Chapter 45:

1625 Words

"Kath," hindi mapigilang anas ni Zeus. Habang nakatitig sa magandang mukha ni Kikay. Tila huminto naman ang lahat ng bagay sa paligid para kay Kikay. Pabilis nang pabilis ang t***k ng kaniyang dibdib. Para siyang nahihipnotismo sa mga titig ng lalaki sa kaniya lalo pa at ramdam na ramdam ang init ng katawan nito sa kaniyang tabi. Makailang beses pinigilang kiligin ngunit kung anong pigil ay siyang paghulagpos yata ng kaniyang puso dahil palakas nang palakas ang pagbayo nito sa kaniyang dibdib na tila ba nais na nitong lumabas sa dibdib. "Kath," dinig na usal muli ni Zeus. Hindi pa man siya nakakatugon na makailang ulit na pag-usal ng pangalan ay naramdaman niya ang paglapat ng malambot na bagay sa kaniyang labi. Doon niya lamang napagtatantong hinahalikan na pala siya nito. Pinikit-idi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD