Chapter 3

3030 Words
Nagtitigan lang kami. It felt like my world stopped for a moment, nararamdaman ko ang lakas ng t***k ng puso ko. I'm feeling hypnotised. No, I just got swayed for a moment. "Hoy! Kanina pa kita tinatawag, sino ba kasi tinitignan mo?" usyoso ni Andrei nang hindi ko siya pinansin. He snapped his fingers in front of me. "Wooh! Earth to Nathan!" Nakatingin pa rin ako sa kanya hanggan ngayon. Palakas ng palakas ang ulan pero hindi siya gumagalaw. She's weird. Pagkalapag ni Papa sa pizza ay agad akong nagtanong kung may payong ba siya. Binalikan niya iyon sa loob ng kusina at tsaka bumalik dala ang payong. "Diyan ka muna," utos ko kay Andrei tsaka lumabas. "Hoy! Bayad neto!" sigaw niya. Diretso lang akong tumakbo papunta sa kanya at pinayungan siya. Basang basa na siya, baka magkasakit pa 'to. Tumingin lang siya sa mata ko ng diretso. Tinignan ko ang mata niya. Her cold stare, her cold face and emotion made the atmosphere around us colder. Walang emosyon. Blangko. Pati mukha niya walang makikitang eskpresyon. Hindi mo alam kung naiinis o natutuwa siya dahil pinayungan ko siya. "Bakit ka nagpapaulan?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya lang ako. "Do you know me?" she asked in her cold voice. Medyo nagulat ako doon dahil hindi iyon ang boses niya nung nagpakilala siya sa akin sa hospital. Wait? Bakit hindi niya ako nakikilala? "Sort of?" I replied, a little bit embarrassed. "Why are you doing this? Nathan," her voice is so cold and deep it matches the coldness of the air. Nagulat rin ako dahil alam niya pala ang pangalan ko. Who is she? Hindi ako makasagot. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginagawa 'to. Hindi ko alam kung naaawa lang siguro ako sa kanya dahil nagpapaulan siya at walang payong. Hindi ko alam kung bakit ako tumakbo palabas dala ang payong na' to. I don't know why pero para siyang magnet at ako ang bakal na didikit sa kanya kapag malapit siya. "Do you pity me, Nathan?" she asked again. Emphasizing it. But she remembered my name even though she called it so coldly. I can't even get a grasp. "I... I don't know, really," nahihiyang sagot ko. I don't know if it's pity or out of courtesy dahil of course basa siya and she was staring at me. It would be rude kung hahayaan ko lang siyang mabasa sa labas at magkasakit. There I saw it, an amusement in her face. She smirked a little but seconds later she's back to being cold. She's lively and childish when I met her in the hospital. She even has a pigtail. Very different from the look that she has now. A long and elegant dress. A perfect bun. She has make up on her face. She looks really elegant. "Thank you for your concern, Nathan. But I don't need it," malamig na sabi niya, she was about to walk out but she stopped when I asked her. "Then why were you staring at me? Sheena?" I asked with hesitation. She grinned when she heard her name. "It's Helleigna for you, Nathan. I'm not Lorraine, she's currently sleeping," sagot niya. I was taken aback by her answer. What? Then who the hell is Lorraine? And she's sleeping? Who is Diana?Wait, what? Iisa lang ba sila o magkakamukha sila? "Helleigna?" tanong ko to confirm if tama ba ang rinig ko sa pangalan niya. "Yes, Nathan. Helleigna as in Hell. Lorraine is not here right now, I currently defeated her light," she said and finally walked out bringing my umbrella with her. Hindi ko namalayan na kinuha niya ang payong ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. I thought her name is Lorraine. Iyon ang sabi ni mama but she told me she is Helleigna. Helleigna? Diana? Lorraine? Who are they? Iisang tao ba sila? Magkakapatid? Kambal? This is driving me insane. Agad akong tumakbo papasok sa resto dahil nababasa na ako ng ulan. Sinalubong ako ni Papa ng maliit na tuwalya. Nagpunas agad ako ng buhok, mabuti nalang hindi masyadong basa ang damit ko. Bumalik ako sa inuupuan namin ni Andrei na nakangisi na. Iba nanaman tumatakbo sa utak nito. "Sino iyon anak?" tanong ni Papa nang maka-upo ako tsaka ako inabutan ng tubig. "Wala po, Pa," ikling sagot ko tsaka uminom ng tubig. Pinangliitan naman ako ng mata ni Andrei. Mapanghinala 'to. "Bakit mo kilala' yun?" tanong niya. "Ewan. Bakit? Kakilala mo? Lahat ng babae dito kakilala mo?" sunod sunod na tanong ko sa kanya. "Bro! Naka jackpot ka!" sabi niya, sinalampak pa ang kamay sa mesa kaya pati ibang customer napatingin sa mesa namin. Walangya talaga. "Bakit nanaman?" "Siya iyong may-ari ng Sandlers Pyschiatric Hospital! Kung saan ang Mama mo ngayon! At iyong sikat na Sandlers Medical Hospital! " sabi niya habang nandidilat ang mga mata. Grabe. Breaking news ba? "Dami mong alam," tugon ko at humigop ng sabaw sa binigay ni papa na lomi. "Totoo nga! At heto pa ah," sabi niya tsaka niya nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Pati si Papa nakisali. "Pa-iba iba pangalan niyan kasi daw may dissociative identity disorder siya," mahina niyang bulong. Bigla akong natauhan. I can't believe what I just heard. Is that why, she's not that lively and childish woman that I've met before because she's that elegant and cold woman now. Now it makes sense. "At nagpapa-confine siya doon sa hospital niya ayun na rin sa utos ng isa daw sa kanila," dagdag pa niya. I got goosebumps. I can't believe it. Its my first time na makakilala ng may ganoon na kondisyon. Dissociative Identity Disorder is caused by a traumatic past. Maybe she had it rough when she was a child kaya as a defense mechanism and to cope up, she have these different personalities of her. "Saan mo nakalap iyang impormasyon na 'yan?" "Kalat kaya' yun sa hospital. Kaya iniiwasan siya kapag nagiging cold siya kasi mabilis siya magalit. Ang Mama mo lang ang kinakausap niya pero pakiramdam ko pati Mama mo takot sa kanya e," sabi niya. Kaya pala ganoon nalang ang eskpresyon ni mama nang biglang nag-switch si Diana to Helleigna. Maybe she's that scary. "Kaya ka ba nagpupunta kay Mama para maki-chismis?" tanong ko sa kanya, tinignan naman agad siya ni papa. "Grabe ka naman. Tito oh, iyong anak niyo nakakailan na 'yan sa' kin," sumbong niya. Umiling lang si Papa sa kanya. "Sige, sa kusina muna ako. Kumain lang kayo diyan," sabi ni Papa tsaka nagpaalam. Binalingan ko ng tingin si Andrei. Sinalampak niya sa bibig niya ang tatlong slice ng pizza. Umiiwas sa mga mata ko. "Hoy! Kaya ka ba nagpupunta doon dahil sa babaeng iyon? Siya ba iyong sabi mong kine-kwento ni mama sa'yo?" sunod-sunod kong tanong. "Hindi ah! Binibisita ko kasi si Tita. Huwag mo akong paghinalaan uy!" depensa niya. Alam ko 'tong lalaking ito. Pati pagiging tsismoso naa-adapt na ng kabaklaan niya. Babaerong bakla. "Ewan ko sa' yo," sabi ko at kumain ng pizza. Nakauwi na kaya iyong si Helleigna or whoever she is? Pagkatapos namin kumain at mag-bayad, umalis agad kami. Malapit na mag-alas-nuebe. Tumila na rin ang ulan, pero sobrang basa naman ng daan at medyo traffic pa ngayon pauwi kahit malapit lang ang bahay namin. "Hatid mo ako," suyo nanaman ni Andrei. "Huwag mo nga akong gawing service mo, gago. 'Di mo nga ako sinesweldo, ni hindi ka nagbibigay ng pang-gas, tapos magpapahatid ka pa? Wow naman," inis na sumbat ko sa kanya. Hindi naman siya nakapagsalita agad. Hinawakan niya ang dibdib niya at umaktong nasasaktan. "Ouch naman babe! Sige na babe! Bukas pramis, dala ko na kotse ko," sabi niya habang itinaas ang isang kamay. "Ikaw at iyang kabaklaan mo," sabi ko tsaka pumasok sa kotse. Sumunod din siya at pumasok sa passenger's seat. Kuripot masyado. Iyong sweldo, ginagastos sa babae. Tsk! Tahimik lang kami sa biyahe dahil binalaan ko siya na kapag magsasalita siya, itutulak ko siya palabas kahit umaandar ang kotse ko. Pabigat masyado. Mabigat ang traffic ngayon dahil uwian ng mga estudyante at workers ngayon, basa pa ang daan kaya naman nag-iingat ang mga drivers at baka makadisgrasya pa, dagdag traffic pa iyon. "Oh!" biglang sigaw ni Andrei sabay turo sa may unahan. Tinignan ko siya at tumingin sa tinuturo niya. May mga traffic enforcers doon, dalawang matatabang enforcers. May kinakausap silang dalawang lalaki, at isang babae, nakayuko lang ang babae. "Hindi ba si Sandlers Hospital iyon?" tukoy niya sa babae. Tumingin ako ng matagal at siya nga. Suot niya parin ang damit niya kanina, pero nakalugay ang mahaba niyang buhok. Nakayuko siya at umaangat baba ang balikat na tila ba umiiyak habang kaharap ang dalawang enforcers at ang dalawang lalaki. Agad akong huminto sa gilid, sa medyo hindi kalayuan sa kanila at bumaba. Ganun din si Andrei. Agad kaming tumakbo papalapit sa kanila. "Anong nangyayari dito?" tanong ko sa enforcers tsaka pinakita ang identification card ko. Sumaludo agad sila sa amin. "Sir, nabangga nitong babae ang sasakyan nila. Medyo malakas din ang impact, kaya nawasak ang trunk ng kotse netong mga lalaki," sabi ng isa sa matatabang enforcers at tsaka tinuro ang itim na kotse. Tumingin ako kay Helleigna o kung sino man siya ngayon, umiiyak siya habang tinatakpan ang mukha. Tiningnan ko kotse niya at ang kotse nung mga lalaki. Wasak nga iyong trunk. Tinignan ko si Andrei at alam kong alam na niya ng gagawin niya. Sinuri niya ang sasakyan ng mga lalaki at kay Helleigna. Or is she Helleigna right now? "Ah," ano bang itatawag ko sa kanya? Siya pa rin ba si Helleigna o iba siya ngayon? Simula kasi nung malaman ko ang tungkol sa kanya, nagdadalawang isip ako kung ano itatawag ko sa kanya. "Miss, ayos ka lang?" tanong ko at sinubukang hawakan ang balikat niya pero inangat niya ang ulo niya. "M-may sugat ka sa noo mo," sabi ni Andrei tsaka tinuro ang nagdudugo niyang noo. Hindi naman masyadong malaki ang sugat. Nabagok siguro sa manibela. Tinignan niya ang mukha ko, at mukhang nakikilala niya ako dahil yumakap siya sa 'kin. "Nathan, natatakot ako," she said in between her sobs while she's in my embrace. This is the first time that I saw her weak side. She's really scared and crying right now. "Boss, iyang babaeng' yan. Hindi nag-iingat. Tignan mo nangyari sa kotse ko. Dapat niya itong bayaran ng 50 thousand!" sigaw nung lalaki. Nilapitan sila ni Andrei at sinuri ang sasakyan nila. Lumapit siya sa dalawang lalaki, na may-ari ng sasakyan at inamoy. May malakas na pang-amoy rin itong si Andrei, lalo na kapag amoy beer. "Amoy alak kayo ha! Lasing naman pala kayo e, bakit pa kayo nag-drive ha?" tanong niya sa dalawa. "Dalawang bote lang naman boss," sagot nung isa.  "Aba sumagot pa,"inakma sila ng suntok ni Andrei kaya sila napayuko. Sinisermonan sila ni Andrei kesyo bawal mag-drive ng lasing lalo na kapag umuulan. "Anong nangyari?" tanong ko kay Helleigna nang matigil siya sa pag-iyak. "Nagmamaneho kasi ako, tapos hindi ko napansin na huminto sila sa harap ko kasi hindi naman sila nag signal na hihinto e. Tapos ayun, hindi ko namalayan nabangga ko sila," paliwanag niya. "At kayo," turo ni Andrei sa dalawang traffic enforcer na nagulat dahil sa pagturo ni Andrei sa kanila. "Ano naman ginawa niyo para maayos 'to?" Yumuko ang isa sa kanila. "Sir, pinalabas po namin silang tatlo tsaka hinanap ang lisensya niya pero wala pong  maibigay na lisensya ang babae," sagot nung isa. "May driver's license ka ba?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at binuksan ang back seat at kinuha ang pouch niya tsaka naglabas ng lisensya. Binigay niya ito sa traffic enforcers habang nanginginig ang mga kamay. She must be so scared. Poor her. "Meron naman pala e," sabi ng enforcer. "Pero hindi niyo naman po hinanap ang license ko kanina ah. Pinababa niyo lang ako tsaka pilit na pinapabayad ng 50 thousand," paliwanag niya. Bigla namang nanlisik ang mga mata ni Andrei. Ngayon ko lang ata nakita ulit ito na sobrang galit na galit. "Ayun naman pala, kayo umayos kayo ha. Pati kapulisan nadadawit sa pinanggagawa niyo, tapos hindi niyo aayusin ng trabaho niyo dito. Alam niyo naman siguro kung sino ang may kasalanan. Nakita niyo ba ang dashcam?" tanong ni Andrei. Pabakla-bakla lang ito pero seryoso ito sa trabaho. Kaya hanga ako sa gago. Umiling ang dalawang traffic enforcer at yumuko. "Naku, nakakagigil kayo. At kayo naman," turo niya sa dalawang lasing. "Baka kayo pa ipakulong ko. Reckless driving, lasing pa kayo. Kung makahingi kayo ng pera akala mo napupulot sa kung saan." sermon niya. Nakayuko lang silang apat doon habang si Helleigna naman ay nakayuko lang. Patuloy na sinermonan ni Andrei ang apat at nagtawag ng pulis para ipadakip ang dalawang lasing. Pinalampas niya ang dalawang enforcer pero kapag naulit daw ay ipapatalsik niya. Nananakot pa nga. "Ayos ka lang?" baling ko sa kay Helleigna. Tumatahan na siya ngayon, ngunit bakas pa rin ang takot sa mukha niya. "Salamat, Nathan," nahihiyang sabi niya. "You're welcome. It's our duty," sagot ko, ngumiti naman siya sa 'kin. At iyon ang unang beses na nakita ko ang matamis niyang ngiti. Maganda siya. Lalo na kapag nakangiti siya ng ganito, nakakagaan ng loob. Maamo pa ang mukha niya. "Miss, ayos ka lang?" tanong ni Andrei nang makalapit. Tapos na ang sermon niya at dinala na sa presinto ang dalawang lasing dala ang sasakyan nila. Tumango naman siya. "Yes. Thank you so much." "Ah, ano ang pangalan mo?" he asked with hesitation. Alam ko kasi hinima-himas niya ang dalawang kamay niya. Ganyan kapag kinakabahan, lalo na sa harap ng babae. "Simone, Simone Sandlers," pagpapakilala niya. Simone? So, Simone is the soft type, Helleigna is the cold type, and Diana is the childish one? Then who's Lorraine? This is complicated. "Can you still drive? Malayo pa ba ang bahay mo? We can drive you there, pwede nating ipa-tow ang sasakyan mo. Pwede ring si Nathan ang magda-drive nung kotse mo tapos doon ka sa kotse ni Nathan sasakay ihahatid kita," sabi niya. Muntik ko na siyang batukan dahil sa offer niya. Natawa siya ng konti nang makita niyang babatukan ko sana si Andrei kaso nakaiwas. "It's fine, kaya ko pa naman e. Hindi naman masyadong wasak ang bumper ng kotse ko. Pero thanks," she politely declined. Pati pagsasalita niya malumanay. Malayo sa nakausap ko na si Helleigna kanina. "Ganun ba, pero pwede ka ba naming sundan para masiguro namin na nakauwi ka ng safe?" Andrei insisted. Kapag babae talaga hindi siya titigil hanggang hindi niya napapayag. "Hindi okay lang. Malapit naman na ang bahay ko, tsaka baka maka-abala pa ako sa inyo," sabi niya. "Naku, hindi naman! Pauwi na din kami e, 'di ba Bro?" tanong niya at tinapik ako sa balikat. "If that makes you uncomfortable, we understand. Though we just want to make you safe," sabi ko at ngumiti. "Ganun ba? Pero okay lang talaga ako. Sige una na ako ha," paalam niya at sumakay sa kotse niya. Pati sa pagsakay niya ang hinhin niyang gumalaw. Para siyang 'di makabasag ng pinggan. Baka pati ipis kakaawaan nito. Ano ka ba naman Nathan, pati 'yun napansin mo? Nagpaalam kami sa kanya tsaka siya umalis. Bumalik na din kami sa kotse baka mag cause pa kami ng heavy traffic dito. Sinundan muna namin si Simone hanggang sa makaliko siya papunta sa isang subdivision kung saan siya nakatira. "Kita mo na," biglang sabi ni Andrei habang nag-aayos ng seat belt. "Tsismoso," sagot ko at nag-drive. "Ang yaman naman pala talaga ni Sandlers, grabe. Nakatira ba naman sa Goldland Hills, mga mayayaman lang naman ang mga nakatira doon. Iyong mga rich rich," tugon niya. "Eh sabi mo siya may-ari ng dalawang hospital, edi kaya niyang tumira diyan," sagot ko sa kanya. Hinatid ko pa muna siya sa kanila. Mabuti nalang hindi magkalayo ang bahay namin kaya hindi masyadong hassle. Nex time, hindi ko na ihahatid iyong gagong 'yun. Sayang sa gas. Nakarating na ako sa amin, at madilim pa, hindi pa siguro nakaka-uwi si papa. Inilawan ko ang madilim na bahay nang makapasok ako. Ilang taon na pero hindi pa rin ako sanay umuwi nang wala si Mama sa bahay. Dati kasi sinasalubong niya ako ng yakap, kami ni Papa kapag nakauwi na kami. Lagi kong bukambibig si mama sa tuwing umuuwi ako galing sa school. Ngayon si Papa nalang ang kasama ko, pero gabi na umuwi dahil matagal magsara ang resto niya, minsan alas-onse na. Hinahatid naman siya ng assistant niya sa bahay. Pero minsan naman hindi ako nakaka-uwi dahil tambak ako sa trabaho. Minsan ko na nga lang nadadalaw ang mama ko ngayon dahil sa mga naging ganap sa lungsod. Nag-shower agad ako, bago humiga sa kama ko. Tambak ang isipan ko ngayon dahil sa kaso, dumagdag pa si Diana, o si Helleigna o si Simone, kung sino man siya diyan, sa mga iniisip ko. Pero akala ko ba naka-confine siya doon? Can she freely go out now? O baka naman she's a rule breaker since she owns the facility. Simula kasi nung makita ko siya sa hospital at kung gaano nag-aalala si Mama nung nagpakilala siya sa akin, hindi ko iyon makalimutan. Lalo na nung tinawag siyang Lorraine ni Mama. Nalilito na ako, lalo na ngayon na nalaman kong may identity disorder siya. Mas lalong dumagdag sa isipin ko. Teka, bakit ko nga ba siya iniisip? She's also a hard case. A mysterious one. This is the second time that we met but I already have my doubts about her. I don't completely trust her but she's drawing me closer to her. And I don't want it. I won't be swayed by her words and actions. Hindi ko naman siya kilala and I won't bother. I only know her name and her situation right now, she's still a mystery to me. I thought about her over and over again. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako. ________ Author's Note: Her name is pronounced as Helleigna (Helleyna). I love the name because it's classy and elegant and it suits her personality. And again. TRIGGER WARNING! THIS STORY HAS A SENSITIVE TOPIC AND MIGHT TRIGGER VICTIMS. READ AT YOUR OWN RISKS!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD