ZARIN KLAIRE SANDOVAL __ "Magkaaway kayo?" tanong sa akin ni Alina habang nasa cafeteria kami for lunch. Wala sa loob na tingnan ko ang direksyon ng taong tinutukoy niya. "P-parang napapansin ko lang ilang araw na siyang hindi lumalapit sa atin sa lunch. Na-basted mo na ba siya, Klaire?" Tinanggal ko rin and tingin ko sa mesa ng mga ito at tinuon ang atensyon ko sa pagkain. "Sayang naman," malungkot na sambit nito. "Ang dami niyang kasamang babae noong mga nakaraang araw. Tapos parang nililigawan niya lahat. Akala ko pa naman iba siya sa mga lalaki dito sa campus. Womanizer din pala siya. Buti na lang hindi ka nagpadala sa kaniya, Klaire." "Finish your food. I still have research to do." "O-okay..." Muli kong tiningnan ang direksyon ng mga ito bago kami tuluyang lumabas ng cafeter