******JESSEI POV#***** Kinabukasan bumalik kami Sa hospital. Pagdating namin dun nakita namin na nagkakagulo ang mga doctor. "Dito ka lang aalamin ko ang dahilan." Sabi ni Don. Tumango ako. Maya maya bumalik ito. "Nagising na siya. Mukhang hinahanap ka." Sabi niya napakunot ang noo ko. "Ako? Bakit niya naman ako hinahanap?" Tanong ko Kay Don. "E diba nga Nakita ka niya nung magising siya." Sabi nito. Napaisip ako. "Ano pupuntahan mo ba siya?" Tanong niya sa akin. "Hindi na. Ayos na sa akin malaman na ayos na siya." Sabi ko. Saka tumalikod na. Pinatawag kami ni Veron may gagawin daw kaming. Mission. Kaya nagkita kita na naman kami. "Kumusta? Nagkaayos na ba kayo ng boyfriend mo?" Tanong ko Kay Jade. Tumango siya. Saka ngumiti sa akin. "Ikaw kumusta? Pinuntahan mo na ba siya?