Chapter 36

1598 Words
“LOVE!” Naibaba ni Kevin ang hawak na mga dokumento nang marinig ang boses ni Hana na tumawag sa kanyang pangalan. At dahil alam ng kasintahan ang password ng kanyang pinto ay malaya itong nakapasok sa loob ng bahay niya. Malapad ang ngiti nitong naglakad palapit sa kanya saka siya dinampian ng mabilis na halik sa labi. “What’s wrong?” tanong nito nang mapansin ang pananahimik niya. Dinampot ni Kevin ang brown envelope na nakapatong sa ibabaw ng center table saka inabot sa kasintahan. “What’s this?” nagtataka nitong tanong bago binuksan ang envelope. Hindi siya nagsalita. “A-anak mo ang batang 'yon?!” bulalas nito. Tinapunan niya ito ng tingin. Kitang-kita niya kung paano namutla ang buong pisngi nito nang mabasa ang nilalaman ng hawak na papel. Dahan-dahang pumatak ang mga luha nito, hanggang sa nabitawan nito ang hawak na DNA result at napasandal sa couch. Doon na ito tuluyang humagulhol, ngunit sa halip na aluhin ay nanatili lamang na nakatitig si Kevin sa kasintahan. Hindi niya ito magawang lapitan at yakapin. “I’m sorry,” sambit niya kapagkuwan. Nag-angat ito ng tingin saka siya tinitigan. Pinunasan nito ang sarili mga luha bago siya nilapitan at hinaplos ang kanyang pisngi. “Kevin, let’s just pretend it doesn't happen. I can forgive you and I promise, I won't ask you about this anymore. Please, Love. Ibaon na lang natin sa limot ang tungkol dito, hmm.” “Hana, that's unfair. Mahigit labing-anim na taon kong hindi nakasama at nakilala ang anak ko. Ni hindi ko nga alam na may anak pala ako. And I want to make the right thing this time. Kailangan ko siyang panindigan,” sagot niya. “Kevin, paano naman ako? Hindi mo na ba ako mahal? Fine! I’ll talk to my ob-gyne, I’m sure may paraan pa para magkaanak ulit tayong dalawa. Please, ‘wag mo akong iwan para lang sa batang ‘yon,” pagmamakaawa nito. “Hindi siya basta bata lang, Hana. He’s my son. My own blood. My own flesh. I’m sorry, pero kagabi ko pa pinag-isipan nang mabuti ang tungkol dito. I am breaking up with you, Hana.” Natulala si Hana sa sinabi niya. Dahan-dahan nitong binitawan ang kanyang pisngi. Pagak itong natawa habang walang tigil sa paglandas ang maiinit na luha sa pisngi nito. “Pagkatapos mo akong pagtaksilan ay makikipaghiwalay ka lang sa akin? Tingin mo ba talaga ay gano’n lang kadali iyon, Kevin?!” galit na galit nitong sabi saka siya sinimulang hampasin sa braso. “Hindi kita pinagtaksilan, Hana. Look, we're in High School nang ipinagbuntis ni Viola si Knoxx. At College naman tayo nang magkakilala. Obviously, mas naunang dumating ang mag-ina ko kaysa sa pagsisimula ng relasyon nating dalawa. Besides, hindi ko alam na nabuntis ko si Viola noon. Itinago niya ‘yon at kung hindi pa ako gumawa ng paraan ay hindi ko pa malalaman na nagkaanak pala ako sa kanya,” paliwanag niya. “That’s absurb! At bakit naman niya itatago ang anak niya sa ‘yo? If I know, kating-kati na ang babaeng iyon na makuha ang lahat ng pera mo!” “Hindi totoo ‘yan, Hana. I know Viola at alam kong hindi siya ganyang klaseng babae.” “Oh, really? Then paano siya nabuntis? Gaya nang sinabi mo noon, she had a boyfriend kaya paanong ikaw ang naging ama ng anak niya? Ang sabihin mo, malan—” “Stop it! Hindi nga sabi gano’n si Viola! Ako ang may kasalanan sa mga nangyari!” Nasabunot niya ang sariling buhok nang maalala ang kuwento ni Viola, lalong-lalo na ang gabing may nangyari sa kanilang dalawa. “Hey, what's wrong? Stop hurting yourself.” Hinawakan ni Hana ang pareho niyang kamay upang pigilan siya sa ginagawang pananak*t sa sarili. “Hana, hindi ko alam. Hindi ko sinasadya. Hindi ko gustong sirain ang buhay niya,” naiiyak niyang sambit. “Kevin, look at me. Ano ba talaga ang nangyari? Tell me, I’m here to listen. . . as a friend.” Umayos ng upo si Kevin saka sinuklay ang magulo niyang buhok gamit ang sarili niyang mga daliri. Nagpunas siya ng mga luha saka ito tinapunan ng seryosong tingin. “Alam mong kahit noon pa man ay hindi na ako umiinom nang sobra-sobra dahil mababa ang alcohol tolerance ko. Nangyari ang lahat nang gabing mamatay si Mom. I was depressed that night at sa kagustuhan kong kalimutan ang sakit na nararamdaman ay pumunta ako sa bar para uminom. I've been drinking for more than an hour. Wala na ako sa sarili ko and I didn't know that Viola came to fetch me,” he paused. Kahit si Hana ay hindi rin nakapagsalita sa sinabi niya. “Masyado akong nabulag sa pagmamahalan ko sa kanya, Hana. ‘Yong nangyari sa aming dalawa, I was the one who initiated it. Ginawa ko ‘yon nang wala sa sarili. I’m sorry, ako ang dapat na sisihin.” “Oh my God, Kevin!” hindi makapaniwalang sambit ni Hana saka siya niyakap nang mahigpit. Narinig niya ang paghikbi nito habang marahang hinahaplos ang kanyang likod. “Wala akong lakas ng loob na sabihin kay Knoxx na ako ang tunay niyang ama. Ni hindi ko siya magawang tingnan sa mga mata niya. I feel guilty. Alam kong malaki ang nagawa kong pagkukulang sa kanya. At natatakot ako na baka kamuhian niya ako dahil doon. Ayokong mangyari ‘yon, Hana. Ayoko.” “Kevin, kumalma ka muna. Hayaan muna nating lumipas ang gabing ito. Don't worry, mag-iisip din ako ng paraan para matulungan ka,” sabi nito. “Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko, Hana. Gustong-gusto kong makasama ang anak ko, pero pinangungunahan ako ng takot. Takot na baka hindi niya ako magawang tanggapin sa buhay niya.” “Don’t think too much, Kev. Halika, ihahatid na kita sa kuwarto mo. Magpahinga ka na,” pagyayaya nito. “I want to see him, Hana. Gusto kong makita ang anak ko. Pakiusap, hayaan mo akong masilip kahit ang mukha lang niya. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko siya nakikita.” Narinig niya ang pagbuga nito ng malalim na paghinga bago tumango nang ilang beses. Nilisan nila ang bahay niya at tumungo sa lugar nina Knoxx. Ito na ang nagmaneho, ibinigay na lamang niya rito ang address ng lugar. Maaga pa naman kaya marami pang mga tao ang nasa labas. Mabuti na lang at bukas pa ang tindahan sa tapat ng bahay ng mag-ina kaya roon na muna sila tumigil. Bumili ng mga sitsirya at inumin si Hana habang matiyaga silang naghihintay sa labas. Ngunit lumipas ang halos kalahating oras pero walang Knoxx ang lumabas ng bahay. Nagyaya nang umuwi si Hana subalit humingi pa siya ng dagdag na oras. “Makikita mo naman siya bukas sa school, Kev. Please, umuwi na tayo. Baka tulog na ‘yong bata,” wika ni Hana. Naghintay pa siya ng ilang saglit. Nang bigo siyang makita ang anak ay pumayag na rin siyang umuwi. “Alam kong hindi ‘to madala para sa ‘yo pero kailangan mo munang mag-isip nang maayos. Huwag mong hayaang maapektuhan nito ang trabaho mo. Remember, maraming mga bata ang umaasa sa ‘yo—” “Pero isa lang ang tunay kong anak,” pagputol niya sa sasabihin nito. Kasalukuyan na silang bumabiyahe pauwi at buong minuto na nakatuon lamang ang pansin niya sa labas ng bintana. “I know. That's why kailangan mong ayusin ang sarili mo. As soon as possible, kausapin mo agad ang anak mo. Ipaliwanag mo sa kanya ang lahat at kung maaari, ayusin mo na rin ang. . . k-kasal ninyong dalawa ni Viola.” Nabaling ang tingin niya kay Hana. Humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela habang kagat-kagat ang sariling labi. Nagbadya ang mga luha sa mga mata nito ngunit naging maagap ito na punasan ang mga iyon bago pa tuluyang bumagsak sa pisngi nito. “Hana. . .” “I’m okay, Kev. Huwag mo akong isipin. Think of yourself right now. Remember, you're a teacher. Hindi makabubuti para sa career mo oras na malaman nilang may anak ka na hindi mo nagawang panindigan. Hindi pa huli ang lahat, pakasalan mo na agad si Viola at ilipat mo sa pangalan mo si Knoxx bago pa nila makalkal ang tungkol dito.” “Hana. . .” “Mahal na mahal kita, Kevin. That is why I’m letting you go. Ayokong masira ang career mo nang dahil sa akin. I’ll be selfish if hahayaan kitang mawala sa ‘yo ang anak mo, pati na ang pangarap mo. Gawin mo ang tama, Kevin. I’m here to support you.” Hindi napigilan ni Kevin ang mapangiti. Bagong Hana ang nakikita niya ngayon. Mature, selfless and open-minded. Alam niyang nahihirapan din ito sa mga nangyayari pero mas pinili nito ang suportahan siya. Masaya siya dahil sa gitna ng mga nangyari ay hindi siya nito iniwan. “Thank you, Hana.” “Huwag kang mag-thank you, may kapalit lahat ng mga ginagawa ko,” nakanguso nitong sabi. “Still, thank you. Kung hindi dahil sa ‘yo, baka hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang gagawin ko.” Inirapan na lamang siya nito at binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Pagdating sa bahay ay inasikaso pa siya nito at ipinaghanda ng makakain. Maaaring ito na raw ang huling beses na magagawa ito ng babae sa kanya kaya pinagbigyan na lamang niya ito. Magdamag din silang nagkuwentuhan at nagpaalam sa isa't isa bilang magkasintahan. Hindi na niya ito pinauwi pa at hinayaang sa bahay na niya matulog.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD