Rowan Yu

1250 Words
Saktong paglabas ko sa opisina ay s’ya namang pagdating ng kakambal ko. Nanliit kaagad ang mga mata ko at pairap na tinapunan s’ya ng panyo. Gulo gulo ang puting button down polo n’ya na nakatupi hanggang sa mga siko. Nakatanggal din ang ilang butones ng polo n’ya kaya kitang kita ang mga bakas ng lipstick sa gawing collarbone n’ya. Napangiwi ako at napailing habang tinitingnan ang likuran n’ya. “Did you go out alone again, Vaughan?” laglag ang mga pangang sita ko nang makita na walang bodyguards na nakabuntot sa kanya. Mahigpit ang bilin ni Daddy na huwag na huwag kaming lalabas na walang kasamang bodyguards pero ang pasaway kong kakambal ay wala yatang balak na intindihin ang utos ng mga magulang namin! “How can I go on a date with bodyguards, Nath?” He asked as if I was asking a very ridiculous question! “Tsaka, saglit lang naman kami sa hotel. Hindi na nga ako nakaligo pagkatapos naming-” “Stop!” pigil ko sa hindi kaaya ayang sasabihin na naman n’ya. He immediately gave me a lopsided smile and playfully stared at me. “You really should start dating, Nath. Pero dapat ay papasa sa akin dahil kapag kasing gago ko ang sumubok manligaw sa’yo, he better start hiding in everywhere I cannot find him. Dahil kapag nahanap ko s’ya… beng!” mayabang na bilin n’ya habang pinagdidikit ang dalawang kamay, forming a gun using his fingers. Sinimangutan ko lang s’ya at agad na tinalikuran para puntahan na ang manager ko. At the age of twenty-two ay wala pa akong matinong naging karanasan sa pakikipagrelasyon sa mga lalaki. Dahil sa nakikita kong ginagawa ng kakambal ko sa mga kaibigan ko at sa mga babaeng nalilink sa kanya ay parang nawalan ako ng interes sa pakikipag lapit sa kahit na sinong lalaki. Palagi na ay nasa isip ko ang takot na baka matulad ako sa mga babaeng nakaka date ni Vaughan, na kapag natapos na n’yang ikama ay iiwanan na n’ya na parang wala lang iyong ginawa nila. Para sa akin ay big deal ang bagay na ‘yon. I am not saying that I am against premarital ‘s*x. Ayaw kong pangunahan ang bagay na ‘yon lalo na at hindi ko pa naranasan mismo ang malagay sa isang intimate situation kasama ang isang lalaki. I really can’t say that I won’t be able to give myself to someone prior to marriage. Pero sa ngayon ay maingat ako sa pagpili ng lalaking magiging malapit ng husto sa akin. Hindi rin naman ako interesado sa pakikipag date. Or maybe I am still too young to try being in a serious relationship? I don’t know. Sa ngayon ay wala talaga akong interes sa mga lalaki at mas priority ko ang pag-aaral kesa ang pakikipag relasyon na s’yang priority ng kakambal ko dahil wala s’yang problema sa academics. I sighed. Unlike my twin, I am not that smart. I sucked hard at school. That’s why I am trying real hard and have decided to drop modelling because I want to focus on my studies. Bigla akong nanlumo nang maalala na naman iyon. I love modelling and was planning to pursue it. Pero paano ko namang gagawin iyon kung alam kong malayong malayong maging proud ang parents namin sa akin kung itutuloy ko ang passion ko sa field na ito? I once again sighed with the thought. Kung hindi pa sinabi sa akin ng driver na nandoon na kami ay hindi ko pa mamamalayang nasa harapan na kami ng Curved. Tumango lang ako at lumabas na ng sasakyan. Dahil sa kakalinga ko sa paligid para hanapin ang sinabing handler ni Tara na susundo sa akin ay hindi ko na namalayang may kasunod pala akong naglalakad din kaya namalayan ko na lang na may naatrasan ako na kung sino dahil agad na nag laglagan ang mga books nito sa likuran ko. Without looking at the owner of those books ay mabilis na yumuko na ako para pulutin ang mga libro nitong nahulog ng dahil sa akin. “What the hell are you trying to do, Miss?” A low and hoarse voice of a man immediately filled my ears. Nang mag angat ako ng tingin ay nasalubong ko kaagad ang iritado nitong mga mata. Napatitig pa ako ng husto sa mukha nito dahil buong akala ko ay matanda na ang may ari ng boses na narinig ko. The guy in front of me is I think an elementary student, based on his uniform. Pero kung hindi siguro s’ya nakasuot ng uniporme ay aakalain kong nasa High School na ito dahil sa tangkad at mabulas na built ng katawan. Kahit batang bata pa ay alam kong katulad ng kakambal ko ay marami rami rin itong paiiyaking babae kapag nag binata na. Handsome is an understatement to describe his whole facial features. With those thick brows, captivating hawk-like eyes and a pair of luscious lips, he’s basically a boy but he kinda doesn’t look like one. Nakasalubong na ang malalagong kilay nito nang muling gumalaw ito at iritadong kinuha ang isang braso ko at agad na itinayo. Sa taas kong five feet and five inches, he still towered over me. Binitawan n’ya ang braso ko kaya agad na napatingala ako para salubungin ang mga mata n’ya. “Were you trying to show everybody here that you have a perfect bum?” Pasupladong tanong n’ya sa akin at mabilis na umupo para puluting muli ang mga libro n’yang nagkalat sa sahig. “Look at how short that skirt is!” mahinang dagdag pa n’ya pero sapat na iyon para umabot sa pandinig ko. Agad na napatingin ako sa black pleated mini skirt na suot ko at ibinalik ang tingin sa kanya. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa naging reaksyon n’ya. This is the very first time that I got scolded for wearing something like this! Madalas ay panay papuri ang natatanggap ko dahil wala namang damit na hindi bumabagay sa akin. “Do you have a problem with the way I dress?” lakas loob na tanong ko nang makitang tumayo na s’ya at inaayos na ang strap ng bag sa balikat. “I’m sorry kung nabangga kita. But that doesn’t mean-” “Rowan!” Hindi ko na natuloy ang gagawin ko sanang pagsita sa kanya nang may kumuha na ng atensyon nito at agad na napatingin sa likuran ko. “Mamita…” tawag n’ya sa kung sino na tumawag sa kanya kanina. “Wait, Rowan. Nath? Is that you?” Dahil doon ay napalingon na rin ako sa tumawag sa batang nakabunggo ko. Namilog ang mga mata ko nang makaharap ang manager ko. “Tara…” I called him. “D-do you know him?” tanong ko na saglit na sinulyapan ang lalaking nakatingin na rin sa akin habang kunot na kunot ang noo. Ngumiti naman si Tara ng malawak at agad na hinila ang braso ng lalaking kanina lang kinwestyon ang pananamit ko. “Of course!” sagot nito. “By the way, Nath. This is Rowan Yu, your partner for today’s photoshoot. And Rowie baby, this is Nathalie Montecarlo. I bet you already know her? May TV naman siguro kayo sa bahay,” natatawang pakilala ni Tara sa amin. I was about to smile when I heard him speak again. “No,” sagot nito at muling ibinalik ang tingin sa akin. “I never heard of her…” sabi nito habang diretsong nakatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD