I really thought I would be able to totally give up modelling after graduation but it was hard. Mas mahirap pa dahil halos ang dalawang matalik kong kaibigang sina Sugar at Arabella ay parehong pinayagan ng parents nila na i-pursue ang modelling. And seeing them passionately talking about their upcoming projects made me really really lonely. Lalo na at tinanong na ako ni Daddy kung saan kong Department gustong magtrabaho sa Montecarlo Holdings.
Nahihiya ako sa sarili kapag naiisip na kahit ang pagpili ng Department na papasukan ay walang-wala akong idea. At alam na alam ko ang dahilan kung bakit. It was because my heart and mind is not totally into business. Hindi katulad ng kakambal ko na hindi na kailangan pang tanungin ni Daddy kung saan n’ya gustong ma-assign na trabaho. Vaughan chose to work in the hotel’s operations. Kahit hindi sabihin ni Daddy ay alam kong sobrang proud s’ya sa kakambal ko dahil alam na alam nito kung saan magsisimula. Hotel operations is the hardest and most crucial department in the hotel. Pero alam kong gustong-gusto iyon ni Vaughan dahil simula pa lang ay nasa pagpapatakbo na ng business ang isip at puso n’ya. He was even creating proposals even when we were just interns. At minsan ay sinabi n’ya pa sa akin na hindi lang n’ya sa company namin gustong magtrabaho.
“Where?” nagtatakang tanong ko sa kanya nang minsang nag-aayos kami ng mga documents na kakailanganin namin para sa pagsisimula namin as a probationary employee in Montecarlo Holdings. Ayaw ni Daddy ng palakasan sa kompanya kaya kahit na mga anak n’ya kami ay dumadaan kami sa natural na proseso ng pagpasok sa kompanya. Noong nagsimula kaming mag-intern ay nag-apply din kami at dumaan sa mga interviews katulad ng isang normal na estudyante na nag-aapply para makapag-internship sa hotel. And now that we graduated, we will apply like a normal employee. At ito nga at pati ang resume ko ay si Vaughan ang gumawa. S’ya rin ang nagturo sa akin ng mga posibleng itanong sa interview at ang mga posibleng sagot sa mga tanong na ‘yon. “Where are you planning to work aside from Montecarlo Holdings? Abroad?” sunod-sunod na tanong. He crossed his arms and faced me while waiting for the papers to come out of the printer.
“Nope. I’m planning to build my own company,” sagot n’ya kaya kunot ang noong napatitig ako sa kanya. He will build his own company? Bakit pa? Wala namang ibang magmamana ng Montecarlo Holding kung hindi kaming dalawa.
“What for, Vaughan? We will be the one to inherit this. Why do you have to build your own?” sunod-sunod at nalilitong tanong ko at agad na namilog ang mga mata nang may ideyang pumasok sa isip. “D-don’t tell me… you were thinking of leaving this company to me-”
Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla s’yang humalakhak. Iiling-iling na kinuha n’ya ang mga resume namin na na-prit na at saka nakangising inabot sa akin ang iba.
“Hindi ba ‘yon ang dahilan?” hindi pa rin tumitigil na usisa ko habang inaabot ang mga papers mula sa kanya. Umiling s’ya at marahang ipinalo sa ulo ko ang mga papers na naiwan sa kamay n’ya. Sumimangot ako habang nagrereklamo sa ginawa n’ya. “What is it then?” pangungulit ko pa. Umiling s’ya.
“You won’t be able to understand now, Nath. Isa pa, are you sure you want to work in the hotel?” tanong n’ya na nagpamaang kaagad sa akin. Hindi tuloy ako nakasagot dahil sa pagkabigla at napatitig lang sa kanya. Did he know?
Nang hindi ako nagsalita ay nilingon n’ya ulit ako at nanliliit ang mga matang inagaw sa akin ang resume ko na pinrint n’ya. Napasinghap ako nang punitin n’ya ‘yon sa harapan ko.
“V-vaughan! What the hell are you doing?” bulalas ko at sinubukan pang kuhanin sa basurahan ang resume ko na pinunit n’ya pero agad na hinawi n’ya ang kamay ko kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.
“Don’t force yourself if you can’t work here,” seryosong sabi n’ya kaya sunod-sunod na napalunok ako dahil sa biglaang pamimigat ng dibdib ko dahil sa sinabi n’ya.
It was actually the first time that I heard someone sympathized with me. Ni hindi ko masabi kahit na kanino ang bagay na ‘yon dahil alam kong kahit ano ang gusto ko ay hindi ko ‘yon basta pwedeng gawin dahil galing ako sa pamilya ng mga business tycoons. At wala sa pamilyang ito ang hindi mahilig sa business. Tanging ako lang. Sa aming magpipinsan ay ako lang ang namumukod tanging walang interes sa pagpapatakbo ng kahit na anong business. And it sucks! The feeling of indifference sucks!
Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Vaughan sa braso ko at marahang hinigit n’ya ‘yon para kabigin ako palapit sa kanya. Sunod-sunod na napakurap-kurap ako dahil sa biglaang panlalabo ng mga mata ko. I was too preoccupied to even noticed that I was shedding tears already. Vaughan gently caressed my back. Lalo lang nagtuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko hanggang sa namalayan ko na lang na humihikbi na ako sa dibdib n’ya.
“I need to work here even if I don’t want to,” umiiyak pa rin na sabi ko. Narinig kong humalakhak s’ya bago kumalas ng yakap sa akin. He even helped me wipe my tears. Napipikon na hinawi ko ang kamay n’ya. “Sige lang, pagtawanan mo pa ako!” humihikbing sabi ko kaya lalo s’yang humalakhak at dumukot ng panyo para punasan ang mukha ko. Napipikon na inagaw ko ‘yon sa kanya at saka tinulak s’ya ng marahan. Tumawa lang s’ya at sumandal sa table.
“I already talked to Dad about it. You really don’t have to work here if you don’t want to,” he said and crossed his arms. Agad na napaayos ako ng tayo at hindi makapaniwalang tiningnan s’ya at nilapitan. Ngumisi s’ya nang makitang lumapit ako sa kanya.
“W-what did you say, Vaughan? You… you talked to Dad about w-what?” napapalunok na tanong ko. He pursed his lips and nodded.
“Yep. I talked to him about you pursuing modelling instead of working here,” sabi n’ya na parang balewala lang at gano’n lang kasimple ang bagay na ‘yon! Napakislot ako at napahawak na sa braso n’ya dahil hindi s’ya tumitingin ng diretso sa akin. Was he bluffing?
“Y-you did?!” hindi makapaniwalang tanong ko. Kumunot naman ang noo n’ya.
“Do you really have to yell at me?” reklamo n’ya kaya kinagat ko ang ibabang labi at saka sunod-sunod na umiling.
“I’m sorry. I was just dazed,” sagot ko at humigpit ang kapit sa braso n’ya. “And? What did he say? Did he get mad at me?” kabadong tanong ko. Ilang sandaling tumitig s’ya sa akin at saka sunod-sunod na tumango. Napasinghap ako at agad na napabitaw sa braso n’ya. Laglag ang mga balikat ko at biglaang bumigat muli ang dibdib. That’s it! That’s pretty normal, right? Sino ba naman ang matutuwa na ang isa sa mga tagapagmana mo ay walang kahit na anong interes sa business na pinaghirapan mong palaguin? Inaasahan ko na ang gano’ng reaksyon ni Daddy pero hindi ko akalain na masasaktan pa rin pala ako kahit na hindi ko naman iyon direktang narinig mula sa kanya. I understand that I really can’t pursue what I really want just because I want to. Being the heiress of our company, I have a responsibility to make and that includes running our own business.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ayaw ko ng umiyak sa harapan ni Vaughan dahil sa tigas ng ulo ng kakambal ko ay baka pati pa s’ya ay malagay sa alanganin dahil lang sa kagustuhan kong i-pursue ang modelling.
“He was mad but I was able to convinced him,” narinig kong sabi ng kakambal ko kaya agad na nag-angat ako ng tingin sa kanya, hindi makapaniwala! Ngumisi s’ya kaya halos mapasinghap ako dahil hindi ko sigurado kung seryoso ba s’ya sa sinabi n’ya o nagbibiro lang!
“Can you stop bluffing, Vaughan? You are giving me false hopes and I am starting to hate you for that!” inis na bulalas ko. Ang lakas ng halakhak n’ya kaya lalong nag-init ang ulo ko. Kumuha ako ng mga scratch paper sa ibabaw ng table at saka mabilis na nilukot at inihagis iyon sa kanya. Lalo s’yang tumawa kaya gano’n na lang ang pagkapikon ko. Tatalikuran ko na sana s’ya pero bigla s’yang nagsalita na ikinagulat ko.
“You can now pursue everything you want, Nath. Don’t worry about Dad,” narinig ko pang sabi n’ya pero hindi ko na s’ya pinansin at tuloy-tuloy na lumabas na ng opisina.
Why did I even hope that my twin was telling the truth? Knowing Dad, he won’t give a damn because his brother and sister are both competitive. Kaya nga halos lahat ng pinsan ko ay mga achievers because their parents are pushing them to do better in the business industry! Napairap ako at napatigil sa paglalakad nang malakas na tumunog ang phone ko para sa isang tawag galing sa Manager kong si Tara. Bumuntonghininga ako bago sinagot ang tawag n’ya. The last time we talked, he was emotional when I told him that I won’t be prioritizing modelling after graduation because I will start working in our company. Kaya kung tatanggap man ako ng kahit na anong project ay limitado na lang at sobrang madalang dahil sa magiging schedule ng trabaho ko sa Montecarlo Holdings.
“Hello?” sagot ko sa tawag n’ya at mabagal na nagpatuloy sa paglalakad. Ilang sandaling hindi s’ya nakapagsalita dahil may narinig pa akong kinausap s’ya sa background. Malungkot na napangiti ako nang marinig ang flash ng camera na tanda na kasalukuyan s’yang nasa studio n’ya sa Curved. It’s weird that even the noises from the flash of camera excites me. Siguro ay nasa modelling talaga ang puso ko kaya ganito kabigat ang nararamdaman ko dahil kailangan ko iyong tigilan.
“Nath? I’m sorry for that. Nagbigay kasi ako ng instruction sa handler para sa mga magdedebut na mga bagong brand ambassadors next week. By the way, are you ready to meet them?” paliwanag n’ya kaya agad na kumunot ang noo ko.
“Me? Tara, did you forget that I won’t be attending events like that because-”
“What are you talking about? Haven’t you talked to your Dad?” may kalituhan sa boses na tanong n’ya kaya napatigil na ako sa paglalakad dahil sa biglaan n’yang pagkabanggit sa pangalan ni Daddy.
“M-my Dad?” tanong ko. “W-what about my Dad, Tara?” Narinig ko ang mahinang tawa n’ya bago sumagot.
“I guess you haven’t heard from him yet,” komento n’ya. “By the way, you have to wear something from Miryoku’s brands. They will be sending male models as their representatives and I was planning to make you walk the runway with them,” tuloy-tuloy na sabi n’ya kaya halos hindi ko na masundan ‘yon dahil gulong-gulo ang isip ko. Why is Tara telling all this things to me as if… modelling is my priority? Hindi pa ako gaanong nakakapag-isip nang magpatuloy s’ya sa kung anong sinasabi. “Galingan mo ha? May mga taga media na pupunta. That event would be the highlights of the upcoming auditions for the new face of Curved. Alam mo namang ikaw ang pambato ko sa team. So, I’m counting on you, Nath. Confident naman akong kaya mong makapasok at maging isa sa mga exclusive models ng Curved,” mahaba at tuloy-tuloy na sabi n’ya kaya hindi ko na napigilang magtanong.
“D-did my Dad… know about this, Tara?” kabado at pigil na pigil ang hiningang tanong ko. Knowing Tara, he wouldn’t say something like this without assurance. Kaya kung nagsasalita s’ya sa akin ngayon, ibig sabihin ay malaki ang posibilidad na sigurado s’ya. Narinig ko s’yang tumawa bago sumagot.
“Of course! He was the one who gave me permissions to guide you on that audition. Vodie told me that Vaughan told him about the upcoming audition and that you were planning to try your luck then your Dad asked me to guide you well…”
Marami pa s’yang sinabing iba pero halos hindi ko na ‘yon naintindihan lahat dahil sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. My heart was so full after hearing that news. Namalayan ko na lang na mabibilis na ang mga hakbang ko pabalik sa opisina kung saan ko iniwanan ang kakambal ko. Kunot ang noo n’ya nang hindi man lang ako kumatok bago binuksan ang pinto ng opisina.
“Why? Did you forget something?” magkasunod na tanong n’ya habang nakaharap sa computer. Hindi na ako sumagot at mabilis na tumakbo palapit sa kanya para sugurin s’ya ng yakap. Tumatawang nagreklamo s’ya nang halos masakal ko na dahil sa ginagawa kong pagyakap mula sa likuran. “What the hell, Nath? I’m playing! This game is worth one thousand bucks! Damn it!” sunod-sunod na reklamo n’ya kaya natatawang niluwagan ko ang kapit sa leeg n’ya.
“Thank you so much, Vaughan. I didn’t know how you convinced Dad but that doesn’t matter to me now. I’m so happy! I love you! I will repay you even ten folds for this! Magsabi ka lang ng kahit na ano. I will do it, hmm?” nakangising sabi ko sa kanya. Nakita kong ngumuso s’ya at unti-unting ngumisi habang nililingon ako.
“Really?” nakangising tanong n’ya. Sunod-sunod na tumango ako.
“Then make a dummy account for me,” sabi n’ya kaya kumunot ang noo ko.
“Dummy account?” tanong ko. Parang kailan lang kasi s’ya nagsimulang mahumaling sa social media at ako pa mismo ang gumawa ng account n’ya na ‘yon. “What for? May account ka na at verified na nga kaagad ‘yon-”
Sumimangot s’ya. “That’s why I want you to create another that’s not going to register under my name,” sagot n’ya. “You can do that for me, right?” sabi n’ya at saglit na nilingon ako bago ibinalik ang tingin sa nilalaro. Ngumuso ako at saka tinapik s’ya sa balikat.
“Fine! I’ll make one and give it to you later at home!” nakangising sagot ko. Tumango s’ya at ngumisi bago ako sinenyasan na tumahimik na at agad na in-on ang mic ng nilalarong online game.
Ngiting-ngiti na iniwanan ko na s’ya doon at excited na kinuha ang phone para ipaalam kina Sugar at Arabella ang good news na ‘yon.