Panloloko Ang magandang tanawin ng payapang kalangitan at karagatan ay parang isa ng bangungot para kay Ela. Ang minamahal niyang tabing-dagat ay kinasusuklaman niya na sa mga sandaling ito. Bakit dito siya dinala ng lalaking naka motor? Sa kubo kung saan nagdulot sa kanya ng matinding trauma. At bakit si Paolo ang nasa harap niya ngayon? “Saan mo dadalhin ang anak ko?” kalmadong tanong ni Paolo ngunit may diin. Naka sandal ang likod nito sa pinto ng kubo habang naka halukipkip at may hawak na baríl.. Sanay naman siyang makita si Paolo na may hawak na armasl ngunit hindi sa pagkakataong ito. Matalim ang mga mata na nagbibigay nginig sa kaloob-looban niya. Nakaka dismaya ang kanyang nakikita. Hindi ito ang inaasam niya. Hindi si Paolo ang inaasahan niyang makita. Sumenyas si Paolo