The Fab Strings staff invited us for an after party after dinner. Hindi namin ineexpect na mayroong party ngayong gabi pero pinaliwanag naman nila na wala talaga sa plano ‘yon at napagkatuwaan lang nila dahil hindi natuloy ang balak na night swimming dahil sa biglaang pag sama ng panahon. Nang gumabi ay mas lumamig pa ang klima dahil medyo umaambon at malakas ang hangin na kanina pa hindi tumitigil. Nakatulugan ko na nga ‘yon kanina at nagulat pa ako na pagkagising ko ay umaambon pa rin. Saglit na nag-ayos lang ako bago pumunta sa outdoor gazebo kung saan sinabi ng staff na gaganapin ang party. I took out a grey cardigan from my closet to put it on with my spaghetti top later. Napatigil ako sa paghakbang palabas sa kwarto nang narinig kong bumukas ang pinto ng adjoining room at ilang sa