PALAKAD-LAKAD si Gatdula sa ilalim ng malaking puno ng mangga nang matanaw niya ang kaibigang si Brix. Humahangos pa ito at halatang malayo ang tinakbo nito hanggang sa marating ang kinaroroonan niya. "Bro—" "What happened to you?" kunot noo na tanong ni Gatdula rito. "Nabalitaan mo na ba? Si señorita Maisha... umuwi na." saad nito sa kaniya at mabilis na itinukod ang dalawang kamay sa mga hita at yumuko habang humahangos pa rin. Mabilis na muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Gatdula pagkuwa'y ginulo ang sariling buhok. "Tss! Kalalake mong tao. Chismoso ka rin pala." saad nito. "I'm just saying. Baka hindi mo pa alam at magulat ka na lang mamaya pag-uwi mo ng mansion." anito at mabilis na tumayo at sinuntok ng bahagya ang balikat ng kaibigan. "So, alam mo na ba?" muli