Chapter 11

1590 Words
Maganda ang sikat ng araw sing ganda ng tulog ng dalawang tao na magkasama sa kama. Ang mga ibon sa labas ay masayang humuhuni na tila ginigising sila. Mahimbing na natutulog sina King at Angelica sa malambot na kama na hubo't hubad na tanging kumot lamang ang panakip. Ang ulo naman ng dalaga ay ginawang unan ang braso ng binata habang siya ay nakayakap sa makisig na katawan nito. "Hmmm.." Napapanguso at napapangiti si Angelica kahit tulog. Nananaginip siya na kasama si Ted na siyang boyfriend niya. Sa kanyang panaginip ay naghahalikan sila. Hawak ni Ted ang magkabilang pisngi ng girlfriend. Matatamis ang kanilang mga halik kaya masaya si Angelica kahit sa totoong buhay ay napapangiti siya at kinikilig. "I love you honey!" wika ni Ted na pangiti - ngiti na kaharap siya. Medyo malabo man pero alam niyang si Ted iyon. Pakagat - kagat ng labi si Angelica na kaharap si Ted na ginagawa din niya habang tulog. Inangat ni Angelica ang kanyang kamay at isa - isa niyang tinatanggal ang butones ng polo ni Ted habang sa totoong buhay ay hinihimas ang matigas na abbs ni King. Patuloy ang kamay ni Angelica na hawakan at himasin ang dibdib ng binata na kasama niya sa kama. "Show me your body Honeybear ko!" utos ni Angelica na nang - aakit sa kasintahan. Patuloy siya sa ginagawa pero kahit bilisan niya ay tila di niya matapos - tapos ang pagbubukas ng polo nito. "Hmmm..." Hinalikan nalamang niya ang boyfriend at kinapa ang dibdib nito gaya ng pagkapa at paghimas ng abbs ni King. Bumababa ang kamay ng dalaga hanggang umabot ito sa gitna ng hita ng binata. May naramdamang kakaiba si King kaya nagising nalang ito. Minulat niya ang kanyang mga mata. Nakita niyang katabi niya ang dalaga at napakalapit nito sa kanya. Biglang napauwang ang bibig ni King at namilog ang mga mata nang naramdaman niya na may humawak sa alaga niya sa ilalim ng kumot. "Hmmm..." Pangiti - ngiti at mukhang natutuwa si Angelica sa ginagawa. Napatingin ang binata sa kanya at nakita ang ekspresyon ng mukha ng dalaga. Napapanguso, napapangiti at kinikilig ang makikita sa mukha nito. Pinisil - pisil pa ni Angelica ang hawak na mahabang sandata kaya napapamura nalang si King. "Oh sh*t! ugh-- sh*t!" Minasahe pa niya ito at hinihimas pataas - pababa. Napatingin nalang sa kisame si King na ramdam ang di mapaliwanag na sarap. Tumagal din ito ng ilang minuto bago nagising ang dalaga mula sa mundo ng pantasya. Nanlaki ang mga mata ni Angelica at naninigas ito na parang yelo nang mapagtanto niyang hawak niya ang isang parte ng binata. Dahan - dahan niyang inangat ang ulo sabay pagyuko ng binata kaya nagkasalubong ang mga tingin nila. Hindi na napigilan ni Angelica at napasigaw na ito. "Aahhh!!" sigaw ng dalaga sabay bitiw at bangon sa pagkakahiga. Napaupo ito na umiwas kay King. Napabangon din ang binata at napaupo. Hawak ni Angelica ang kumot na tinatakpan ang kanyang hubad na katawan. Namumula ang kanyang mukha na parang mansanas at ang lakas ng kabog ng dibdib. "Ew!" reaksyon ng isip ni Angelica na napatingin sa kamay na may hawak sa sundalo kanina. Napa-devil smile naman si King. Hindi niya inaasahan na may pagnanasa ang dalaga sa kanya. "You are kinda p*rvert din pala. Hindi ko akalain na pagsasamantalahan mo ang kahinaan ko habang tulog ako." tukso nito. Napalingon ang dalaga sa binata na kunot noon. "What? Ikaw pagsasamantalahan ko? Ew!" nandidiring tugon nito. "Ano pala ang ginagawa mo sa akin lalo na sa aking..." "Ahhh!" sigaw ni Angelica sabay pikit at takip sa tenga. Lumapit si King kay Angelica at inalis ang mga kamay na nakatakip sa tenga nito. Idinilat naman ng dalaga ang kanyang mga mata kaya nagkatitigan sila. "Aminin mo na naaakit ka sa akin. Madali lang akong kausap!" "Eh? Excuse me?" Mas lumapit pa ang mukha ni King sa mukha ni Angelica. Pasulyap - sulyap ito sa mga labi ng dalaga. "Mali ang iniisip mo. Ang akala ko ay kasama ko ang boyfriend ko!" Matapang na sagot ni Angelica. "Boyfriend?" "Yes, may boyfriend ako! Ang boyfriend ko na ubod ng gwapo, maasikaso, mabait, maalalahanin at lahat na hinahanap ko sa isang lalaki ay nasa kanya." Medyo nainis si King kaya itinulak niya si Angelica para mahiga ito sa kama. Napahiga ang dalaga at agad umibabaw si King. Gulat naman si Angelica sa nangyayari. "Gaano ka kamahal ng boyfriend mo?" Tanong ni King na kaharap si Angelica habang nakahiga ito at siya ay nasa ibabaw. "I'm his everything. Mahal na mahal niya ako na hahamakin niya ang lahat. Alam kong hinahanap na niya ako ngayon." "Sigurado ka?" "101 percent sigurado ako!" "Kaya ka niyang tanggapin kahit hindi ka na v*rgin? Willing kaya siya na panindigan ka kahit hindi siya ang nauna?" Hindi nagustuhan ni Angelica ang mga sinabi ni King kaya napaangat ang kanyang kamay at nasampal niya ang binata sa kaliwang pisngi. "Wala kang karapatan na sabihin iyan!" "Geez! Tandaan mo habang narito ka, magpakabait ka!" Umalis agad si King sa ibabaw ni Angelica at tumayo mula sa kama kahit nakahubad ito. Hindi naman napigilan ni Angelica na mapaluha. Dumaloy ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi kahit pilit niyang pinipigilan ito. Si King naman ay pinulot ang bathrobe sa sahig at sinuot ito. Umalis ang binata sa silid habang ang dalaga ay napaupo sa kama. Hindi talaga niya mapigilan ang kanyang mga luha na patuloy sa pagdaloy. Napatingin din siya sa kanyang hubad na katawan. "Ted..." Pumasok ang tatlong babaeng katulong sa kwarto. Napalingon si Angelica at pinahiran ang mga mata ng sariling palad. "Sino kayo? Anong kailangan ninyo?" usisa ng dalaga. "Miss Lady, nakahanda na po ang inyong pampaligo." "Eh, Miss Lady?" "Opo miss!" -------- Malawak ang hardin na sakop sa pinagmamay-arian ni King. Mayroon ding swimming pool na abot 7ft ang lalim. Sa hardin ay may maliit na pabilog na mesa na sakto sa apat na tao. Naroon na sina Ace at Jack na naghihintay kay King. Nakasuot ng casual na damit lamang si King na nakipagkita sa dalawa. Habang naglalakad sa damuhan si King patungo sa dalawa ay pakaway - kaway naman si Jack sa kanya. Si Ace naman ay napakaseryosong umiinom ng kape. Nakasunod naman si Mr. Franco sa boss niya. "Kumusta?" usisa ni Jack na napaupo nang nakaupo na si King sa upuan na kaharap ang dalawa. Na-eexcite tuloy ang binata sa ikwekwento nito. "Kumusta King? Did you have a great night kasama ang kapatid ni Stacey?" usisa naman ni Ace na patagong nakangiti at naghihintay sa masama balita ng binata. Ngumiti si King na medyo kinilig habang inaalala ang nangyari. "It was great!" Medyo nagulat si Ace sa di inaasahang sagot ni King. "Are you sure?" "Yes I'm sure!" Naguguluhan naman at nagtaka si Jack sa mga tanong ni Ace. "Paanong great ang gabi kapag pangit ang kasama mo? Kinaya mo? Nasikmura mo?" "Huh? Anong ibig mong sabihin Ace?" kunot noong tanong ni King. "Oo nga Ace." dagdag ni Jack. May hinablot na larawan si Ace mula sa kanyang bulsa pagkatapos ay inilapag niya ito sa mesa. Napatingin si Jack sa larawan gayundin si King. "Siya si Sophie, ang kapatid ni Stacey!" balita ni Ace. "Pangit nga niya!" ani ni Jack na nandiri. "Hindi ba siya ang nakasama mo kagabi gaya ng ating napakasunduan?" Napangiti lamang si King pero hindi ito sumagot. Nagpatuloy si Jack at Ace sa pagsasalita. "Siya ang nakasama mo King, di nga?" reaksyon ni Jack na di makapaniwala. "Aminin mo na King. Siguradong tiniis mo nalang. Tinadhana talaga na di ako ang manalo dahil hindi ko kayang ganito ang kasama ko sa kama. Palihim naman na natawa si Mr. Franco na nakatayo ng isang metro mula sa may likuran ng boss niya. Napansin naman iyon ni Jack ang pagtawa ng assistant ni King. "Anong nakakatawa?" sermon ni Jack. Tumigil ito at naging seryoso. Napatayo ng tuwid si Mr. Franco. Nagsalita na rin si King. "Ang totoo, I had a great night with a girl! Pinasaya niya talaga ako kagabi." "Eh?" "Ang nasa larawan ay ang kapatid ni Stacey pero iba ang naging kasama ko kagabi." "What do you mean?" "Do you still remember Ace na may pinapatay ka na kasama nila? Mapapakinabangan din pala. Instead of Stacey's sister, her maid of honor ang nakasama ko!" Nagkasalubong ang mga kilay ni Ace na halatang hindi nagustuhan ang mga sinabi ni King. Natahimik tuloy ang mga ito. Dumating na rin si Angelica sa may hardin. Pinasuot siya ng isang dress na napakafit sa kanya, sleeveless at super sexy. Lumabas ang magandang hubog ng kanyang katawan dahil sa suot niya. Habang naglalakad ang dalaga sa damuhan ay palagi niyang hinihila ang suot na napakaiksi. "Ano ba itong pinasuot niya sa akin! Kulang nalang maghubad ako. Haist! M*nyak talaga iyon!" bulong sa sarili ni Angelica na nanggigigil sa inis at patuloy sa paghakbang. Lumapit si Mr. Franco para ibalita sa boss niya ang pagdating ni Angelica. "Boss, nandito na po siya." Ilang metro lang mula sa lugar nina King ay napatigil na sa paghakbang ang dalaga. Nakasimangot ito na nakatingin sa kinaroroonan ng mga binata. Naunang lumingon ang dalawang binata bago si King. Natigilan sina Ace at Jack na nakatingin kay Angelica. Si King naman ay natulala at biglang may tambol na tumatambol sa kanyang dibdib. Ang lakas ng kabog ng puso niya na parang sasabog na. Pinagmasdan niya ang dalaga mula ulo hanggang paa nito. Napako tuloy ang tingin niya rito. Sa isip ni King ay may bumubulong, "Pretty face, sexy body. Perfect!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD