Chapter 9

2102 Words
Naglalakad sa pasilyo si King habang nakasunod naman ang kanyang assistant na si Mr. Franco. Taas noong nakangiti ang binata dahil sa pagkakataong iyon ay siya ang nagwagi sa pagitan nila ni Ace. "Ihanda mo ang VIP na silid. Siguraduhin mong kaakit - akit ang lugar dahil magiging mainit ang gabing ito," utos ni King sa assistant. "Yes boss! Inihanda na po namin." sagot ni Mr. Franco. "Magaling! Huwag mo ring kalimutan ang susuotin niya sa gabing ito!" "Nakahanda na po. Tiyak magugustuhan ninyo ang mapang-akit na kasuotan niya mamaya boss." Abot tenga ang ngiti ng binata na patuloy sa paglalakad sa mahabang mga pasilyo ng mansyon. Iniisip palang niya ang magiging gabi ay napapatayo na ang sandatang kanina pa naiinip. "Boss, may pinadala po pala si Ace na mga litrato ng dalagang kapatid ni Ms. Stacey..." ani ni Mr. Franco na hawak ang isang envelope. "Dala ko po. Titingnan niyo po ba?" "Hindi na kailangan. Mas nakakaexcite ang ganito!" Napahinto si Mr. Franco sa paglalakad at sinilip ang loob ng envelope kung saan naroon ang mga litrato. Nanlaki ang kanyang mga mata at bumaling ang tingin sa boss niya. "Boss King!" tawag nito na patakbong pinuntahan ang naunang binata. "Haist, sinabi ko na sa iyo na hindi na kailangan makita ang litrato. Gusto ko siyang makita ng harap - harapan pagkatapos suot ang mga lingerie na dapat suot ni Stacey." "Pero boss..." "Isa pa, kapatid siya ni Stacey. Sigurado naman maganda at hot siya katulad ng kapatid nya," Napayuko nalag si Mr. Franco. Napansin naman ni King ang eksresyon ni Mr. Franco na medyo nag - aalala. "Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang namatayan!" "Kasi boss, baka pagsisisihan ninyo ang gabing ito.." "Tumigil ka na! Ihanda mo nalang ang lahat. I can handle it. Darating din pala si Ace mamaya at asikasuhin din ninyo si Jack. I will give him the chance kung sino ang pipiliin niya sa mga natira. Pwede na iyon sa kanya for fun. Hindi naman siguro ganoon ka ganda sila gaya ni Stacey at ang kapatid niya." "Yes boss!" "May aasikasuhin lang ako saglit. Dalhin na ninyo siya sa silid na inihanda." "Yes boss!" Samantala, ang tatlong dalaga ay nasa iisang silid. May mga nakabantay na mga lalaki sa kanila na tahimik lamang na nakatayo. Walang malay si Maya na nakahiga sa sahig malapit sa dalawang dalaga. Sina Angelica at Sophie ay magkatabing nakaupo sa sahig at magkahawak ang kamay. Nanginginig ang kamay ni Sophie dahil sa sobrang kaba at takot. "Angelica, mamamatay na ba tayo rito?" tanong ni Sophie na pinapawisan. "Ano ka ba, hindi tayo mamamatay!" sagot ni Angelica na napapahigpit ang hawak sa kamay ng kaibigan. "They will kill us. Papatayin pa rin nila tayo! Anong gagawin natin?" Napapalinga si Angelica. Pinapalakas niya ang kanyang loob. Kahit gusto na nyang umiyak at sumigaw ay hindi niya ginawa. Ninais niyang maging matatag para sa mga kaibigan na kailangan siya. "Natatakot ako Angelica..." "Huwag kang matakot. Naniniwala akong makakaligtas tayo sa kanila. Makakaalis tayo rito. Magtiwala lang tayo." "Paano na ang kasal ko? Paano na si Hero? Hindi na matutuloy! Hindi na ako ikakasal!" nababalisang sabi ni Sophie. "Wala ng kasal. Nasira na ang kasal ko.." Napaluha nalang si Sophie habang iniisip ang mga iyon. Naawa naman si Angelica sa kaibigan na alam na ito ang isa sa pangarap ni Sophie. "Hindi na ako ikakasal. Wala ng kasal na magaganap!" Niyakap nalang ni Angelica ang kaibigan habang si Sophie ay umiiyak. "Taha na.. magiging okay ang lahat. Siguradong hinahanap na tayo nila. Maghihintay si Hero sa iyo at ikakasal kayo." Nagpatuloy sa pag-iyak si Sophie na yakap si Angelica. Napatingin naman siya kay Maya na nakahiga pa rin sa sahig at walang malay. "Maya..." sambit ni Angelica na di na maiwasan ang isang luha na dumaloy sa kanyang pisngi. Hanggang, pumasok si Bok sa silid kung saan naroon ang tatlo. Inutusan siya na dalhin ang dalaga na kapatid ni Stacey sa kwartong inihanda para kay King. Nasa likuran naman nito ang apat na mga lalaking tauhan niya. Pinagmasdan niya muna ang babaeng walang malay pagkatapos ay sa dalawang dalaga. Bakas ang takot sa dalawa na mahigpit na nagyayakapan. "Dalhin ang kapatid ni Stacey sa silid ni boss!" utos ni Bok sa kanyang mga tauhan. Humakbang papalapit ang mga lalaking tauhan pero biglang nagsalita si Angelica kaya napatigil sila. "Teka lang! Anong balak ninyo sa amin? Bakit ninyo kilala si Stacey?" matapang na usisa ni Angelica. Naguguluhan sya kung bakit sila dinukot ng mga ito at sinira nila ang kasal ni Sophie. "Alam ba ninyo na sinira ninyo ang kasal ng kaibigan ko!" "Tanungin ninyo ang haliparot na si Stacey kung bakit nangyayari ito!" "Ano?" reaksyon ni Angelica. "Ang magbabayad ng lahat ay ang kapatid ni Stacey!" dagdag ni Bok. Napatulala at napapalinga ang ulo ni Sophie. May binubulong din siya sa sarili. "Hindi.. hindi.. hindi.." Mas hinigpitan ni Angelica ang pagkakayakap sa kaibigan. Nawawala na sa sarili si Sophie. "Dalhin na ninyo!" utos ulit ni Bok. Agad tinuro ni Sophie si Maya. "Siya ang kapatid ni Stacey! Siya ang hinahanap ninyo!" Nanlaki ang mga mata ng dalaga na nakasalubong ang mga kilay na bakas ang walang pag - aalinlangan ang pagturo kay Maya. Nabigla naman si Angelica sa ginawa ni Sophie. "Sophie.." Kunot noong pinagmasdan ni Bok ang pinapawisang si Sophie. Tumigil sa paghakbang ang mga lalaki at napalingon sila sa kanilang boss. Hinihintay nila ang utos nito kung sino ang kukunin nila. "Siya ang kapatid niy! Hindi ako! Hindi ako!" giit ng dalaga. Napangiwing tumawa si Bok. Alam niya kung sino ang totoong kapatid kaya alam niyang nagsisinungaling ang dalaga. "Huwag mo ng ituro ang iba!" Napatingin sina Sophie at Angelica kay Bok. Mas kinabahan si Sophie at sa mga gagawin ng binata. Hindi naman makapaniwala si Angelica na ituturo ni Sophie si Maya na siya ang kapatid ni Stacey. "Bakit ka pa tatanggi? Ang gagawin mo lang naman sa gabing ito ay paligayahin ang aming boss! Ayaw mo non, you will feel like in heaven and hotness like in hell!" Lumingon si Sophie kay Angelica. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ng kaibigan. "Angelica tulungan mo ako!" pakiusap ni Sophie. "Ayokong hindi na v*rgin bago ang kasal ko. Gusto ko ang asawa ko lang ang aangkin sa akin!" "Sophie.." "Tulugan mo ako." "Sophie.." "Ikakasal pa ako. Ayokong mawala ang v*rginity ko sa di ko kilalang lalaki! Ayokong isuko ito. Gusto ko pang ikasal na v*rgin!" pakiusap ni Sophie na naiiyak. Naalala tuloy ni Angelica na nawala ang v*rginity niya at nakuha ito sa di niya kilala. Bigla siyang nakaramdam ng awa sa kaibigan at ayaw niya itong matulad sa kanya. "Kapag mawala na ito, may lalaki pa kayang gugustuhin ako? Magpapakasal pa ba si Hero sa akin?" "Sophie.." Hinayaan muna ni Bok na mag-usap ang dalawa. Napapakamot pa ito sa kanyang tenga. "Kahit anong gawin ninyo, lahat kayo matitikman nila!" bulong nito na di naman narinig ng mga dalaga. Mas nagulat si Angelica sa sinabi ni Sophie. "Angelica, pakiusap tulungan mo ako. Ikaw nalang ang pumalit sa akin. Please! Hindi ka naman v*rgin hindi ba?" Natigilan saglit si Angelica sa mga narinig. "Naisuko mo na ang bandila mo! Ano pa ang kinatatakot mo na mawala!" sumbat ni Sophie. "Paanong.." Huminga ng malalim si Angelica at nagpapakatatag. Si Sophie naman ay patuloy sa pag-iyak at niyakap ang kaibigan. Nairita na si Bok. "Tigilan na ninyo ang inyong drama! Napakaarte ninyo! Dalhin na ninyo siya!" "Yes boss!" Agad hinatak ng dalawang lalaki si Sophie pero niyakap naman siya ni Angelica. Hinawakan niya ang braso ng kaibigan para pigilan sila sa pagkuha kay Sophie. "Teka lang!" "Angelica!" Mas malakas ang mga lalaki kaya nabitawan agad ni Angelica ang kamay ni Sophie ng hatakin nila ang kaibigan niiya. Hinawakan ng dalawa ang mga balikat ni Sophie nang nakatayo na ito. Hindi pa rin tumigil sa pag-iyak ni Sophie na hawak na siya ng mga ito. Hinarap ni Bok si Sophie. "Malas mo ba o malas ang boss namin?" seryosong sabi nito na tinitigan ang mukha ni Sophie. "Tsk tsk tsk!" Lumuhod si Angelica at nakiusap kay Bok. "Pakiusap, pakawalan ninyo ang kaibigan ko!" Napatingin si Bok kay Angelica. Napaangat naman ang ulo ni Angelica sa binata. Patuloy ang pakikiusap niya. "Pakiusap. Ako nalang ang kunin ninyo!" Taas kilay si Bok pero wala siyang magagawa. "Tsk tsk sayang dahil ang utos sa amin ay ang kapatid ni Stacey ang dadalhin." "Ako nalang! Huwag na ang kaibigan ko!" "Bakit mo ito ginagawa?" Natahimik saglit si Angelica at napayuko. Biglang nagsalita si Sophie. "Siya nalang ang kunin ninyo! Huwag ako." Dumating si Mr. Franco. "Ano na? Dalhin na ninyo sa silid! Maya - maya ay darating na roon si boss. Ayaw niyang pinapahintay!" Napatingin si Mr. Franco sa hawak nilang is Sophie. "Dadalhin na ba namin siya?" pagdadalawang isip din ni Bok na alam ang mga gusto ni King. Hindi agad nakasagot si Mr. Franco na tila nag-iisip. "Wala tayong magagawa. Dalhin na ninyo siya!" utos ni Mr. Franco. "Huwag ako!" Sinermunan pa siya ni Bok. "Kung hindi lang ikaw ang kapatid ni Stacey, hindi ka namin dadalhin sa boss namin!" "Sige na, do not delay!" dagdag ni Mr. Franco na napatalikod na. Nang aalis na sana ang binata ay nakiusap ulit si Angelica. Inangat niya ang kanyang ulo at tiningnan ang binatang si Mr. Franco. "Ako nalang ang dalhin ninyo. Huwag na ang kaibigan ko!" Nang narinig ni Mr. Franco ang isang boses ng babae ay napalingon sya rito. Nanlaki ang mga mata nito. "Ang babaeng iyan..." mahinang sambit ni Mr. Franco. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng nakita nila noon ng boss niya ay isa sa mga kinidnap nila. "Pakiusap!" pagmamakaawa ni Angelica. Desidido na ang dalaga na tulungan ang kaibigan. ------ Agad pinuntahan ni Mr. Franco ang boss niyang si King sa swimming pool area na nasa loob ng mansyon. Nakahanda na ang binata na suot lamang ang isang puting bathrobe. Pagkaharap niya sa boss ay binalita niyang pinalitan nila ang babaeng makakasama nito at hindi na ang kapatid ni Stacey. "What!?" galit na reaksyon ni King. Yumuko lamang si Mr. Franco at wala ng ibang sinabi. Umuusok sa galit ang binata at sermun ang inabot nito sa boss. "Sinong nagsabi at nag-utos sa iyo na palitan siya! Paano namin siya mapaparusahan sa kama kung pinalitan na ninyo siya?" "Boss kasi..." "Haist! Damn it!" "Sir, nakiusap ang dalaga na siya na lang kesa sa kaibigan niya." "So sumang-ayon kayo?" "Opo boss!" "So ibig sabihin makikipags*x ako sa walang kwentang kasamahan lang niya! Mababalewala ang pagkapanalo ko kay Ace dahil hindi ko siya naitalik ngayon!" "Sir, hindi kayo magsisisi sir!" "Geez! Dalhin ninyo ang kapatid ni Stacey. Ayoko ng iba!" "Sir!" giit ni Mr. Franco. "Ako ang boss mo, ako ang masusunod!" "Sir, kahit ngayon lang. Hindi talaga kayo magsisisi. Pagkatapos ng gabing ito, maaari na ninyong dalhin ang kapatid ni Stacey sa kama ninyo." Napataas ng isang kilay si King na tiningnan ang pangiti-ngiting si Mr. Franco. "Anong problema mo Franco?" usisa ni King na may kakaibang nararamdaman sa assistant. "Wala naman po. Just enjoy the night!" "Geez!' Tumalikod na si King at umalis sa kinatatayuan, Naiwan nalang roon si Mr. Franco na pakaway - kaway ng kamay na nakangiti. Napapamura pa si King habang naglalakad sa pasilyo na patungo sa silid na inihanda sa kanya. "F*cking sh*t! Bakit kailangan na mauna pa ang kasamahan niya? Nakakasukang isipin! Mga sidekick na walang kwenta. Sigurado wala sa kalingkingan ni Stacey ang ganda. Sigh. Kailangan ko nalang pagtiisan! Kapag nalaman ito ni Ace, siguradong pagtatawanan ako at hindi na ako bibigyan ng pagkakataon sa kapatid ni Stacey. Geez! Asar! Bakit may mga tauhan ako na pakialamero!" Nang nakarating na si King sa may kwarto ay sinipa niya ang pinto para mabuksan. Medyo galit ang binata at pumasok na ito ng diretso. Napakalaki ng kwarto at ubog ng ganda na may mga palamuti at mwebles. "Saan ang martyr na babaeng tinutukoy nila!?" Sa sulok ay may babaeng nakayuko at medyo kinakabahan. Mas lalong natakot ito nang pabiglang pagbukas ni King sa pinto. Suot ng dalaga ang isang napaka-sexy na may lace na lingerie na kulay itim. Kitang - kita ang makinis na hita nito at ang mga kamay niya na tinatakpan ang hinaharap dahil sa napakadaring na suot na kitang walang bra. "Nariyan ka lang pala!" Lumapit si King na halatang galit. Sapilitang hinablot niya ang kamay ng dalaga at pinaharap ito sa kanya. Napaharap si Angelica sa binata. Napakalapit ng mga mukha nila sa isa't isa hanggan namilog ang mga mata nilang nakatitig sa bawat isa. "Ikaw?" sabay nilang nasambit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD