"Muntik na bro buti na lang natagilid." Sabi ni Edison sinamaan ko ito ng tingin. Nagtawanan ang mga ito. "Oh papano yan may date tayo, Susunduin kita sa sunday ng 5:30 pm." Sabi nito sa akin na ngingiti ngiti. Inirapan ko lang siya, ang sumunod na laro ay ishoshoot mo ang bilog sa mga ulo Ng bote. Ang maka sampong shoot panalo. Si Michaela ang lumaban at ang kalaban niya si Marvin. "Kami naman ang magsasabi ng taya. Kaya ang gusto ko may gagawin siyang pabor sa akin pero pag natalo ako, ako ang may gagawin sa kanyang pabor." Sabi nito naghiyawan ang mga kaibigan nito. "Ilang pabor naman yan?" Tanong ni Edison. "Isa lang syempre." Sagot naman ni Michaela. Pumayag si Marvin nagumpisa ang laro talo siya kaya may gagawin sita kay Michaela. "Ano ang gusto mong gagawin ko?" Tanong ni