Chapter 24

1840 Words
Sa katahimikan ng gabi, tanging liwanag lamang ng lampshade sa may kama kung saan nakahiga ang dalawa ang siyang nagbibigay ng kaunting liwanag sa silid. Yakap ni King si Licca habang nakahiga sa kama at ang binata ay mahimbing na natutulog. Bumaba na rin ang lagnat ni King kaya mas napanatag na ang dalaga. Napakalapit ng mukha ni King kay Licca kaya di maiwasang mapatitig ang dalaga sa kanya. "Kung sino - sino lang kasi ang mga babae mo kaya karma mo na yan! Hmp!" Naiinis na sermon ni Licca na di maalis alis sa isip ang napanood na paghahalikan ni King at ng isang babae sa isang bar. "Ano, masarap ba ang halik ng babaeng iyon?" "Hmmm?" Di inaasahang pag-react ni King habang nakapikit ang mga mata. "Eh? Narinig mo?" Namilog ang mga mata ng dalaga sa di inaasahang reaksyon ng binata. Mas hinigpitan ni King ang yakap kay Licca. Mas napapalapit tuloy ang mukha nito sa may mukha ng katabi. "Dito ka lang.. huwag mo akong iwan.." Napabuntong hininga nalang si Licca at mas napatitig pa ito sa binatang na may mala-adonis na mukha. Bigla nalang siyang nakaramdam ng init sa yakap nito at mas bumilis ang kabog ng dibdib niya. Tila sasabog ang tambol na kumakabog sa dalaga kaya umiwas agad siya sa pagtitig at binalig nalang ang tingin sa kisame. "Wheew.. bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko?" pagtataka ni Licca na di niya nahahalatang namumula na ang kanyang mukha. Hindi siya komportable kaya bumangon nalang siya sa pagkakahiga. Inalis din niya ang kamay na nakayakap sa kanya. Huminga siya ng malalim bago sumulyap ulit sa binata. "Kunting tiis nalang Licca, babalik din ang lahat sa dati..." bulong niya sa sarili na positibong makakalaya rin sila. "Pero..." sambit ni Licca na dahan dahang inaabot ng kanyang kamay ang mukha ng binata habang nakatitig siya. Hindi pa dumadapo ang kanyang mga palad ay may narinig na si Licca na may tumatawag sa kanya. "Miss! Miss!" mahinang pagtawag ng isang boses ng babae mula sa may pinto. "Hm?" Napalingon si Licca at nakita ang isang babaeng dahan - dahang lumalapit sa kama. Nakasuot ito ng damit pangkatulong. "Sino ka?" "Miss, naghihintay na sila.." mahinang sabi ng dalaga. "Sinong sila?" "Sina Maya at Sophie!" "Huh? Sina Maya at Sophie? Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong reaksyon ni Licca na naguguluhan pa sa sitwasyon. "Opo, sila po. Mamaya ko na po ipapaliwanag. Sumama na po kayo. Tara na po! Naghihintay na sila." pagpipilit ni Tori na agad hinablot ang kamay ni Licca para makatayo na ito mula sa pagkakaupo sa kama. "Teka lang.." Napatayo si Licca pero nag-aalangan pa rin ito lalo na ay nakasuot lamang siya ng manipis na lingerie. Napansin ni Tori ang reaksyon ng dalaga kaya agad niyang inabot ang dalang damit. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Licca. "Suotin ninyo po ito agad." "Eh?" gulat sa nakahandang damit para sa kanya. Isang simpleng bistida ang binigay ni Tori na isa pala sa mga damit pangkatulong. Maingat si Licca sa pagbibihis na ni isang ingay ay di niya ginawa. Pasulyap sulyap naman si Tori sa natutulog na binata. "Dalian ninyo po. Dapat na po tayo makaalis. Naghihintay na po sila Maya at Sophie sa inyo." Nang natapos na sa pagbihis si Licca ay napasulyap siya kay King. Tila may pumipigil sa kanya na umalis at iwan ang binata. Bigla siyang nakaramdam ng pagdadalawang - isip. "Tara na po!" ani ni Tori na sabay hablot sa kamay ni Licca. Hinila niya ang kamay ng dalaga kaya napasama na niya ito kahit sapilitan. "Teka.." Walang magawa na si Licca at hanggang tingin nalang ito sa binatang nakahiga sa kama habang lumalayo na sila. Tahimik na mabilis na paglalakad ang ginawa ng dalawa. Palingon - lingon si Tori sa paligid na kasama si Licca. Maingat silang naglalakad sa tahimik na pasilyo na ni isang bantay ay wala. "Saan ba tayo pupunta?" usisa ni Licca. "Naghihintay po sila sa may likuran. Naroon po sila." Napakalawak ng mansyon at ang teritoryo ni King na talagang mababaliw ka sa pasikot - sikot nito. Kung gaano kalawak ito pati ang likod bahay ay di alam ng dalaga. Habang tumatagal ay nakakaramdam ng kaba si Licca sa di mapaliwanag na dahilan. Napapalingon din siya sa likod niya at napapatingin sa pasilyong nadadaanan nila. Hanggang nakalabas na sila ng mansyon. Nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad sa damuhan at nagtungo sa lugar kung saan maraming mga kahoy at halaman. Hindi na nakatiis si Licca at tumigil ito sa paglalakad. Inalis niya ang kamay ni Tori na nakahawak sa kanyang kamay. "Saan mo ba ako dadalhin?" usisa ni Licca na may halong pagtataka. Hindi naman sumagot si Tori. Naghintay si Licca sa sagot mula sa dalaga pero wala itong sinabi kaya naisipan nalang ni Licca na bumalik. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba kaya napaatras siya. "Kung hindi mo ako sasagutin, babalik nalang ako." Tumalikod agad si Licca pero sa pagtalikod niya ay may tumawag sa kanyang pangalan. "Angelica!" Napalingon agad si Licca nang marinig niya ang isang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran. "Angelica!" Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang dalawa niyang mga kaibigan na sina Maya at Sophie. Hindi na niya namalayang napaluha na pala siya. "Sophie? Maya?" sambig ni Licca na di makapaniwala sa kanyang nakikita. "Angelica..." maiyak - iyak na sambit ni Maya na napapahakbang. "Angelica.." ani ni Sophie na di rin maiwasang maluha. Naiyak pareho ang tatlo at agad nagtungo sa isa't isa. Mahigpit ang pagyayakapan ng tatlong magkakaibigan. Bakas sa tatlo ang kasiyahan na magkakasama. "Akala ko hindi ko na kayo makikita.." masayang sabi ni Licca na ang mga mata ay nakapikit at ramdam ang init ng mga yakap ng dalawa niyang kaibigan. "Ako rin." pagsang- ayon ni Sophie na nakapikit din at nakangiti. "Masaya po akong makita kayo Miss Angelica." Naging emosyonal ang tatlo at nagpatuloy sa pagyayakapan na umabot ng ilang minuto kaya nakialam nalang ng saglit si Tori. "Itigil ninyo muna iyan, tara na para makaalis na kayo." Humiwalay ang tatlo at sumang-ayon sa sinabi ni Tori. Napatingin sila Licca, Maya at Angelica sa isa' isa. Napatango din sila. Nagpatuloy sila sa paglalakad sa madilim na kagubatan na siyang sakop sa lupain ng teritoryo ni King. Tanging liwanag ng mabilog na buwan ang siyang naging liwanag nila sa kanilang dinadaanan. "Sa wakas makakaalis na tayo sa impyernong lugar na ito." ani ni Sophie. Maingat ang bawat hakbang nila sa damuhan. Magkahawak naman ng kamay sina Maya at Licca at nauna naman sa paglalakad sina Sophie at Tori. "Miss Angelica, okay lang po ba kayo?" usisa ni Maya habang naglalakad na kasama si Licca na magkahawak ang mga kamay. "Syempre naman." nakangiting sagot ni Licca. "Mabuti naman po." Gumaan ang pakiramdam ni Maya sa mga sinabi ng kaibigan. Kahit alam niyang may nangyari ay di na niya inusisa pa. Si Sophie naman ay napapalingon kina Maya at Licca. Naririnig niya ang pinag-uusapan nila. "Nag - alala po kami sa inyo Miss Angelica." "Ganoon ba. Pasensya na kung pinag-alala ko kayo." Malungkot na tono ng boses ni Licca. "Pero masaya na po kami na makita kayong muli. Magkakasama na po tayo," "Oo nga, magkakasama na tayo!" Nagsalita rin si Sophie na nakatingin sa dalawa habang patuloy sa paglalakad. "Yes! Makakaalis na rin tayo!Malaya na tayo!" Napangiti sabay tango ang ulo nina Maya at Licca. Binigyan din ng ngiti ni Sophie ang dalawa na abot tenga niya. Di mapaliwanag na saya ang naramdaman ni Sophie na makakaalis na rin sila. Hanggang sa kakalingon ni Sophie sa likod ay di niya namalayan ang mga sangang nakakalat sa lupa kaya sa kasamaang palad ay nadapa siya. "Sophie!" Agad nilapitan ng dalawa ang kaibigan. Napaupo si Sophie sa lupa at ang dalawa ay napaluhod sa tabi niya. "Aray!Kung minamalas ka nga naman!" "Okay ka lang ba Miss Sophie?" "Okay ka lang ba Sophie?" Sumagot si Sophie na medyo wala na sa mood. "Sino ba ang okay na ganito?Aray!" May kaunting galos ang natamo sa tuhod ng dalaga kaya napaiyak ito. "Ang malas ko naman! Bakit ba nakabuntot sa akin ang malas! Aray! Aray!" "Tiisin mo muna Sophie." pag-aalalang payo ni Licca. "Masakit! Ikaw kaya ang madapa!" Hinihipan naman ni Maya ang tuhod ni Sophie kung saan may galos. Biglang umihip ang malamig na hangin. Dumampi ito sa kanilang balat na dahilan para makaramdam ng kakaiba si Licca. Habang patuloy sa pag- iiyak ni Sophie ay tahimik naman na nagmasid sa paligid si Licca. Napansin niyang nawala si Tori. "Nasaan siya?" pagtataka ni Licca. "Aray! Aray!" Palingon - lingon si Licca sa paligid pero wala ang babaeng kasama nila. Napansin din niyang ni isang bantay ay wala siyang nakikita. Wala man lang bantay ang nakasalubong nila. "Nakapagtataka.." bulong sa sarili ni Licca na napapakunot noo. "May sinasabi ka ba Miss Angelica? ano po iyon?" "Kasi.." "Ayoko na talaga sa lugar na ito! Umalis na tayo!" sigaw ni Sophie na patuloy sa pag - iiyak. "Bumalik na tayo.." mahinang sambit ni Angelica na narinig ng dalawa. Biglang tumayo si Sophie na tila walang nangyari sa kanya. Galit itong sumagot. "Anong bumalik? Hindi ako babalik!" Tumayo na rin sina Maya at Licca. "Bumalik na tayo sa mansyon." ani ni Licca na mas kinabahan. Hindi nya maintindihan pero may pumipigil sa kanya sa kanyang gagawin. "Ano? Babalik? Haler? Hindi ako babalik!" "Miss Angelica.." "Kung gusto mong bumalik Angelica, gawin mo! Ako hindi na!" dagdag ni Sophie na napapakrus ang braso sa may dibdib. Napatingin si Angelica kay Maya. "Maya.." "Miss Angelica, umalis na tayo rito." "Pero..." "Siguro Angelica mas gusto mo na rito. Tama hindi ba? Edi manatili ka rito!" mataray na sabi ni Sophie. "Hindi naman sa ganoon.." "Siguro nahulog ka na sa lalaking iyon. Nababaliw ka na!" "Eh? Huh?" "Hindi mo na naisip si Ted na kasintahan mo!" Nakinig lamang si Maya sa dalawa. "Anong ibig mong sabihin?" "Nakikipags*x ka sa ibang lalaki! Nakikipags*x ka para maligtas ang sarili mo!" Napatakip ng bibig si Maya sa mga narinig na sumbat ni Sophie sa kaibigan. Hindi siya makapaniwala kaya namimilog ang kanyang mga mata. "Teka teka..." "Gusto mong manatili rito dahil sa lalaking iyon, Gusto mong manatili dahil gusto mong makipags*x sa lalaking iyon!" "Ano?" "Masarap ba Angelica?" Nagtimpi ang dalaga at gusto na ng kanyang palad na lumipad sa mukha ng kaharap. Nagpatuloy pa si Sophie. "Hindi ka na pala v*rgin kaya okay lang kung ilang ulit at kung sino-sino na lang ang nakakasama mo!" Dahil sa inis at gigil ni Licca ay di na niya napigilan ang sarili at nasampal niya sa kaliwang pisngi si Sophie gamit ang kanang palad. Gulat si Maya sa kanyang nasaksihan. "Nakalimutan mo na ba Sophie...Hindi ba ikaw.. ikaw ang ..." Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Licca ay may biglang pumalakpak. Napalingon ang tatlo kung saan nanggagaling ang palakpak. Laking gulat nina Sophie at Maya sa kanilang nakita kung sino ang naroon. "Tapos na ba kayo sa inyong drama?" boses ng babae na siyang pumapalakpak. "Ikaw?" sambit ni Licca na gulat sa babaeng dumating. "Madonna.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD