Chapter 40:

1658 Words

"Ano? Kaya mo ba iyon?" diga ni Kikay sa kaniya matapos mapanalunan ang isang malaking stuff toy. Napangiti na lamang si Zeus dahil mukhang hinahamon siya ni Kikay. "Hinahamon mo ba ako?" maang na tanong dito. "Well, ano ngayon kung hinahamon nga kita?" maang na turan. Kita ni Kikay ang pagngiti ni Zeus. 'Ngiting-ngiti pa ang gago,' aniya sa isipan. Aanhin naman ni Zeus ang pagiging bihasa sa Archery at Darting kung hindi niya kayang putukin ang mga lobong iyon. Mabilis niyang nilabas ang kaniyang pera. Gaya ni Kikay ay binigyan din siya ng limang panusok. "Gusto mo pa ba?" malambing na tanong sa bata na mabilis naman itong tumango-tango. Nangingiti lang ang ina ng bata na tila tuwang-tuwa sa panghahamon ni Kikay. "Naku, Miss. Mukhang kabado ang boyfriend mo," dinig na turan nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD