Nangi-ngiti si Zeus sa kakulitan ni Kikay kahit pa masakit ang tainga na piningot nito.
'Herodes na ito, pangiti-ngiti pa!' ngitngit ng kalooban ni Kikay nang makita ang pangngiti ng boss sa kabila ng pamimingot dito.
Nang tumahimik ang katabi ay humalukipkip na lamang si Zeus saka sumandig sa upuan. Pinikit ang mga mata at hindi aakalaing makakaidlip siya sa kanilang biyahe.
Hindi ginambala ni Kikay ang boss nang makitang pinikit nito ang mata. Napapangiti siya dahil may nabubuo ng plano sa isipan kung kung papaano ito gagantihan.
Hindi niya maiwasang mapangiti ng matamis. "Well, lintik lang ang walang ganti," bulong sa sarili.
Nang maramdaman ang paglalim ng paghinga ng boss ay bahagya itong tinapik. "Sir?" aniya upang kumpirmahin kung tulog na ba ito. Hindi ito sumagot kaya batid na tulog na nga ito at doon ay mabilis na hinanap ang pentle pen sa kaniyang bag.
Nang tuluyang mahanap iyon ay muling siniguradong tulog na tulog ang boss para magtagumpay ang planong pagganti rito.
"Hoy, Sir?" muling untag dito.
Tulad noong una ay walang tugon buhat dito kaya tumamis ang ngiting napaskil sa kaniyang labi. Agad na nilabas ang pentle pen at sinimulang guhitan ng sungay ang noo nito at balbas.
Natatawa pa siya habang ginagawa iyon. Nang mapalingon siya sa katapat na upuan ay nakitang nakita ang dalawang babaeng nakatingin sa kaniya. Nginitian lamang ang mga ito. "Asawa ko," aniya sa mga ito. Marahil ay nagtataka kung bakit niya ginagawa iyon kay Zeus.
Doon ay nakitang nabaling na sa harapan ang tingin ng mga ito. Muli ay binalik ang buong atensyon sa ginagawa sa mukha ni Zeus. Habang nilalagay ang mga sungay nito ay hindi niya maiwasang matawa ng makita ang kinalabasan nito.
"Tignan natin ngayon," aniya saka umayos na ng upo at pinikit ang mga mata pero agad ring napapadilat sabay baling sa katawa at hindi maiwasang matawa sa mukha nito. Nang maya-maya ay biglang gumalaw ito, hudyat na tila magigising na ito.
Mabilis na pinikit ang mga mata. Ramdam ang paggalaw ni Zeus sa tabi. Mukhang gising na ito dahil narinig na rin ang pagtikhim nito. Hanggang sa maramdaman ang mainit na paghinga nito sa tapat ng kaniyang mukha.
'Iba talaga kapag mayaman, kahit bagong gising mabango ang hininga,' aniya sa isipan. Nang maramdamang tila mas nilapit pa ng lalaki ang mukha sa mukha niya.
Saglit siyang nakaidlip, paggising ay nakitang nakatulog din yata si Kikay. Nang tignan ang maganda nitong mukha ay naengganyo siyang titigan ito. Nalulugod ang pusong pagmasdan ito. Napakaganda talaga ni Kikay ag hindi niya iyon maitatanggi. Mas lalong nilapit ang mukha sa mukha nito. Parang gusto niyang isaulo ang bawat parte ng mukha nito.
Nawiwili siyang pagmasdan ito hanggang sa unti-unting bumababa ang kaniyang mukha sa mukha nito nang makitang nakatingin sa kaniya ang mga nasa katapat na upuan. Tila nahuli siyang hahalikan ang kaniyang tulog na katabi.
"Asawa ko," aniya sa mga ito kahit pa hindi naman tinatanong ng mga ito.
Parang nais magbunghalit sa tawa si Kikay ng marinig ang inusal ni Zeus. 'Asawa ko,' ulit sa isipan. Nag-alala tuloy siya baka narinig nito ang sinabi niya.
Umayos ito ng upo sa kaniyang tabi hanggang sa mag-anunsiyo ang konduktor na malapit na sila sa terminal.
Kunwari ay uminat-inat na si Kikay. Pangangatuwiran na niya ang pagtutulog-tulugan niya.
Nang ganap na nakarating sa terminal ay napalingon siya sa boss. Nang makita ang ginuhitang mukha nito ay hindi niya maiwasang mapangiti at mapabungisngis. Kita ang pagkunot ng noo nito sa kaniyang ginawa.
Kita ni Zeus ang ngiti sa mukha ni Kikay ngunit hindi na niya pinatulan pa. Mabilis na kinuha ang kanilang karga upang makababa sa bus. Nang makita ni Kikay ang reaksyon ng boss na nagkibit-balikat lamang ay mas lalo siyang napangiti.
Habang naglalakad si Zeus pababa sa bus na kinalululanan ay nakitang marami ang nakatingin sa kaniya. Gusto niya sanang maniwala na guwapo siya para tumingin ang lahat sa kaniya ngunit pinagtstaka ay maging ang mga lalaki ay nakatingin din sa kaniya.
Nababaghan man sa tingin ng mga tao sa kaniya ay hindi na pinansin lalo pa at naalalang kasama pala si Kikay kaya agad na lumingon sa kaniyang likuran at nakita itong nagpipigil ng tawa.
Doon ay mas lalo siyang naghinala. Mukhang dapat na siyang kabahan dahil tila may pinaplano itong kalokohan.
Hindi talaga mapigilang mapatawa ni Kikay lalo pa at nakikita ang mukha ng mga taong nakatingin sa boss. Mukhang successful ang counter revenge sa lalaki. Hirap na hirap siyang magpigil ng tawa dahil marami sa mga taong naroroon ang nakattingin dito. Pansin din na mukhang nababaghan ang boss sa reaksyon ng taong nasa paligid hanggang sa biglang lumingon sa kaniya. Nahuli tuloy siyang nakatawa.
"May nakakatawa ba?!" pasitang tanong ni Zeus sa kaniya.
"Wala naman," agad na tanggi rito. 'Iyang mukha mo,' bawi sa isipan.
"Eh, bakit ka nakatawa? Huwag mong sabihing tuluyang lumuwag ang turnilyo sa ulo mo," anito dahilan upang muling mainis sa lalaki.
Sa inis ay nagpatiuna na siyang naglakad.
Sumunod na lamang si Zeus kay Kikay bago pa ito maligaw. Lalo at unang salta lamang ito sa Pampanga at mas lalong hindi nito alam kung saan sila tutungo.
Sa inis ni Kikay at mabibilis ang hakbang hanggang sa makalabas ng terminal at makita ang mga tricycle. Doon ay maalalang wala pala siyang alam sa lugar na kinaroroonan. Agad na lumingon at nagbabakasakaling nakita ang boss sa likuran at hindi naman siya nito binigo.
Ngunit nang makitang muli ang mukha nito ay hindi napigilang mapangiti.
Iba ang hatid ng ngiti ni Kikay nang humarap ito sa kaniya. Lalo pa at nakitang nakamaang sa kaniya ang ilang tricycle driver at nakitang gaya ni Kikay ay nangingiti ang mga ito sa kaniya.
Lumakas ang hinalang may ginawang kabulastugan si Kikay kaya mabilis ang mga hakbang na tinugo ang isang tricycle at mabilis na sinipat ang mukha sa salamin at doon ay nakita ang guhit sa mukha. Doon niya tuluyang napagtanto kung bakit ganoon na lamang ang tingin ng mga tao sa kaniya.
Mabilis na tinignan si Kikay at imbes na ma-guilty ito ay binilatan pa siya nito. Nakakunot ang noo na nakatingin dito.
Sinubukang tanggalin gamit ang kamay pero nahirapan siya. Agad tinungo ang kinaroroonan ni Kikay. Kita ang makailang ulit nitong paglunok at pag-ahon ng takot sa mata nito.
Nang makarating sa harapan nito ay agad na hinawakan ang braso nito at hinila pabalik sa loob ng bus terminal upang maghanap ng palikuran. Mabilis naman nilang nahanap iyon at maswerte pang wala masyadong tao kaya pagkakataon na niyang sitahin ito sa ginawa sa mukha niya.
"Look, what you've done?!"
"What?" kunwari pang wika.
"I know, ikaw ang gumawa nito!" aniya sabay sandig ito sa pader. "Tumingin ka sa mukha ko! Tignan mo kung ano ang ginawa mo!"
Ilang na ilang na si Kikay dahil palapit nang palapit ang mukha nito sa mukha niya. "Tignan mo ang mukha ko," giit niya habang hawak ang magkabilaang pisngi ni Kikay. Bakas sa mga mata nito ang pag-aalinlangan na nang makita nitong maling ikot lamang nito ay maglalapat na ang kanilang mga labi.
Pabilis nang pabilis ang t***k ng dibdib ni Kikay habang ramdam na ramdam sa mukha ang paghinga ng boss sa kaniyang mukha. Hindi tuloy niya naiwasang titigang ang mamula-mula nitong labi. Tila nasasabik na muling itong malasap.
Hanggang sa hindi namalayang sakop na pala nito ang kaniyang labi. Matamis at masarap ang halikang pinagsasaluhan nang biglang makatinig ng mga tinig na papalapit sa kinaroroonan nila kaya agad na tinulak si Zeus.
"Gawin mo pa ulit ito ay hindi lang halik ang gagawin ko!" tila pagbabantang saad saka dali-dali itong pumasok sa banyo para sa lalaki bago man dumating ang mga taong papatungo sa kinaroroonan.
'Magawa nga ulit,' pilyang saad sa isipan. 'Sus! Namihasa naman,' ani saka ngumiti ng matamis. Hindi napigilang mapahawak sa labing hinalikan ng boss.
'Grabe boss, mahal na kita,' tili sa isipan. 'Landi,' sawata naman ng kabilang isipan. Aminin man o hindi pero mukhang nahuhulog na ang loob sa boss.