RITHWELL PRYCE ARANDIA __ Tiningnan ko ang porridge sa ibabaw ng pinggan ko, ang isang pirasong hiniwang saging, isang nilagang itlog, at ilang pirasong nilagang carrots. Matamlay kong kinain iyon. Usually ganoon ang pagkain ko sa bahay at walang lasa ang mga iyon. Minsan mga nilagang gulay ang nakahain and I wasn't allowed to choose. Kahit nilagang ampalaya ang nandoon, kailangan ko iyong kainin. They started to feed those kinds of food noong magkasakit ako noon. Mahina ang immune system ko kaya kailangan kong kumain ng healthy. Simula no'n, pinagbawal na sa akin ang kumain ng kahit ano bukod sa gulay at prutas. May mga pagkakataong hinahainan nila ako ng manok. Hindi gusto ni dad and idea na parati akong may sakit. He was so obsessed about his position at ayaw niyang may masabi ang