Chapter 47:

1553 Words

"Manong hinanay-hinay naman oh," mabilis na turan ni Kikay saka lumayo agad kay Zeus. "Ay! Sorry po, Ma'am. Iyong sinundan kasi natin ay nag-sudden stop. Buti nga po at mabilis ang reflex ko," katwiran ng driver. "Ah, so kasalanan ko pa ganoon?" bulong sa sarili. "May sinasabi po ba kayo, Ma'am?" gagad nito. "Ah, wala! May sinabi ba ako?" maang na sabad. "Akala ko po kasi ay may sinasabi kayo." "Akala mo lang iyon pero wala! Wala! Wala!" aniya na ginaya pa ang linyahan ni Miss Vilma Santos sa isa nitong pelikula. "Pagpasensiyahan mo na Kuya, talagang ganiyan lang ang asawa ko," awat ni Zeus sa umiinit na usapan nila Kikay at ang driver. 'Asawa?!' Kunot ang noo na binalingan ito ngunit hindi na lamang pinatulan at inabala na lamang ang sarili sa pagtanaw sa labas. Sa kabila ng inis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD