Octobre, buwan kung kailan nawala ang kapatid at natagpuan na lang itong patay malapit sa isang batis sa Trece Martires, isang bayan sa Cavite. Isang taon na pala ang nakakaraan buhat ng mamatay ito ngunit tila gaya ng paglipas ng panahon ang paglipas ng pag-asang mahanapan pa ito ng katarungan. Ilang beses na rin siyang nagpabalik-balik sa police station upang alamin kung umuusad pa ba ang kaso ng kapatid.
Muli ay heto siya. Suot ang puting-puting uniporme sa ospital na pinapasukan ay maaga siyang aalis ng kaniyang bahay upang dumaan muna sa himpilan ng pulisya bago ang duty sa ospital. Ala-una pa ang duty niya kaya malaya pang madadalaw ang puntod ng mga magulang at ang kapatid na si Hannah.
Bitbit ang basket ng bulaklak ay mabibilis ang mga paang tinalunton ang daan patungo kung saan naroroon ang pamilya.
"Ma, Pa, kumusta na po? Sorry po, hindi ko natupad ang pangako kong aalagahan ko si Hannah. I'm so sorry," aniya sabay ng paglandas ng butil ng luha sa mamula-mulang pisngi. Saka bumaling sa puntod ng kapatid.
Nang mamatay ang kanyang mga magulang sa isang malagip na hostage crisis sa isang bangko nang may magtangkang pagnakawan ito ay pinangako niyang hinding-hindi pababayaan ang kapatid, na aalagaan at poprotektahan ito sa sinuman. Mas bata ng tatlong taon sa kanya si Hannah. Fourth year college na siya sa kursong nursing at ito naman ay first year sa HRM ang kursong napili nito dahil magaling magluto.
Gamit ang perang naiwan ng magulang nakapagpatuloy sila sa kanilag buhay at pag-aaral ngunit nagkasakit ang kapatid dahil may kahinaan ang puso nito at madaling kapitin ng sakit kaya unti-unting naubos ang perang naiwan ng magulang. Kaya ginawa niya ang lahat upang makatapos ng pag-aaral. Nasa huling taon na siya ay minabuting pumasok bilang crew sa school canteen upang may kitain at matustusan ang pangangailangan at pag-aaral nila. Libre na rin kasi ang lunch at dinner paminsan-minsan.
Isang araw ay may gaganaping techno night. Gabi para sa estudyanteng nasa field ng technology ang dadalo gaya ng IT, engineering at sa mga programming courses. Ngunit kailangan niyang naroroon hindi para dumalo sa pagdiriwang kundi assistant sa school canteen.
Umuwing mag-isa ang kapatid matapos nitong sabihin sa kanya ang activity nila kinabukasan dahil may on going demo sila sa isang mall sa bayan at ang grupo nila ang natuka kinabukasan. Walang-wala siya talaga. Kaya sinabi sa kapatid nadidilihensya siya. Nakita pa niya ang paglaglag ng balikat nito.
Ang sahod niya sa kantina ay sa susunod na linggo pa at ang inaasahan lang nilang magkapatid ay ang upa ng dalawang pintuhang paupahan nila na naiwan ng mga magulang. At sa katapusan pa naman ang bayaran ng kanilang boarder. Sagad na sagad na kasi ang perang naiwan ng mga magulang.
Muli ay nahabag sa kapatid. Gagawan na lamang niya ng paraan. Nang maya-maya ay tumunog ang may kalumaan niyang cellphone.
Ate, huwag ka nang mag-alala sa gagamitin kong pera bukas. Isasanla ko na lang muna ang kuwentas ko.
Basa sa text ng kapatid. Doon ay naalala ang kuwentas na sinanla rin niya na hanggang ngayon ay hindi na nakuha pa. Bigay iyon ng mga magulang. Binili nila noong minsang magbakasyon silang mag-anak sa Hong Kong. Magkaparehong-magkapareho iyon.
Muli ay tumunog ang cellphone.
Sige, Ate lalabas na muna ako at hahabulin ko pa ang pagsara ng pawnshop baka kasi tanghali na sila magbukas bukas. Maaga daw kami mamimili bukas.
Muli ay basa saka ni-reply-an na mag-ingat ito.
Hindi niya akalaing iyon na pala ang huling pag-uusap nila ng kapatid.
"Hannah, sorry. Sana kung nandodoon ako ay hindi ka na lumabas at ako na lang ang nagpunta sa sanlaan," aniya. "Patawarin mo si Ate ha?" dagdag pa saka nagpaalam na sa mga ito. "Mahal na mahal kita. Alam kong kasama mo na sila Mama at Papa. Huwag kang mag-alala dahil kahit abutin pa ng ilang taon ay hahanapin ko ang pumatay sa'yo," pagtangis pa ni Haidee.
Mula sa sementeryo ay dumeretso siya sa himpilan ng pulisya upang alamin kung nausad pa ba ang kaso ng kapatid o gaya ng iba na natabunan na.
Naabutan ang isang matabang pulis sa information.
"Anong kailangan mo, Miss" tanong nito.
"Follow-up ko po sana ang kaso ng aking kapatid," aniya.
"Pangalan?" muling tanong nito.
"Hannah Mondragon," aniya.
Biglang nag-iba ang mukha ng lalaking kausap. "Sorry, Miss pero matagal na ang kaso ng kapatid mo. Mukhang malabong mahanap pa ang may sala," anito na nagpapanting ng kaniyang tainga.
"Kaya nga may pulis 'di ba? Para hanapin ninyo ang mga kriminal. No wonder na ang taba mo dahil hindi naman kayo nagalaw," aniya rito na kinagalit naman nito sa kanya.
"Miss kung gusto mo ikaw na maghanap ng pumatay sa kapatid mo. Aba! Akala mo madali lang hanapin ang killer niya. Malinis nga ang pagkakagawa," mataas ng tinig nito.
"Ako, nurse ako. Hindi Diyos pero nagagawa naming isalba ang buhay ng aming pasyente sa abot ng aming makakaya. Bakit kayo, hindi ninyo maibigay sa amin ang hustisyang nararapat sa amin!" sikmat habang nagwawala na siya. Maraming pulis na rin ang lumapit sa kanila at ilang taong naroroon.
Maya-maya ay lumabas ang isang lalaki tila hepe ng istasyong iyon. "Calm down, Miss," anito at hawak sa kamay nito ang folder na kinalalagyan ng ilang nakalap na impormasyon tungkol sa pagkawala ng kapatid.
Dead end iyon. Huling nahagip ng CCTV camera ng Villareal pawnshop ang kapatid. Iyon ang huli. Ngunit walang copy ng CCTV footage dahil ayaw raw ibigay ng may-ari. Kinuha lahat ang impormasyon saka mabilis na umalis.
Sa inis ay hindi mapigilang tignan muna ang mga pulis ng matatalim na titig. Palabas na siya sa himpilan nang biglang bumangga siya sa isang lalaki. Nagkalat ang nakuhang papeles at tumambad doon ang ilang larawan ng kapatid. Doon naalalang tignan ang lalaking nakabanggahan. Nakayuko ito at isa-isang pinupulot ang papeles na nakasaboy sa sahig.
Nang pag-angat ito ng mukha ay naging misteryoso ito dahil sa may nakatabing na panyo sa mukha at sa dulo ng kilay ay bakas ang malaking hiwa roon. Hawak nito ang isang papeles. Kita roon ang ilang impormasyon sa kapatid mula nang mawala at nang matagpuan.
"Isa ka bang mamayang tila hindi marinig ang hustisyang iyong sinisigaw," baritonong boses nito. Kung gaano kamisteryo ang pagkatao nito ay ganoon din kung paano ito magsalita. "Na kahit anong gawin mo ay tila isang hangin na hindi mabigyang katarungan," muling wika nito.
Lalagpasan na sana niya ito ngunit muli itong nagsalita. "Handa ka bang malaman ang tunay na pangyayari? Kung gusto mong hanapin ang hustisya para sa kapatid mo. I will help you. Just call me, Black Dragon," anito.
Hindi niya alam kung bakit tila naging interesado siya rito. Napatingin siya sa orasang pambisig niya. Mali-late na siya kaya nang paalam na rito ngunit bago siya umalis ay inabot nito ang isang tarheta.
Ngumisi si Black Dragon. He knows na kailangan niya ang propesyon ng babae para sa binubuong grupo.