INAALON ng matinding kaba ang dibdib ni Maisha habang nakatitig sa malaking pinto ng kanilang mansion. Halos sampong minuto na simula nang makaparada ang kotseng kaniyang kinalululanan sa harap ng kanilang bahay, pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin lubos maisip na paglipas ng mahabang panahon, ito siyang muli. Muli siyang aapak sa lupang kinagisnan niya. Hindi maipaliwanag sa sarili ang sari-saring emosyon na nararamdaman niya. Oras na binuksan niya ang pinto ng sasakyan, alam niyang hindi na siya makakaatras pang muli. Narito na siya. At iyon ang naging pasya niya kagabi pa pagkatapos ng pag-uusap nila ni Vev. Kailangan niyang makaharap ang kaniyang ama. Muli siyang napapikit ng mariin kasabay ng muling pagpapakawala niya ng malalim na buntong-hininga pagkuwa'y dahan-dahan niyang