HINDI nagpaalam si Sir Anthony nung umalis siya. At heto ako ngayon, nakaupo sa salas habang pinapanood si Zorinang naaliw sa medieval rattle na ibinigay ng aking amo. Ang sabi niya baka matagalan siya sa Paradise City pero ni ha ni ho wala talaga akong balita sa kaniya simula nang nawala siya.
Was he that angry with what I did? Or was he angry at me?
Bumisita si Uncle Cornelio at ang asawa niyang si Auntie Amethyst pero uuwi rin sila kinagabihan. Hindi ko alam kung ba’t ramdam ko ang kawalan sa bawat gabi habang tulog si Zorina. Lagi akong napapatingin sa cellphone, nagbabakasakaling tatawag siya. Binibilang ko rin ang mga araw sa kalendaryo. Pitong araw na hindi ko nakita si Sir Anthony.
Very boring!
“Nak, nakakamiss pala talaga si Sir, ano?” I tapped my fingers on the bed sheet as I watched Zorina rolled on the bed. Just another mediocre day to pass by as the sunrays hit the window pane. “Nalinisan ko na ang dapat linisan at nalabhan ang mga dapat labahan. Ano bang gagawin natin ngayon?”
Biglang tumunog ang cellphone.
Napalundag ako sa gulat at nanginginig ang aking mga kamay nang makita ko ang pangalan ng aking amo sa screen. “Sir?”
“Virtue.”
Nanghina ako nang marinig ang boses niya pagkatapos ng pitong araw. I never imagined that a person could do that to me. Kulang ba ako sa atensyon?
“Hello? Nawala ba ang ulo mo?” inis na tanong niya.
Hindi ko alam kung ba’t napangiti ako. “Kamusta po kayo, Sir?”
“Buhay pa, obviously. Kamusta na ang bahay? Kamusta si Zorina? Si Bones?”
His tone was too snobbish that made my grin grew wider. “Bumibisita po sina Uncle Cornelio rito para sa check-up ni Zorina kaya okay po ang bata. Hindi ko rin po pinapasok si Bones sa bahay pero pansin kong tuwang-tuwa siyang maglaro sa may sementeryo. Pero other than that, tahimik po ang bahay.”
“You mean to say na ako ang maingay?” He scoffed.
Napakagat-labi ako bago sumagot, “Hindi naman po sa ganon, Sir. Ano po…iba pa rin po ang commanding presence niyo rito.”
He sniffed. “Commanding presence, huh.”
Alam ko namang mali pero hindi ko alam kung ba’t ba may konting kilig akong nadarama. Hindi ko alam kung ba’t na-erase lahat ng salitang ‘boring’ sa aking bokabolaryo nang marinig ang boses niya. “Sir, kailan po ang balik niyo?”
“Baka matatagalan pa.”
“Ah ganun po ba,” malungkot kong sabi. “Don’t worry po, andito pa rin bahay niyo po pagbalik niyo.”
“Obviously, Virtue.” His voice sounded so bored. “I’m sure andiyan pa kayo pagbalik ko.”
Tumikhim ako. “Gusto niyo po bang umalis kami?”
“Gawin mo ‘yan at babawiin ko ang medieval rattle ni Zorina,” supladong sagot niya.
“Walang bawian,” tukso ko. Napahaplos ako sa nakalugay kong buhok.
“Virtue?” Ang baba ng boses niya.
“Sir?” Feeling ko hangin na lang ang lumabas sa pagbigkas ko ng kataga.
“Are you now bored over there?”
Nanginig ako ng konti kasi hindi ko inakalang malalaman niya ang aking naramamdam sa panahong ‘to. I did not know how to answer it with embellishments so I just simply answered, “Yes.”
Tahimik kaming dalawa ng ilang segundo. Hindi ko alam kung papatayin ko ba ang tawag. Hinayaan kong mabitin sa ere ang mga salitang dapat pakawalan habang tinatapik-tapik ko ang pwet ni Zorina.
“You can clean the forbidden room.” His voice was so low that it was almost inaudible.
Napahigpit ako ng hawak sa cellphone. “A-are you s-sure?”
Tahimik ulit ang linya.
“Sir…hindi po ako papasok kung ayaw niyo po talaga.”
Naalala ko ang gabing nasaksihan ko ang aking amo na nagpaparaos sa sarili. Ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi hanggang sa tila umaapoy sa init ang aking kwarto.
“Virtue, hindi naka-lock ang kwarto kaya pwede kang pumasok don.”
“Sir…”
“I trust you with all my vulnerability,” he finally said before hanging up.
Anthony Turgen really made my heart skip more than Andre did. Iba talaga ang amo kong kung ano-ano nalang ang naisipan. Pero may matamis na hanging humaplos sa aking dibdib sa huling sabi niya. Alam kong ayaw niya sa’kin – sa representasyon ko bilang isang outcast sa Vornian society – pero pinagkakatiwalaan niya ako sa sikreto niya. His trust on me spoke a lot of volumes.
Napatingin ako kay Zorina. “That man. Hindi niya alam na he’s beautiful in his unique ways. I wish makakahanap siya ng babaeng tatanggapin siya kung ano at sino siya. He deserves to live peacefully with all his eccentricity.”
Sumagot si Zorina sa lenggwaheng siya lang ang nakakaalam. Kinuha ko siya at dumiretso kami sa kusina upang maghanda ako ng makakain.
“Wala akong motibasyon kanina, Nak.” Pinaupo ko siya sa baby chair at ibinigay ang isang laruang binili ni Sir Anthony. “Pero parang nakalunok ako ng bitamina nang marinig ko boses ni Sir.”
Sa totoo lang, gusto kong tumakbo sa forbidden room at tingnan ang loob. Pero may parte rin sa’kin na takot na baka malaman ang pinakakatagong sikreto ng aking amo. Takot akong ma-turn off kay Sir Anthony. Kaya siguro tila nag-inat ako ng oras at hinihila ang aking sarili mula sa kuryosidad na puntahan ang silid ora mismo.
Kinuha ko ang tulog na Zorina at dahan-dahang umakya sa second floor. Parang jelly ang tuhod ko nang pumasok sa kwarto ni Sir at inihiga si Zorina sa crib na nakalagay sa kwarto ng aking amo. Nangangatog akong pumunta sa kabilang kuwarto at pikit-matang binuksan ito.
“Can I do this?” bulong ko at dahan-dahang kinapa ang mga gamit sa loob. Napatili ako ng konti nang mahawakan ang isang mahabang buhok. Napaatras ako sa gulat hanggang sa mabangga ang likod ng tuhod ko sa isang sofa. Napadilat ako at napasinghap sa nakita.
Iba’t-ibang uri, kulay at haba ng wigs.
“Anong nangyari rito?” tanong ko nang makita ang kalat sa loob na tila nadaanan ng isang malaking bagyo.
Tumayo ako at kinuha ang isang wig. Halatang galing sa totoong buhok ang tekstura nito. Naalala kong nakasuot si Sir ng wig nang makita ko siya rito. “Is he a cross dresser?” awtomatikong tanong ko sa sarili. "O baka naman gusto niya lang ang mataas na buhok kasi bawal sa lalaking Vornian ang ganong style?"
Blangko ang isip ko nang isa-isa kong kinuha ang mga nakakalat na peluka at nilagay ito sa mga busts at iba pang stante para rito. Binuksan ko ang isang aparador at nakita ang maraming kahon at maraming photo albums. Kumuha ako ng isang box at binuksan ito, mga nakabalot na wigs. Kumuha ako ng isang photo album at nanginginig ang aking mga kamay na binuklat ito. Litrato ng mga mabalahibong babae at mga babaeng mahaba ang buhok.Dahil sa kuryosidad, kinuha ko lahat ng photo albums at nilagay sa sofa. May isa pang siradong aparador kaya binuksan ko ulit ito at nagulat sa nakita. Isang life-sized doll na may blonde na wig.
“Ito ‘yong nakita kong nakaluhod kay Sir!” singhap ko habang tiningnan ang buong kabuoan nito. Nangingnig ang aking mga kamay nang haplusin ko ang hubad niyang katawan. “She seemed so real.”
Hindi nakayanan ng aking utak ang mga impormasyon kaya tumakbo ako palabas. Dumiretso ako sa kwarto ni Sir at tiningnan ang mahimbing na Zorina. Parang nawala lahat ng buto ko nang napahiga ako sa kama niya, hinablot ang isang unan at niyakap ito ng napakahigpit.
Wala sa sariling kinuha ko ang cellphone at pinindot ang numero ng aking amo. Hindi ko alam ba’t ginawa ko ‘yon, siguro dahil sa information overload o kaya’y lutang pa ako sa mga nasaksihan.
“Virtue?”
Gusto kong itanong sa kaniya kung ano ang ibig sabihin ng pagbahagi niya ng sikreto sa’kin. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko makuhang itanong lahat kaya “Why?” lang ang nabigkas ko.
“Anthony, we only have fiteen minutes before we go.” Narinig ko ang boses ng isang babae.
“Just a moment.” Medyo tinakpan niya ang bibig ng phone at sumagot sa babae.
Napayakap at napakagat ako sa unan habang pinakinggan siyang nagbigay utos sa babaeng kausap.
“Still there?”
“Yes, Sir…”
“So, what’s your question again?”
“Why would you tell me your deepest secrets?” Hindi nakapagpreno ang aking bibig at pinakawalan ang tanong.
Tahimik siya ng ilang segundo bago sumagot, “Why not?”
“I n-never expected it.”
“Do you hate me now?” Parang dumistansya ang kaniyang boses.
Nataranta ako bigla. “N-no. I have lots of questions at siguro lutang ako ngayon dahil sa nalaman pero isa lang ang masasabi ko, Sir. I can’t find it in my heart to feel disgust by the totality of you. You are a kind man and I’m always grateful to you for helping me and Zorina.”
“Oh.”
“I met her.”
“Her?”
Napakamot ako sa ulo. “The woman from that night.”
“Ah, si Dona.”
Napatawa ako ng konti. “Pinangalanan mo talaga?”
There was a hint of laughter in his voice. “Is that really bad?”
Umiling ako. “Do I have to clean her also?”
“Huwag na. Ako na lang pero salamat sa alok.”
“I’ll take care of the wigs and others except Dona. Your secret is safe with me.”
“Thank you,” sagot niya. “I have to go now.”
“Bye.” I hang up.
Mabuti na rin at natawagan ko si Sir at nahimasmasan ang rumaragasa kong damdamin. Tumayo ako at inayos ang kama ng aking amo. Nilingon ko si Zorina at tulog pa kaya bumalik ako sa ‘forbidden room’ at tiningnan ang silid sa bagong mga mata.
Spacious ang kwarto at velvet red ang kulay ng sahig. May dalawang malaking aparador, na nabuksan ko na kanina, na nakapidpid sa pader kulay krema. May mahabang sofa at bean bags kulay itim lahat. May nakita akong dalawang rebulto ng hubad na anghel at lahat may mahabang buhok. May isang malaking painting na Lady Godiva ang tema.
Umupo ako sa sofa at kinuha ang isa sa maraming albums na naiwan ko kanina. Binuklat ko ang mga ito at tiningnan ang bawat litrato sa hindi mapanghusgang mga mata. Mga litrato o postcards na tema ay from ancient to modern times sa mga babaeng may mahabang buhok at babaeng balbon. Few were pornographic but mostly were artistically done.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang nakain ko sa mga sandaling ‘yon. Siguro, I was immersed with what I’ve seen. O ‘di naman kaya’y gusto kong ipakita sa kaniya na tanggap ko siya kung ano man siya. Kaya tiningnan ko ang sarili sa antique na salamin at dahan-dahang kinuha ang belo mula sa aking ulo. Sinuklay ko ang mahabang buhok gamit ang aking mga daliri.
“This is nuts,” bulong ko nang kunin ko ang cellphone mula sa aking bulsa at i-set ang selfie camera. Inayos ko ang mahabang buhok na tila natabunan ang buo kaong katawan maliban sa aking mukha. Impusively, ipinadala ko ‘to sa kaniya.
Tumingin ulit ako sa salamin at inayos ang tinirintas ang aking buhok bago ko pinusod ito. Inayos ko ang kulay dilaw na belo at tinago ulit ang aking buhok. Ngumiti ako ng mapakla sa repleksyon. “Nakita mo na Sir ang aking boobs – no mystery about it. Nakita mo na ang buhok ko – again, no mystery about it. Pero hindi ko alam kung ba’t tila mas intimate ‘tong ginawa ko ngayon. Feeling ko nagpadala ako ng nudes sa’yo.”
Para akong kinidlatan ng tumunog ang aking phone. Ang lakas ng t***k ng puso ko ng basahin ang message ng aking amo. At napabuntong-hininga ako sa salitang ‘Thank you’ na ipinadala niya. May haplos na ‘di ko mawari nang lumabas ako sa silid at dumiretso sa kwarto niya, kinuha ang gising na Zorina at bumaba.
Lumipas pa ang limang araw at tila naiihi ako sa antisipasyon sa pag-uwi ni Sir. Hindi na rin siya tumawag o mag-text pagkatapos ng pasasalamat niya sa pagpapadala ko ng selfie. Hindi ko na rin inulit ‘yong pagpapadala ng pic sa kaniya. I seemed that it was too intimate and wild. Feeling ko nga mas grabe pa 'yon kesa pagsama ko kay Andre.
May kumatok sa pinto at napatayo ako mula sa pagva-vacuum sa ilalim ng dining table. “Sandali lang!”
Tiningnan ko ang peekhole at nakita ang isang lalaking nakasutana. Umalis ako at dumiretso sa kusina para kumuha ng isang box ng cookies. May malaking fiesta sa mga sumusunod na araw kaya hindi bago sa’kin ang mga kumakatok galing religious groups o galing mismo sa templo para humingi ng abuloy o ‘di naman kaya’y ‘blessings’ mula sa mga residents.
I used to give loads of cash to them before pero bags of cookies lang talaga ang afford ko ngayon. Hopefully, hindi nila itapon ang mga ‘to. Based sa reaction ni Sir, masarap naman luto ko. Pero well, Anthony Turgen got a weird taste for almost everything.
Binuksan ko ng konti ang pinto at inilhad ang bag of cookies. “Pasensya na ito lang ang makakaya ko.”
Nakita kong medyo dismayado siya kaya sinara ko na lang ang pinto. Ayoko rin namang papasukin siya lalo na’t ‘di ko pamamahay ‘to. Though mababa naman ang crime rate sa Ornuv pero ‘di pa rin ako kumpyansa, lalo na sa experience ko sa piggery.
Hindi pa ako nakaalis sa pinto nang tumunog ulit ang knocker.
“Ano?” sigaw ko. Tiningnan ko si Zorina sa crib at naaaliw ito sa mga laruang ibinigay ko sa kaniya.
“Wala na bang iba?” Mataas ang kaniyang boses.
Choosy pa ‘to! May mga ganito talagang mga tao, kahit nasa religious sectors ay naghahanap pa talaga ng sobra.
“Wala na po. Balik na lang po kayo sa araw ng fiesta,” sagot ko.
Katok pa rin siya ng katok. Sa totoo lang, mas naiinis ako kesa natakot nang hindi pa rin tumigil ang ingay ng knocker. Tumakbo ako sa study room ni Sir at kinuha ang mahaba at malapad na espada na minsa’y nakikita kong ginagamit niya sa paglalaro don sa sementeryo.
Though may mga makukulit talaga na nakasalamuha ko nitong mga nagdaang araw but not to this extent na tila magigiba na ang bahay sa pagkatok nito. May dalawang issue ang pumasok sa isipan ko habang bumalik ako sa salas. Una, baka masamang tao ‘to kaya ipapakita ko na sa kaniya kung sino ang makakbangga niya. Ikalawa, baka mapapagalitan ako ni Sir kung masisira ang paboritong knocker.
Binuksan ko ang pinto at hinawakan ko ng dalawang kamay ang mabigat na espada. Nanlilisik ang mga mata kong napatingin sa kaniya. “Sinabi kong bumalik ka na lang sa fiesta!”
Umatras ang lalaki at halatang na shocked sa ginawa ko.
Narinig ni Bones ang sigaw ko at patakbong lumapit sa’min. Kaya kampante rin ako somehow na mapag-isa kasi andito ang aso. Lumapit si Bones sa kaniya at tumalon-talon ito.
“Walang lasa ang cookies mo.” Garalgal ang kaniyang boses habang kinagat ang cookies. “Walang lason ‘to?”
Nabitawan ko ang hawak na espada ng mapagtanto ko kung sino ang tao sa harapan.
Lumingon siya sa mga kasamahan at tumawa. “See? I told you she’s like me!”
Yumuko ako at kinuha ang espada sa sahig. “Sir? Is that you? You’re not wearing a mask!”
Nakangiti ang mga brown niyang mga mata. “It’s nice to see you again, Virtue.”