Chapter 2

3029 Words
Matagal na sa mental hospital si mama. Mayroon siyang PTSD pero kalaunan ay naging baliw si mama. She's been haunted by her trauma for years now, the reason why she ended up in the mental hospital. Kailangan namin tanggapin ang sinapit ni mama, unti-unti naman na siyang gumagaling. "Pwet mo matambok," sabi ni Andrei sabay palo sa pwet ko. Another day, another case to solve. Sigurado akong may report nanaman mamaya. Sana nga lang hindi na prank call ang matatanggap namin ngayon. We don't have time for that. "Bakla ka ba?" tanong ko sa kanya. Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin tsaka tumingin sa labi ko. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya tsaka siya naglabas ng ATM Card, inipit sa dalawang daliri at pinakita sa'kin. "Mamaya? Motel?" sabi niya sabay wink. Napangiwi ako kaya nasuntok ko siya sa sikmura. "ARAY! Binibiro lang e!" asik niya habang hawak ang sikmura niya. Napapailing nalang ang mga pulis na kasama namin sa quarters habang tumatawa. "Biro mo, bakla," sagot ko sa kanya tsaka tinulungan na tumayo. Minsan napapaisip na din ako sa kasarian niya e. Umaastang bakla minsan. "Hoy! Ilibre mo ako ngayon ng lunch. May promise ka sa'kin," sabi niya habang pinagpagan ang damit. Talagang hindi kinakalimutan ang mga sinasabi ko sa kanya.  Actually hindi kami nagsusuot ng uniform. Naka polo lang ako lagi at pants, ganun din si Andrei. Wala kaming official uniform ewan ko sa headquarters bakit wala kami. Mga pulis lang ang meron. "Wala ka bang pera ha? Noong isang araw wala kang pang gas, tapos ngayon wala kang pang-kain," sabi ko habang nagbibilang sa daliri ko. "Nagtitipid kasi ako," sagot niya at umiwas ng tingin. "Para saan naman?" usisa ko. "Secret," sagot niya. "Babae iyan ano? Papakasal ka na?" "Hindi ah! Nag-iipon lang para sa future ganun," depensa niya. "Babae nga," tukso ko. "Hindi nga." sagot niya at namula. Kinikilig pa ang bantot. Alam ko na galawan nitong si Andrei. "Sabi mo e. Sino iyan?" tanong ko at inusog ang upuan papalapit sa kanya. "Wala nga e. Iyong anak lang ng kaibigan ni Mama," sagot niya, nahiya pa ang animal. "Kailan pa?" "Noong isang araw," sagot niya. Hinampas ko siya sa braso kaya siya napadaing sa sakit. "Nakakailan ka na ha?" reklamo niya at hinimas-himas ang balikat dahil siguro sa sakit ng hampas ko. "Dalawa pa lang. Speed mo bro," biro ko sa kanya. Tumawa naman ang loko at nagkwento. Anak daw ng kaibigan ng Mama niya. Nurse daw at maganda. Noong isang araw niya pa lang nakilala pero napamahal na siya agad. Loko.  Pero seryoso kami sa trabaho namin. "Gago. Kailan kasal?" biro ko ulit. "Atat ka ha. Ikaw kaya pakasalan ko?" "Ayaw. Panget mo. Bakla pa," biro ko tsaka bumalik sa pwesto ko. "Mendoza! Morales! Office! Now!" tawag ni Detective Dan sa amin. Agad naman kaming tumayo at sumunod sa kanya papunta sa office. Pagpasok namin ay naroon ang iba pang kapulisan at naka-formation na. Agad kaming sumaludo sa kanila at ganun din sila sa amin. "May murder na naganap sa Cavite. Nahihirapan ang Cavite police sa pag-iimbestiga dahil may malaking kaso silang iniimbestigahan din ng murder team nila kaya kayo ang ipapadala ko doon para tulungan sila. Detective Andrei Morales and Detective Nathan Mendoza, you lead the team. Make sure to do it right. May tiwala naman ako sa inyong dalawa kaya niyo na 'yan. Got it?" "Yes sir," sagot namin ni Andrei. "You may go. Good luck team!" sabi niya at sumaludo, ganun din kami tsaka umalis. May nakaabang nang police van sa parking lot kaya agad kaming pumasok doon. May pinadalang pictures at initial report ang Cavite police sa amin kaya binasa namin ito habang papunta doon.  This one is quite hard. Murder disguised as suicide according to Cavite Police but some of them think otherwise. It's suicide disguised as murder. Hindi kami pwedeng magsagawa ng aktwal na hakbang hanggang hindi namin nakikita ang crime scene. Pagdating namin doon ay may mga pulis na nag-iimbestiga and secured the place. May mga taong nakikiusyoso since it's a small house at may maraming kapitbahay dito dahil para itong squatters area. Pinapasok agad kami ng mga pulis sa crime scene. Naroon pa rin ang bangkay at base sa medical reports nila, almost 12 hours nang patay ang biktima. The victim is a 45 year-old male. May maraming tattoo sa katawan. He was hanged in the ceiling pero ibinaba na ang katawan but the police showed us the photo of the victim's actual position. Mainit sa loob ng bahay pagkapasok mo pa lang. Is it because mainit ang panahon o sadyang mainit sa loob because it's a tight space at gawa sa makakapal na kahoy. "Duguan siya pero nakabigti," komento ni Andrei. Yes, a lot of blood is on the floor, at sa kamay ng biktima ay may dugo. Pero sa ibang parte ng katawan ay wala na. Wala din namang sugat ang biktima maliban sa mga scratches niya sa wrist at braso. "Wala pa bang DNA result iyong dugo na nasa katawan ng biktima?" tanong ko sa pulis na nakaantabay. "Wala pa po, Detective. Matagal pa daw po," sagot niya. "Let's check the body," sabi ko kay Andrei at agad na kumuha ng gloves. Agad naming sinuri ang bangkay habang ang ibang kasama naming kapulisan ay nagtatanong. We checked his blooded hands. Tuyo na ang dugo nito at nilalangaw na. Sinuri ko ang kamay ng biktima ngunit wala itong sugat. May mga scratch marks siya sa wrist at mukhang mahahaba ang kuko ng kung sino man ang may gawa nito. May upuan din sa baba kung saan siya nagbigti. Medyo basa din ang sahig na parang may binuhos na tubig dito. This is definitely not the blood of the victim. Wala siyang mga sugat. Sunod naming sinuri ang leeg ng biktima kung saan nakasabit ang lubid. Bumakas na ang lubid sa kanyang leeg, mukhang mahigpit ang pagkakatali nito. Sinisigurado yata na mamatay ang biktima. "Bakit hindi ito nila napansin? Murder ito," komento ni Andrei. But something is off. "Let me see the victim's profile," sabi ko sa isa sa mga pulis at agad na binigay sa akin ang isang folder. Rick Santos. 45 years old. Cavite. He was jailed two years ago because of attempted rape and murder. According sa mga witness, he was out last night at umuwi na parang balisa. He's living alone in his house dahil na din hiniwalayan siya ng kanyang asawa at isinama ang mga anak nila. "Someone saw him the other night, na parang balisa," sabi ko kay Andrei. Inabot ko sa kanya ang folder at binasa niya ang profile ng biktima. So he had a history. "Detective, pinapapunta po kayo sa labas," sabi ng isang pulis. Lumabas agad kami ni Andrei at hinarap ang kapulisan. "May nag report po sa headquarters ng attempted murder, ang dating biktima ni Rick. Kahapon nangyari noong mag-aalas-otso na ng gabi," sabi ni Officer Porter, ang head nila na kararating lang din galing sa isa ring investigation.  "Hmm. So that's how it is. But why the change of heart?" tanong ko. Officer Porter seems to have get it. "Do you mean it's really a suicide?" tanong niya. "Yes, it's suicide," sabi ko. Napatingin silang lahat sa akin, lalo na si Andrei na mukhang hindi naman nagulat. He knows me too well. "Obviously, the blood in the victim's hand is not his. May mga nail marks din sa wrists niya at may finger marks, possibly from the complainant. He hanged himself there, maybe he felt guilty and somehow realized that it's his fault his family left him. Or something or somene triggered him to do this. Well, he has a change of heart," panimula ko habang sila naman ay nakikinig. "And the chair and the floor is kind of wet, it means pumatong siya sa isang block ng ice which made sense dahil mainit ang room temperature at distance of his feet from the chair is enough to know na pumatong siya sa bloke ng yelo, and he is a tall guy. The small chair and feet distance is reasonable. And the heat is enough to melt the ice since 12 hours na rin ang nakalipas simula ng mamatay siya. And base na rin sa history ng biktima at ang report ngayon, it's possible that he attempted to kill his former victim maybe for a reason na sinisisi niya ito sa paghihiwalay nila ng asawa niya, " paliwanag ko. They took note to everything I said. My hunch is always right, they always say. Tumango tango naman sila. "Ayan rin po ang sabi ng biktima ni Rick. Inabangan niya ito sa trabaho at pagkalabas ng babae ay doon na niya pinagsasaksak mabuti nalang may nakakita sa kanila at nanlaban naman si Mia, ang biktima, pero nakatakas naman si Rick," dagdag ni Officer Porter. "Nasa hospital ngayon ang biktima niya. Nagpapagaling dahil mayroon itong saksak sa tiyan at sa likod," paliwanag niya. Tumango ako. "Siguro, nagsisi siya sa ginawa and killed himself instead. And everyone saw him the night he tried to murder the victim. But, do they even regret doing the crimes they did?" napaisip ako. Do they even forgive themselves after the crime they did? Makakahanap pa ba sila ng liwanag matapos silang sakopin ng kadiliman? Do they even seek atonement? "I guess that's the end of our investigation," sabi ko. "Yes, Detective. We can handle it. Thank you for your time and cooperation, Detectives," sabi niya at sumaludo,ganun din kami. Tinawag namin ang team namin para makabalik na kami sa quarters. "Wow, hanga talaga ako sa'yo bro. Lakas mo," puri ni Andrei sa akin. I smirked. "Si Nathan yata ako," biro ko. Pumasok na kami sa van at bumiyahe pabalik. Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Pagod kaming lahat dahil madalas kaming mag overtime sa trabaho dahil sa dami ng nagaganap sa Pilipinas. Krimen, p*****n at kung ano pa. Nang makarating kami sa HQ ay agad kaming nagsi-upo sa mga upuan namin. Wala paman pero pagod na kami pero kailangan pa din namin maging alerto. "Kailan ka ulit bibisita?" tanong ni Andrei habang nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng tubig. "Ewan. Depende nalang sa free time ko," sagot ko. "May nakita ka bang babae dun sa hospital?" Tinignan ko siya ng masama. "Babae nanaman?" "Eto naman. Curious lang ako e." "Ang dami kayang babae dun. Pumupunta ka ba dun para mag-hanap ng babae?" Pati ba naman mga pasyente sa mental hospital papatulan niya na? "Hindi nga. Tigas mo e," sagot niya tsaka tumalikod sa akin. Bastos 'to. Nakaupo lang kami doon buong mag hapon. Nag-report na din kami kay Detective Dan tungkol sa imbestigasyon sa Cavite. May mga narereport na mga bagong kaso pero mga minor cases lang naman and they don't need our presence kaya sa pulis na ipinubaya ang lahat ng iyon. "Kain tayo? May utang ka pa sa' kin?" aya ni Andrei. Pinaalala niya pa talaga ang pang-uuto ko sa kanya. Paalis na kami galing sa HQ dahil uuwi na kami. Wala namang trabaho na aasikasuhin bukod doon sa serial killings na nagaganap. Kailangan pa namin pagtuunan ng pansin iyon. Hindi dapat kami papakampante dahil ang suspect nandyan lang sa tabi-tabi at handang mamiktima ulit. "Sa Papa mo tayo kakain ha," sabi niya saka pumasok sa kotse ko. Napailing nalang ako dahil nagiging kuripot nanaman siya. Alam niyang libre siya ng pagkain kay Papa. Pumasok nalang ako sa driver's seat at nagmaneho papunta sa restaurant ni Papa. "May kinuwento ba ang mama mo tungkol sa babae?" "Babae nanaman? Ilang babae ba gusto mo at laging babae iyang bukambibig mo? " inis na tanong ko sa kanya. Kanina pa siya babae ng babae naiirita na ako. "Easy lang, ano ba. Nagtatanong lang e," sagot niya habang tinataas ng bahagya ang dalawang kamay. "Tsk. Puro ka kasi babae." "Pero seryoso. Wala ba?" "Wala nga. Ano naman ikukwento nun sa 'kin? Pumupunta ka lang ba doon para maki-tsismis kay Mama?" inis na tanong ko. "Grabe ka naman. Wala ba siyang sinasabi like may patient din dun pero siya ang may-ari ng hospital? Mayaman daw e," sabi niya. I hate to say this pero na curious ako bigla. Pero tsimisoso talaga itong loko na 'to. "Sino raw?" seryosong tanong ko. "Tanong mo sa Mama mo." sagot niya at nagtitipa sa phone. May ka-text nanamang babae. "Ginagago mo ba ako?" "Hindi," seryosong sagot niya. Umiling nalang ako at nanahimik. Hindi ko nalang siya inimik hanggang sa makarating kami sa resto. Sinalubong naman agad kami ni Papa. Wala pa masyadong customer dahil alas-sais pa lang. "Tito. Long time no see," bati ni Andrei kay Papa tsaka nagmano. "Anong 'long time no see'? Kagagaling lang natin dito noong isang araw," tugon ko. "Matagal na kaya ang isang araw. Hindi po ba, Tito?" tanong niya at ngumisi. Tumawa lang si Papa dahil sa kabulastugan ni Andrei. "Siya maupo na kayo, ihahanda ko ang pagkain niyo," sabi ni Papa. Pinaupo kami malapit sa bintana at kita ang tanawin sa labas kahit na mga tao lamang ito na naglalakad sa tabi ng kalsada. "Ano ang sa inyo?" tanong ni Papa. "Ganun pa din, Tito. Bulalo po." "Sa akin po ay Sisig." "Sige. Ihahanda ko lang," sabi ni Papa tsaka umalis. Hindi ako nagsalita dahil naiirita pa rin ako kay Andrei at sa mga kabaklaan niya. Pilit niya akong kinakausap pero hindi ko siya iniimik. Maubos man laway niya bahala siya, daldal masyado daig pa babae sa pagiging tsismoso. "Hoy bro! Nakikinig ka ba?" tanong niya. Naiinis ko siyang tinignan. "Ano ba kasi kinukuda mo?" "Ang toyoin mo naman. Mas may toyo ka pa kaysa kay Charlotte ah," naiinis niyang tugon. Hinahamon yata ako. "Sino nanaman iyang si Charlotte?" "Iyong nurse na anak ng kaibigan ni mama. Iyong sinasabi ko sa'yo," sabi niya. Bigla nanaman siyang namula. Kinikilig talaga siya kapag iniisip niya ang babae niya. Maya-maya ang dumating na si papa dala ang mga order namin. "Eto na order niyo," at nilapag ni papa ang mga order namin. Masarap ang sisig kapag ganitong oras e, lalo na kapag may kasamang beer. "Sarap talaga," komento ni Andrei sa pagkain niya. "Si papa nagluto kaya masarap," tugon ko naman. Masarap talaga magluto si papa ko. Lagi niya kaming pinaglulutuan ni mama noon. Paborito ko talaga ang mga luto niya. Good thing din dahil napatayoan ko siya ng sarili niyang restaurant. Nag-usap lang kami ni Andrei habang kumakain tungkol sa serial killing na nagaganap. Sinubukan namin hinaan ang boses namin dahil dumarami ng ang mga tao at mahirap na baka marinig kami at biglang mag panic iyong nakarinig. Ayaw naman ma-leak ang hindi tamang impormasyon sa publiko. Dagdag hassle sa amin iyon. "Alam mo, pakiramdam ko may issue sa mga babae iyang killer na iyan e. Babae lahat ng biktima e tapos mahahaba pa ang buhok ng biktima niya," komento niya at hinigop ang sabaw. Gumawa pa ng tunog, walangya. "Kagaya mo, puro babae bukambibig," biro ko. "Ano ka ba? Seryoso ako eh," maktol niya.  I shrugged. "Ewan. But something is bothering me." "Ano naman iyon?" "We never found the first victim yet," tanging tugon ko at tumigil siya sa pag-kain. Seryoso siyang nakatingin sa akin at bigla ring napaisip. "Oo nga 'no? Kasi nagsimula tayo sa dalawang marka ng biktima, and dumating ang ikatlong biktima and the fourth so I assume na mayroon talagang first victim based on the sequence," tugon niya. Makes sense, this is really a serial murder and the first victim is nowhere to be found. "It's possible na tuluyan ng na-decompose ang katawan ng victim, o 'di kaya ay nasa mga liblib na lugar ito or the victim survived," sagot ko sa theory niya. Umiling siya at huminga ng malalim. "Huwag na muna natin isipin iyan. I'm sure alam naman na ni Detective Dan ang gagawin, kumain nalang muna tayo," sabi niya. Matagal na itong bumabagabag sa akin but my instincts are telling me that the first victim is alive. If she really is dead, baka nangangamoy na iyon ngayon and it's impossible na walang naka-amoy ng nakasusulasok na amoy. They are going to report it to the police, but so far, wala kaming natanggap na ganong report. Nag-order pa kami ng pagkain namin. Nag-order kami ng Pizza, specialty ng assistant ni Papa. Magaling sa pizza iyon at masarap kaya laging nauubos ang ingredients niya kada araw dahil sa dami ng order. Hinintay namin na maluto iyon dahil ang gamit nila ay old-fashioned na oven. Kahoy ang ginagamit nila sa apoy. Nakatanaw ako sa labas ng biglang bumuhos ang ulan. Nagtakbuhan para magpasilong ang ilan sa kanila dahil walang mga payong. Iyong iba naman wala lang. Masarap nga naman magtampisaw at mabasa ng ulan. "Alam mo iyong sa mga Korean drama. Na kapag umuulan may babae na nagpapaulan tapos biglang may 'oppa' na papayungan sila. Kilig ano?" sabi ni Andrei habang kinikilig. Si Andrei at ang mga kabaklaan niya. "Bakla," tanging sabi ko sa kanya at binato ng tissue ang mukha niya. "Nakakakilig kaya 'yun. Palibhasa ikaw walang love life e. Ang dry mo na," sabi niya. "Ewan ko sa' yo, huwag mo akong itulad sa'yo na babaerong bakla." "Alam mo, feeling ko ang dry mo na talaga bro. Now is the time to have a girlfriend, brother," sabi niya at tinapik pa ang balikat ko. "Ano gusto mo gawin ko? Maghanap ng babaeng papayungan diyan?" turo ko sa labas. Ngunit, napatigil ako nang may napansing babae. Nandun lang siya, nakatayo habang nakatitig sa'kin. Wala siyang dalang payong, basang basa na ang damit niya na pero hindi siya umaalis sa kinatatayuan niya upang sumilong. Nandoon lang siya nakatayo at nakatitig sa akin. Although I can't clearly see her, but her eyes are piercing right through me. She's drawing me closer to her and I found it really creepy and scary. What's with her look anyway? Hindi ko alam kung bakit pero nandun lang siya. Gusto ko siyang lapitan pero ayaw gumalaw ng paa ko. Nakatitig lang din ako sa kanya. Hindi ko na naiintindihan ang sinasabi ni Andrei dahil ang atensyon ko nasa kanya lang. I stared at her for a while, I didn't let go until I saw her grin. Her evil grin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD