Pakikipag-sundo Walang katapusang pasakit. Parang puro na lang paghihirap ng kalooban ang dumadating sa buhay ni Ela. Nakita nga niya ang matagal na niyang hinahanap at gustong makasama, kapalit naman noon ay ang anak niya. Ela! Yung anak mo, kinuha nu'ng tatlong lalaking naka itim at sumbrero. Tapos paalis na sila biglang hinarang ng isa pang grupo ng mga lalaki may dala rin silang mga bar!l. Haguy ang nerbiyos ko Ela, akala ko ay katapusan ko na. Akala ko ay magpuputukan na sila. Tapos nag labas ng tsapa ng pulis ang sabi P*EA daw sila. Tapos nagtutukan sila ulit ng mga armas nila, dehado 'yun naunang grupo dahil mas marami 'yung dumating. Binawi do'n sa isang lalaki 'yung anak mo. Hindi ko na alam kung ano ano pinag sasasabi nila, Nakakatakot Ela bigla na lang silang pumasok tinutuk