Chapter 12

1551 Words
Tumigil na sa paghakbang si Angelica. Medyo naiilang siya lalo na sa maikli niyang damit kaya hinihila pa niya ito pababa. Umiiwas din siya ng tingin sa mga binatang nakaupo. "Wow! Who is that gorgeous lady?" Nakangiting usisa ni Jack na ang mata ay nakatitig sa dalaga. Hindi rin maalis ang mga tingin ni Ace sa magandang binibini. Napainom ng tubig si King at nilunok ang isang basong tubig. Sumulyap naman si Angelica kay King habang nakatayo pa rin. "She's my personal maid!" sagot ni King nang matapos uminom at inilapag na ang baso sa mesa. Napalingon ang dalawa sa binata. "Eh? Personal maid?" gulat na reaksyon ni Jack na napahanga. "Di nga?" Kunot - noo naman si Angelica na direktang nakatingin kay King. Napapabulong nalang siya sa sarili. "Ano raw, ako? Personal Maid?" Nagsalita si Ace. " Huwag mong sabihin siya ang tinutukoy mo na maid of honor? Tama ba?" "Eh?" Napakamot ng ulo si Jack at di alam kung kanino titingin sa dalawang binatang kasama. "Exactly! Siya nga!" Napasulyap si Ace kay Angelica na nagpagulat sa dalaga nang mag - abot ang kanilang mga tingin. Umiwas naman si Angelica agad at yumuko nalang. "Great! Nakahuli ka ng panandaliang paruparu." "What do you mean?" seryosong tanong ni King na ang mga kilay ay nagkakasalubong na. "Huwag mong kalimutan ang ating kasunduan, just for two weeks!" Natawa si King. "Hindi ko naman nakakalimutan ang ating kasunduan. Don't you worry, ako pa rin ang mananalo sa susunod!" Napangiwi ang mga labi ni Ace. Medyo nanggigigil din ito sa pagiging mayabang ng binata. Si Angelica naman ay nanatiling nakatayo. Habang nag - uusap ang mga binata ay pinagtatagpi niya ang mga sinasabi nila. Napapaisip tuloy ang dalaga. "Ako yata ang tinutukoy nila! Pinagpupustahan yata ako ng mga lokong ito. Geez!" bulong ng isip ni Angelica. May dumating na isang babae na sexy manamit, blond ang buhok, maputi, maganda, sexy at kulay pula ang mga labi. Kumikembot ito habang naglalakad patungo sa kinaroroonan nila Ace. "Hi honey!" bati niya na mahinhing kumakaway. Napalingon ang mga binata at napatingin ang lahat sa dalaga. Pagkarating niya sa mesa ay agad umupo ito sa tabi ni King. Pinulupot din niya ang kanyang kamay sa braso ng binata. "Did you miss me honey?" malambing na tanong ng dalaga na ang pangalan ay Madonna. Hindi umimik si King at suminyas kay Mr. Franco na bigyan siya ng alak. Agad naman kumuha ng bote ng alak si Mr. Franco at ibinigay ito sa boss. Si Angelica naman ay napatingin sa dalaga na parang tukong nakakapit sa binatang si King. "Honey, I miss you!" Hindi naman tumugon sa sinabi si King bagkos ay uminom ito ng alak. Laking tuwa naman ni Jack na makita si Madonna. "Gumaganda ka lalo Madonna!" "Thanks Jack!" Pinagmasdan lamang ni Ace sina King at Madonna na nasa harapan niya pareho. Nagpatuloy naman sa paglalambing ng dalaga sa binata. Kumuha pa siya ng fries sa plato at sinubo sa bibig ni King. Tinanggap naman ni King ang binigay at kinain. Tuwang - tuwa naman si Madonna at sunod - sunod ang pagpapasubo niya. "Geez, edi wow! Kailangan talaga subuan?" bulong sa sarili ni Angelica habang nanonood sa dalawa. Nahalata ni King ang bulungan ng dalaga gayundin si Mr. Franco. "Honey, open our mouth... ahh.." malambing na utos ni Madonna na susubuan ulit ang napakaseryosong si King. Naiinggit naman si Jack sa ginagawa nila. "How sweet naman! Subuan mo naman ako Madonna." Nagbabasakaling gawin din sa kanya ng dalaga. Ngumiti si Madonna kay Jack sabay abot ang plato ng fries. "Heto Jack. May kamay ka naman hindi ba?" "Eh?" Tinaggap ni Jack ang isang plato ng fries. Di niya akalain na ganoon ang gagawin ni Madonna. Nainis naman si Angelica pero nagtimpi lamang siya. "Geez" Nagpatuloy si Madonna sa pagpasubo na pakurap - kurap pa ang mga mata. "Heto pa honey.." "Ang OA!" sambit ni Angelica na narinig nila. Natigilan si Madonna at napatingin sa dalaga. Lahat naman sila ay napalingon kay Angelica. Nang napansin ng dalaga na ang lahat nakatingin sa kanya ay bigla nalang siyang kinabahan. Tinaasan ng kilay ni Madonna si Angelica. Mataray na nagtanong ito. "Who is that woman?" Hindi sumagot si King bagkos si Ace ang nagsalita. "She's the personal maid of King." "Personal Maid?" Di makapaniwala si Madonna at mas lalo niyang pinagmasdan si Angelica mula ulo hanggang paa. Naiirita siya kay Angelica habang tinitingnan niya ito. Pumulupot ulit siya sa braso ni King at sinandal ang ulo sa balikat ng binata. Uminom naman si King ng alak at tahimik lamang ito. "Do you really need a personal maid?" usisa ni Madonna. Biniro naman siya ni Jack. "Bakit Madonna, natatakot ka na baka maagaw si King sa iyo?" Mas nainis si Madonna. "What? Me? Matatakot sa cheap na babaeng iyan, haler!" Narinig ni Angelica ang mga pinagsasabi ni Madonna. Palihim na napapakuyom ang mga kamay ni Angelica. Nanggigigil ito sa inis. "Cheap? Wala akong pakialam sa lalaking iyan. Iyong - iyo na siya!" ani ng isip ni Angelica na inis na inis na sa dalaga. Nagpigil pa rin si Angelica at tahimik lamang itong nakatayo. Mas naglambing pa si Madonna sa binata. "Honey, sino ang mas pretty and sexy sa amin? Napatingin si King kay Angelica kaya nag -abot ang mga tingin nila. Nagkatitigan ang dalawa at natigilan. Mas kinulit tuloy ni Madonna si King. "Honey, sino ba? Ako o siya ang maganda?" Sinagot ni King ang tanong ni Madonna habang nakatitig pa rin sa dalaga. "She is just my personal maid, my servant!" Natuwa naman si Madonna sa narinig. Napatanong ulit siya. "How about me, ano ako sa iyo?" Tumayo bigla si King sa kinauupuan. Napatingin silang lahat nang umalis ang binata. "Eh, saan ka pupunta honey?" Sinundan naman ng tingin ni Angelica si King na umalis at pumasok sa mansyon. Nakasunod naman si Mr. Franco kay King. Sina Ace at Jack naman ay nagpatuloy sa pag - inom ng kape at kumain. Sa ginawa ni King na pagwalk out, nainis si Madonna. Binigyan nya ng masamang tingin si Angelica. Mas binaling niya ang sama ng loob sa dalaga. Nang tuluyan ng nakaalis si King ay napatayo na si Madonna. Pinuntahan niya si Angelica sa kinatatayuan nito. Agad niyang hinablot ang kamay nito ay hinila. Gulat si Angelica sa ginagawa ni Madonna. "Teka, let me go!" Pagpupumiglas ni Angelica na medyo nahihirapan sa paglalakad dahil sa suot na sapatos na mataas ang takong. "Let's talk!" Nanood lamang ang dalawang lalaki sa dalawang babae. Dinala ni Madonna si Angelica sa may pool. Tumayo ang dalawa sa may gilid ng pool. "Bakit mo ako dinala rito?" tanong ni Angelica sabay wakli sa nakahawak na kamay ni Madonna. Napakrus ang mga braso ni Madonna sa may dibdib nito. Taas noong hinarap si Angelica. "Sino ka ba talaga?" "Bakit mo ako tinatanong ng ganyan? Hindi ba sinagot na nila ang tanong mo?" mataray na sabi ni Angelica. Mas nainis si Madonna at nanggigigil ito. Napatingin sa tubig sa pool si Angelica na nakatayo. Isang hakbang nalang niya at kung gagalaw pa siya ay tiyak na mahuhulog na siya. "Bakit mo ako dinala rito?" "Para mag - usap tayo!" "Dito talaga sa may pool?" "Oo!" "May balak ka yatang ihulog ako sa pool, tama ba?" "Depede sa sagot mo sa itatanong ko." "Paano kung hindi kita sagutin, ihuhulog mo pa rin ako?" matapang na hamon ni Angelica. "Hinahamon mo ba ako?" "Hindi! Tinatanong lang kita." Bumalik na rin si King sa kinaroroonan nila Jack at Ace. Sa lugar ng mga binata, hindi nila marinig kung anong pinag - uusapang ng dalawang dalaga.Kunot noong napatingin si King sa mga dalaga habang dahan - dahang umuupo. Napakwento naman si Jack sa kanya. "Bro, alam mo bang hinatak ni Madonna ang maid mo patungo sa pool kanina, tsk tsk, grabe hinila niya talaga," pagmamalabis na pagpapaliwanag ni Jack. "Ano?" Napatayo si King na aaksyon na sana na pupuntahan ang dalawa nang tumayo rin si Ace para pigilan siya. "King, hayaan mo nalang sila mag - usap. Let them talk.. girl's talk!" Binaling ang masamang tingin ni King kay Ace. Napakaseryoso ng mukha ng binata. Mas pinigilan pa siya ni Ace nang hawakan nito ang balikat ni King. "May kinatatakutan ka ba King? Is it about Madonna or about your maid?" Inalis ni King ang kamay ni Ace sa kanyang balikat at mas lumapit pa ito sa binata. Hinarap niya si Ace na napakaseryoso at taas noo. "Anong pakialam mo?" Ang dalawang babae ay patuloy sa pag - uusap. "Wala akong pakialam sa lalaking iyon!" ani ni Angelica. "King is mine! He is my King and I'm his queen!" dagdag ni Madonna. "Edi sa iyo na siya! I don't care. Isaksak mo pa siya sa b*obs mo pati sa pw*t!" Hindi na nakatiis at nakapagpigil si Madonna. Inangat niya ang kanyang mga kamay. Ilang segundo lang pagkatapos niya iangat ay naitulak niya si Angelica sa pool. Hindi na nakaiwas ang dalaga at sa pool ang bagsak niya. Tuluyan ng nahulog si Angelica sa pool. Sa kasamaang palad ay hindi gaano marunong lumangoy ang dalaga lalo na sa malalim na bahagi. "Ahhh!!" Napalingon ang mga binata sa may pool nang marinig nila ang sigaw ni Angelica. Nasaksihan nila ang talamsik ng tubig sa pool habang si Madonna ay nakatayo lamang roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD