When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Tila nasa alapaap pa rin si Kikay kahit kanina pa nagpaalam si Zeus sa kaniya. Hindi niya lubos-akalain na magiging ganoon sila nito, na mag-aasaran sila at magtatawanan. Paano ba naman kasi ay sa unang buwan na kasama ito ay palaging nakaangil at tila laging galit sa mundo kaya nga may takot sa dibdib noong asarin. Buti na lang talaga at biniyayaan siya ng kakulitan kaya kahit anong sigaw nito at pagtataboy sa kaniya ay hindi siya natinag. Maswerte lang dahil malayo ang Pilipinas dahil kapag nagkataon na parang Manila-Cavite lang ang Amerika at Pilipinas. Tiyak na unang araw pa lamang ay umuwi na siya. Sa dami ng mga nasa isip ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Kaya nang maalimpungatan ay nabigla pa siya at agad na napabalikwas. Mas lalong napagilalas nang maulinigan na