“Sige na, Rowan. He’s probably waiting for you before he goes back to Manila,” pasimpleng pagtaboy ko kay Rowan nang tawagan s’ya ni Direk para makausap bago ito bumalik sa Manila. Ang alam ko ay pabalik na ito ngayon dahil mayroon pang project kinabukasan. Ang kaso ay kanina pa yata ako namimilit na puntahan na n’ya pero ayaw pa rin bumitaw sa akin. Never in my wildest dream that I would see him like this. Masyado s’yang clingy ngayon at hindi ko maintindihan kung paano n’ya akong napapapayag sa mga gusto n’ya katulad na lang ng ginawa namin kanina! We almost made love in this room and in the shower room! “I already told him about my terms. That’s enough,” sagot n’ya na bumalik na naman sa pagiging seryoso. Napamaang ako habang tinititigan ang mukha n’ya na nagbabasa ng kung ano sa notes