Chapter 2: Perks of being a Yaya

1257 Words
"What?!" malakas na bulalas ni Direck sa kausap sa cellphone. "Paanong may nakapasok diyan sa loob ng shop? Paano?!" palahaw na wika nito. "What is that Direck? It's too early to raise your voice, your kids are still sleeping," wika ni Thedoro sa anak na si Direck habang pababa sa hagdanan ng mga ito. "I'm sorry, Dad. I just got a very bad news mula sa isang outlet natin sa pawnshop. Pinasok daw ang shop, good thing is that wala daw nanakaw ngunit ano ang motibo ng pumasok doon kung walang ninakaw?" anito sa ama. "Okay, that's good. Isa lang sigurong walang magawa," ani ni Theodoro saka umupo sa kabisera ng lamesa. Habang hawak ang diyaryo. "Anyways, you have to find a new nanny because Karen told me already that she can't take it anymore," dagdag pa nito. "Whaaaaaat?! How? Why?" sunod-sunod na turan sa amang cool na cool pa sa kabila ng nakaambang problema. Saan na naman siya hahagilap ng magiging yaya ng mga anak. "Ewan ko ba diyang sa anak mong panganay. Muntik nang mahulog sa hagdan si Karen sa kapilyuhan," tugon nito tukoy ang kanyang seven year son. Hindi niya ito anak dahil pinaako lang ng dati niyang kasintahan. Sinabing siya ang ama ngunit nang ipa-DNA ito ay negative dahil iniwan na ng ina sa kanya ay tinuring na ring anak. Maging ang dalawang sanggol ay pinaako na lang din sa kanya. Sinabing anak ngunit gaya ng una ay hindi rin. Ayaw naman niyang magkaroon ng bigat sa konsensiya ay inako na rin kahit hindi anak. Parehong one year and half na ang dalawang sunod na pinaako ng dalawang babaeng naka-one night stand. Wala siyang nagawa kundi maghanap ng katulong at buti na lang nang makausap ang sekretarya niya ay may irerekomenda raw ito. Kinabukasan ay dumating ang babaeng inerekomenda ng sekretarya. Napakunot-noo siya sa babaeng nakikita. Baka nagkakamali lang ang babae sa napuntahang bahay. Pababa na siya ng hagdan nang makita siya nito. Mabilis na naghanda si Haidee nang sabihin ng kaibigan na naghahanap daw ng nanny ang bagong halal na alkalde na si Direck Villareal. Napangiti siya nang sabihin iyon ng kaibigan kaya agad siyang pumayag. Iyon na ang hudyat sa pagpasok niya sa buhay nito. Aalamin niya kung ano ang kinalaman nito sa pagkawala ng kapatid. Malaki ang posibilidad na ito ay isa sa prime suspect niya. Dahil nakita mula sa copy ng CCTV na nakuha niya sa loob ng shop ng mga ito. Nakita niyang naroroon ang lalaki sa mismong araw na nagsanla ang kapatid. Kitang-kita niya rin kung paano ito titigan ng lalaki. Habang nakikita itong pababa sa hagdan ay umahon ang galit. "Nagkamali ka yata ng pinuntahang bahay," baritonong boses nito. "Hindi po, Sir, ito iyong binigay ng kaibigan ko. Ito oh," inosenteng turan kasabay abot sa papel na pinagsulatan niya ng address. Doon ay nakompirma nga ni Direck na ito ang babaeng pinapapunta ng sekretarya. Pero paano magiging yaya ang babaeng kaharap. Una, mukha itong teenager, pangalawa mukhang mayaman at pangatlo mukhang hindi yaya. "Sir, bakit ganyan kayo makataingin? May muta po ba ako?" ani ni Haidee upang mawala sa kaniya ang pansin nito dahil medyo nakakailang na ang titig nito. "Ah, wala. Wala, hindi lang ako makapaniwalang yaya ang trabahong papasukin mo," katwa nito. 'Wag mo na bilugin ang ulo ko dahil bilog na Fredireck Villareal,' aniya sa isip. "Kailangan ko po kasi eh," pagsisinungaling rito nang maya-maya ay lumapit ang isang batang lalaki. "Who is she Daddy?" matigas na tanong sa ama nito. "Drove, come here. She's gonna be your new nanny," mahinahong sabi ni Direck sa anak. "I don't like her!" wika ng bata sabay irap sa kanya. 'Aba! Maldito kagaya yata ang amang demonyito,' bulong sa isipan nang makita ang asta ng batang lalaki. "Hey! Don't act like that. How many times I told you to be polite and behave if someone is here. What is this?! Please, Drove this is the tenth times I find a nanny for you," tila mapapatid na ang pagtitimpi sa anak-anakan niya. "I'm telling you, Daddy. I don't like here. She's too ugly to be my Mom," pamaywang pa nito. 'Mom? In your face. Ayaw din kitang maging anak. Ang pangit ng ugali mo,' aniya sa isip saka umirap din sa batang nakatingin pala sa kanya. Kaya umirap din ito sa kanya. 'Aba! Dinadaig pa yata ang demonyito nitong ama,' muling wika sa sarili. "Did you say something," tinig na narinig. "Naku,Sir, wala po. Wala," kumahog na saad baka kasi narinig nito ang kanyang sinabi. Doon ay muli siyang tumingin sa bata. Bumilat ito sa kanya. Kaya bumilat din siya dito. Ngunit pagbilat sa bata ay saktong lumingon ang lalaki. Automatikong nangunot ang noo sa naaktuhang ginawa. Baka ayawan siya nito at mahirapan siyang humanap ng timing para makapasok sa buhay nito. "What are you doing?" anito. 's**t!' aniya sa narinig dahil kitang-kita rin nito ang pagganting bilat sa anak nito. "Ah—ehhh.." aniya saka ngumiti rito. "Ahmmmm! K—kumain kasi ako ng ice cream nang papunta ako rito Sir, 'di ko alam na may natira sa labi ko. Sayang kaya ito dinilaan ko," pagsisinungaling kasabay nang muling pagdila. At nakitang nang-aasar na ang batang lalaki. Muli ay itinaas ang kamay upang ituro rito kasabay ng pagpo-poker face. "Okay, come back tomorrow with your things. Your hired. So, do hope your friend explain you everything about your salary," anito sa kanya na siyang kinangiti niya. 'Ganyan, Direck. Hindi ko sasayangin itong pagkakataong binigay mong ito upang ipaghigante ang aking kapatid,' diwang ng isipan. Muli ay bumilat muli ang batang lalaki na nasa hagdan na. Bumilat din siya pabalik na nilagay pa ang dalawang kamay sa ulo na tila sungay sabay labas ng dila. Paglingon ni Direck nang nakita ang ginawang pambibilat ng babae sa anak. Doon ay nakitang nakabilat din ang anak. Nagpabaling-baling na lang siya ng ulo. Biglang napangiti dahil mukhang nakahanap na ng katapat ang anak sa katauhan ng bagong yaya nito. Hindi pa ganap na nakakalabas si Haidee nang palabas sa isang pintuhan ang isang babaeng nasa edad kuwarenta habang pagod na pagod na hinahabol ang dalawang batang lalaking nagapang. Hinuha niya ay magdadalawang taon na ang mga bata. "Hay, pinapagod niyo talaga akong mga bata kayo," maktol nito nang makuha ang isa. At ang isa naman ay mabilis na gumapang patungo sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay napatingin siya sa lalaking kausap kanina. 'Peste, akala ko isa lang anak. Aba! Maraming magmamana,' aniya sa isip at nakitang maging ang mga ito ay lalaking pilyo kagaya ng panganay. Nang maya-maya ay maramdaman ang mumunting kamay nito sa kanyang hita. Iyon pala ay pinipilit nitong tumayo. Nanlaki pa ang mata niya nang makitang pumasok ang ulo ng bata sa ilalim ng maluwang at mahabang palda niya. Props niya kasi para magmukha siyang galing sa probensiya. Maging si Direck Villareal ay napamaang sa ginawa ng anak. Lalo at humagikgik pa ang anak habang nagtatago sa palda ng babae. Agad na yumukod si Haidee saka tinaas ang palda niya. "Bulaga!" aniya sa bata na mas lalong napahagikgik. Napalunok si Direck nang makita ang pagtaas ng palda ng babaeng kausap. Tumambad tuloy sa kanya ang mapuputi at bilugan nitong binti. "Ay, pilyo ka ha," ani ni Haidee saka binuhat ang batang nakakapit sa kanyang binti. 'Mukhang hindi naman kamukha ng herodes na ito,' aniya sa isip ng makita ang kabuuan ng bata. Maging ang batang ngayon ay hawak na ng babae at ang malditong panganay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD