Pagkuha

1317 Words

Pagkuha Sa isang madilim na eskinita, kinakaladkad si Ela ng isang lalaki. Patakbo silang lumalayo sa mga lalaking may masamang tangka kay Ela. Habang hawak-hawak ng lalaki ang kanyang kamay at hinihila sa isang mas madilim na eskinita... parang may kuryenteng dumadaloy sa pag dampi ng balat nito sa kanyang balat. Ang kamay nito na sakop ang buo niyang pulsuhan, may kakaibang init na bumabalot sa buo niyang katawan. Sa bawat hakbang ng pagtakbo nila, may sumasagi na liwanag sa mukha ng estrangherong lalaki. Kasabay ng bawat hakbang niya ay ang pag tulo ng kanyang luha. Ganito pala ang pakiramdam... na makita ang taong matagal mo nang hinahanap, inaasam na muling makita, pinapangarap na makasama. Kahit pa sa gitna ng kapahamakan ay pipiliin pa rin na siya ang kasama, sabay na haharapi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD