Pigil-hininga [Ela, sinabotahe ako! Babawiin ko kayo.] Hindi na malaman ni Ela kung anong gagawin. Nahahati ang kanyang puso. Sino ba ang dapat niyang sundin, paniwalaan, at pagkatiwalaan? Parang nasa panganib ang buhay niya kahit sino ang samahan. Parang sumisikip ang mundo niya. "El?" Parang tumalon ang kanyang puso nang narinig niya ang tawag ni Paolo mula sa banyo. Agad niyang isinilid ang hawak na cellphone sa ilalim ng kama. "El, pwedeng paki-abot ng towel?" paki-usap ni Paolo na nasa pintuan ng banyo, basang-basa pa ang katawan simula ulo hanggang paa. Tumutulo pa ang tubig sa malago nitong buhok. Agad na tumalima si Ela para bigyan ng twalya si Paolo. Pag abot niya sa twalya ay hinablot ni Paolo pati ang kamay niya. Hinila siya papasok ng banyo at wala na siyang magawa k