sila. Napahawak si Maya sa braso ni Sophie. "Tori.." "Aalis kayo?" Napaatras ang dalawa habang nakatingin kay Tori. Bumalot ang kaba sa pasilyo. Hindi nila alam kung ano ang isasagot at gagawin. "Tutulungan ko kayo!" determinadong ani ni Tori. Hindi makapaniwala ang dalawang dalaga sa kanilang narinig. "Hinahanap ninyo ang isa ninyong kasama? Alam ko kung nasaan siya!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD