"Opo Seniorita, ganun daw po yun. Buti naman po at nalibang po kayo sa mga halaman. Kasi ni hindi po kayo lumalabas dito." Sabi nito sa akin. Tumingin ako dito. Nakita ko na hawak pa nito ang sumbrero niya mukhang pupunta pa lang ito sa mga halaman sa may garden. "Mahilig talaga ako sa mga halaman at hayop. May alaga po akong aso at biik noon kaso namatay na po sila." Sabi ko dito at nalungkot ako ng maalala ko ang malalabing kong alaga. "Ganun po ba. Parehas po pala tayo seniorita." Sabi nito at malungkot na ngumiti sa akin. Dahil namatay din daw ang aso niya na inaalagaan. Aso daw ito ni Ford. Kaso namatay dahil sa katandaan. Magmula nun. Hindi na daw bumili ng aso si Ford. Ngumiti ako dito. Marami pa kaming napagusapan bago ito nag paalam sa akin. "Naku seniorita gising na po pala k
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books