Pakikipagkilala

1121 Words
Pakikipagkilala Pinili ni Ela na harapin ang lalaking sinasabi ni Riza na bisita niya. Napatapik pa siya ng noo nang mapagtantong pwede naman si Paolo ang tinutukoy ni Riza. 'Pogi' rin kasi ang tawag ni Riza kay Paolo. Gwapo naman talaga ang kababata niyang iyon at masugid niyang manliligaw sadyang nagbago lang ang pakikitungo niya nang bigla itong nagtapat sa kanya. Nakaka-ilang kasi, buong buhay niyo ay lagi kayong magkasama, naliligo nang sabay sa poso nang naka panty at brief lang, sabay naglalakad papasok sa paaralan, at kumakain minsan sa iisang plato at nagsusubuan. Ganoon sila kalapit dati, kapatid na ang turing niya kay Paolo at hanggang doon lang ang kaya niyang ibigay. Aaminin ni Ela na si Gio lang ang 'pogi' na unang tatakbo sa kanyang isip. Kailangan niya itong harapin hindi dahil sa pinipili niya ang sinasabi ng kanyang puso, kundi dahil kailangan niya itong pasalamatan sa pagsagip sa kanyang buhay. Kung hindi siya niligtas nito paniguradong pinaglalamayan na siya ngayon. Pagbukas ni Ela ng pinto ng kanyang kwarto, bumungad agad ang isang pamilyar na lalaki. Prenteng naka-upo sa luma at butas-butas nilang sofa. Ilang segundo rin na tumigil ang mundo niya habang nakikipagtitigan sa matalim na titig ni Gio at ngumiti sa kanya ng makalaglag pangang ngiti. Nakasuot ito ng itim na polo-shirt at maong na pantalon at simpleng puting sneakers litaw na litaw ang pagiging tisoy dahil sa kanyang suot. May dala pa itong isang bungkos ng Lavender flowers, Kitkat chocolates, prutas, at lechong manok. "Good morning," bati nito sa kanya at pirming naka-upo sa sofa. Maangas man tignan ngunit nakaka-kilig talaga ang itsura nito at ginagawa. He's too good to be true kaya ang hirap talagang paniwalaan na naparito ito para manuyo. "A-anong ginagawa mo rito?" nauutal na tanong ni Ela at nahiya siya sa kanyang suot. Parang gusto niyang bumalik sa loob ng kwarto at magpalit. Bakit naman kasi natataranta siya sa lalaking hambog na ito? Napa wasiwas siya ng ulo, napayuko, humingang malalim, at muling hinarap si Gio. Hindi niya na dapat itong bansagang 'hambog' dahil utang niya ang buhay niya rito at sadyang malakas lang talaga ang dating nito. "Ate, parang wala kang good manners at right conduct. Bumati ka kaya muna ng 'good morning'," sabat ni Riza. "Good morning." Napilitan tuloy si Ela at ngumiti rin ng pilit. Pagkatapos ay bumaling sa kapatid at nilakihan ito ng mata para masindak. "Pumasok ka kaya sa kusina at pagsilbihan mo 'yang bisita." "Luh, kanina pa nga kami nag-uusap. Tagal mo eh. Ganoon pa rin naman itsura mo paglabas, bakit kaya ang tagal maligo--" Pinigilan na lang ni Ela ang sarili dahil nakakahiya sa kanyang bisita. Napamewang siya at kinausap si Gio habang padabog na pumunta si Riza sa kusina para ayusin ang mga dalang pasalubong ng bisita. Inulit ni Ela ang tanong niya kay Gio at tumabi sa tabi nito. Maliit lang kasi ang bahay-kubo nila at dalawa lang sila magkapatid kaya isa lang ang sofa na naroon. Mabuti naman at kahit papaano ay feel at home si Gio. Mas nahihiya pa nga siyang gumalaw sa sarili niyang bahay, parang si Gio pa ang may-ari. Matindi lang siguro talaga ang kumpyansa nito sa sarili. "Hindi pa ba obvious? I'm courting you," simpleng sagot nito. Ah kainggit ang pagiging cool nito. Namula tuloy ang pisngi ni Ela at parang kiniliti ang tagiliran nang marinig ang salitang 'courting you'. "B-bakit naman.." Hindi talaga lubos maisip ni Ela kung ano ang nakita sa kanya ni Gio. Maganda siya pero pangkaraniwan lang ang ganda niya at siguradong maraming babae sa lugar nito na higit na mas maganda at may thrill kaysa kanya. "Anong nakain mo naman at naisip mo 'yan--" Lumapit si Gio sa kanya at bumulong. "Nakain? Wala naman. Kakainin pa lang." Napakunot-noo si Ela sa sagot nito at bakit parang nag-aasar ang pagkakasabi nito? At ang sensual ng pagkakabulong. Bakit ang sexy ng boses nito? Parang nang-aakit. "Ang aga mo naman kasi, hindi ka pa pala nag-aalmusal, sumugod ka na agad dito." Napatawa na lang si Gio dahil mukhang inosente pa talaga si Ela at hindi makaunawa ng mga double meaning. Lalong nagtaka si Ela at natulala sa tumatawang si Gio. Himala yata at tumawa ito. Para kasing masyadong seryoso sa buhay ang lalaking ito, nakakapanibago. Napabuntong hininga na lang si Ela dahil ang pakay niya talaga ay harapin si Gio para magpasalamat sa pagsagip sa kanya at kung maaari ay umiwas na dahil wala siyang balak magpaligaw kung ito talaga ang sadya nito. Pero paano niya ipagtatabuyan ang lalaking ito kung unti-unti nang nahuhulog ang loob niya? "Gio..." tawag ni Ela bago pa maumid ang kanyang dila sa kaba. Matiim lang na nakatingin si Gio sa kanyang mga mata matapos tumawa. May timer at expiration yata ang ngiti nito. He gave her enough time to clear her throat para masabi na niya ang gusto niyang sabihin. "Hindi ba, nabibigla ka lang? Nung isang araw lang tayo nagkita, lasing ka pa nga yata--" "If I were drunk, d'you think makaka-bangon ako ng maaga kahapon at mag-abalang stalk ka sa beach?" Napa bilog na lang ng bibig si Ela. Sinadya pala talaga nito na dumayo sa lugar nila kahapon. "Ok. Pero turista ka lang naman 'di ba? aalis ka rin agad. Pasensya na pero wala akong balak maging pampalipas-oras. Marami pa akong pangarap sa buhay/ Hindi ko rin pinangarap ang long distant relationship--" "Edi dito na ako titira sa Palawan." Napaharap si Ela kay Gio para kumpirmahin kung gaano ito kaseryoso. "No way! Pwede ba, kung wala kang magawa sa buhay, huwag ako ang pag tripan mo. Mawalang galang na pero pwede ka nang umalis--" natigilan si Ela dahil tumataas na ang boses niya. Her cheeks turned red as she was too embarassed for bursting out an overwhelming emotions. Tumayo si Gio at akala ni Ela ay aalis na ito. Gusto niya itong pigilan kahit na kani-kanina lang ay pinapa-alis niya ito. Naguguluhan na rin siya sa kanyang sarili. Mabuti na lang at tumayo lang si Gio para manikluhod sa harap niya at hindi niya inaasahan na hahawakan nito ang kanyang kamay. Napa-iwas siya ng tingin. Hindi niya alam kung ano ang iaakto sa harap ng lalaking ito na mas unpredictable pa sa alon at panahon. "Hindi ko nga alam kung anong apelyido mo..." mahinang sambit ni Ela. "Mendrez," sagot ni Gio. Napa-isip si Ela. Pamilyar kasi ang apelyido nito. Napabilog na lang ng bibig si Ela nang maalala ang pangalang "Doc Giovanni Mendrez". Magsasalita pa sana si Ela nang bigla namang tumunog ang cellphone ni Gio. "Excuse me please," paalam ni Gio para sandaling sagutin ang tawag sa kanya. Yes Dad. Hindi pa ako makaka-uwi. In fact, I'm planning to live here. ---------------------- TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD