Chapter 1

2633 Words
RITWELL PRYCE ARANDIA __ Nagmamadali akong tumakbo papunta sa classroom ko. Hinahabol ko pa ang hininga ko nang makarating ako sa harapan ng pinto. Everybody looked at me. "Mr. Arandia, you are fifteen minutes late." "I'm sorry, si—" "Get out." Napahugot na lang ako ng malalim na hininga at wala na akong ibang nagawa pa kung hindi ang umalis. Nasa dalawang oras ang klase ko sa subject na iyon kaya naman pinag-isipan ko kung saan ako pupunta para magpalipas ng oras. Umakyat ako sa facility building. Not all students could go there lalo na kung wala namang event pero sinadya kong maging malapit sa guard doon kaya naman hinahayaan ako nitong makaakyat hanggang sa rooftop. Malamig ang simoy ng hangin sa itaas nang makarating ako roon. I could see the vast field around. Kita rin ang ilang building ng ibang courses. I loved it there dahil walang matang nakatingin sa akin. Bukod pa ro'n, I always felt at peace whenever I was there. Tahimik lang, payapa. Narinig ko rin agad na tumunog ang sikmura ko. Hindi pa ako nagaalmusal simula nang umalis ako ng bahay. May dinaanan pa kasi ako at alam kong mahuhuli na ako sa klase ko kaya naman hindi na ako nakadaan pa sa cafeteria. Naupo ako sa sahig sa likod ng pader at binuklat ang bag ko. Kinuha ko mula roon ang isang malaking burger, spaghetti, at isang malaking plastic bottle ng soft drinks. Napangiti ako bago ko simulang kainin ang mga iyon. After it, nilabas ko ang ilang tsokolateng nakatago sa loob ng bag ko at iyon naman ang sinimulan kong kainin. My tummy felt so happy. Totoo ang kasabihang masarap lahat ng bawal. Napatingin ako sa wrist watch ko nang maalala ko kung bakit ako nandoon bukod sa magandang lugar iyon. Nilabas ko ang binoculars mula sa bag ko and stood up. Sumilip agad ako roon at tinutok iyon sa isang direksyon. Unti-unting nabuo ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko itong nakaupo sa ilalim ng isang malaking puno. She looked so serious reading her books like usual. Doon ko siya unang beses na nakita, exactly in her position. Nakatayo rin ako noon sa mismong puwesto ko at hawak ang parehas na binoculars sa mga kamay ko. Ilang beses ko siyang nakita roon at ilang beses ko ring nagawang tumitig. Nalaman ko kay Nigel, ang matalik kong kaibigan, kung anong pangalan niya and I was so surprised to know that she's a Sandoval. A Sandoval who graduated Magna c*m Laude with the course of Bachelor of Science in Psychology and currently taking her Master's degree. Nigel gave me those information dahil sa Sanville na siya nag-aral since he was young hanggang sa nagdesisyon siyang kuhanin ang law. May kalayuan ang building ng mga takers ng Master's degree mula sa building namin kaya madalang ko siyang makita sa campus. Bukod doon, masyadong maluwag ang lugar kaya minsan ay sinasadya ko pang daanan ang mga lugar na madalas niyang puntahan at sa tuwing makikita o makakasalubong ko siya, I felt like I was losing all my guts to try to approach her. Marami ang nagsasabihing suplada ito simula pa noon at sa totoo lang ay takot sa kanya ang mga estudyante roon. Well... I couldn't blame them. Evident naman iyon sa pagsimangot niya. A slight smile formed my lips again. I guess they were all right. Hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. I'd seen some of her photos sa mga events, even classroom and graduation photos sa mga albums na available sa campus, pero hindi ko siya nakitang ngumiti kahit isa sa mga iyon. She always had that poker face. She was still beautiful. Hindi man lang nabawasan. I could stare at her without minding anything else around me. Napatigil lang ako sa pagtingin rito nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. It was Nigel calling. "Where are you? Tapos na klase at saka five minutes na lang before mag-start 'yung susunod. Nasaan ka na?" And there was I... nakalimutan na namang mabilis na lumipas ang dalawang oras sa pagtingin rito. "Papunta na." Binaba ko rin agad ang tawag. Binalik ko ang binoculars sa loob ng bag ko. Kahit malayo, muli kong tiningnan ang direksyon nito. Sa maraming beses, gugustihin kong muling makita ito roon. She could always make my day better. Hindi ko na nagawang tanggalin ang ngiti sa mga labi ko. Tumabi ako kay Nigel nang makarating ako sa classroom. "Bakit na na-late ka kanina? Hindi ka naman nale-late ah?" "I visited my mom." "Oh... kumusta na pala si tita?" Hindi ako sumagot. Nilabas ko ang notebook ko at hinintay na pumasok ang professor sa loob. Ayoko na munang pag-usapan. Our class went well. May long break kami bago ang susunod na dalawa pang klase kaya naman inaya ako ni Nigel sa kabubukas na bookstore sa tabi lang ng campus. Nakapunta na kami ng dalawang beses doon simula nang magbukas iyon noong nakaraang buwan. "Dude..." mahinang bulong ni Nigel simply nudged me. Tumigil ako sa pagbuklat ng libro sa loob ng bookshop and looked at him. Pinilig nito ang ulo sa isang direksyon na siya ko namang sinundan ng tingin. I saw a familiar face in front of a huge shelf looking for books. Hindi ko inaasahang makikita ko ito roon. Hindi ko agad natanggal ang tingin ko sa kanya kahit lumilipat na siya ng direksyon. Hinanap ko pa rin ang librong kailangan ko roon, still throwing her a look whenever I had the chance to. "Dude, may titingnan lang ako sa kabilang section," paalam ni Nigel. Hinayaan ko lang itong umalis. I noticed Klaire walking towards the counter. Hindi ko pa nahahanap ang kailangan kong libro pero hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para sumunod rito sa counter. I stood next to her in the line, and made sure na may space sa pagitan namin. I was acting like a stalker already pero hindi ko gustong magmukhang ganoon. "Magandang araw po, Ms. Klaire." Hindi ko alam kung dapat pa ba akong masurpresa na kilala siya ng cashier. The bookstore was just located next to the campus. Maybe they own it o baka naman may partnership sila sa owner. It was not impossible dahil sila ang pinaka-mayaman sa bansa at halos lahat ay pagmamay-ari na nila. "2,355.25 po lahat, ma'am." I noticed na tila may hinahanap siya sa loob ng bag niya. After few seconds, bumaling din siya sa cashier. "I think I lost my wallet." "There's no problem, ma'am, hindi niyo na po kailangang bayaran," saad ng cashier na may ngiti sa mga labi. "No, I'll pay online." "Ay, ma'am, offline po kami ngayon." Mukhang wala na siyang ibang pagpipilian. Gusto niya ang mga librong nakuha niya pero tila hindi niya rin gustong umalis nang hindi iyon nababayaran. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagtungo ako sa counter. "I'll pay for it. Please include these books," sambit ko sa cashier at marahang binababa ang dalawang pirasong libro sa counter. Pagkatapos ilagay sa paper bag ang mga libro ay nakangiting inabot niya iyon sa akin. "Thank you so much, sir." I smiled back at her at kinuha ko na rin ang libro para rito. Tumingin ito sa mga mata ko nang humarap ako sa kanya. May ngiti sa mga labing inabot ko ang paper bag na laman ang mga napili niyang libro. "You like to read facts. I see..." Nanatili itong nakatingin sa mga mata ko. It felt strange because it was the first time I got to be that close to her. Noon ko lang din nakitang tumingin ito sa mga mata ko and it gave me different feelings I kept hidden. Bumaba ang tingin nito sa nakasabit na ID sa kaliwang dibdib ng suot kong coat. Alam kong nabasa niya na ang pangalan ko roon pero nilahad ko pa rin ang kamay ko sa kanya. "Hi, I'm Ri." She again looked at me with a straight face. Umasa akong kukuhanin niya ang kamay ko, pero kinuha niya lang sa kabila ang paper bag and turned her back. Pinanuod ko na lang itong humakabang palayo hanggang sa bigla na lang umakbay sa akin si Nigel na punong-puno ng excitement. "Woah!" mahinang sigaw nito malapit sa tainga ko still containing himself dahil hindi pa ito gaanong nakakalayo. "That's smooth!" Hindi naman nawala ang ngiti sa mga labi ko habang nakatingin pa rin dito palabas ng pinto. Somehow, I expected she would ignore me. I didn't mind, I still felt like a winner. Staring closely at those eyes was more than enough for me. Inggit na inggit pa rin si Nigel sa akin habang pabalik kami sa campus. He said matagal niya na itong crush. He said many have dared to court her pero mukhang masyadong mataas ang standards nito para sa kanya considering that she's the richest in the campus. Nakasunod ako sa topic sa klase, but half of my mind was in the other dimension thinking of her. Ilang minuto lang iyon, but it gave me a huge impact. Those brown eyes... lack emotion but were full of the ability to make everyone ponder. Tila mahirap kalimutan ang mga iyon. I didn't notice that I was smiling. Pagkatapos ng klase, dumiretso kami ni Nigel sa North Park ng campus kung saan may malawak na damuhan at mayroong makakapal na mga puno. Iyon ang pinaka malapit sa law building kaya naman doon kami madalas tumambay. Katulad noon, hindi karamihan ang mga estudyante roon dahil na rin sa dami pa ng ibang tambayan sa tuwing vacant hour. Magkatapat kaming naupo nito sa isang bakantaeng mesa sa ilalim ng isang malaking puno. Masarap mag-review at mag-aral doon dahil presko ang simoy ng hangin at halos ang malawak na field lang ang matatanaw. Every corner of Sanville was beautiful and well-organized. Eco-friendly ang buong campus and it was supporting every student's style. It was amazing. Makikita sa unibersidad na iyon ang iba't-ibang characteristics ng tao. Bawat sulok ay may lugar para sa lahat. Kung mahilig ka sa art, mayroong lugar para sa'yo. Kung ang hilig mo ay mga bright colors, may lugar din para sa'yo kahit pa iyong mahihilig sa madidilim na lugar. Marami pang iba. Para iyong naka-customize sa bawat personalidad ng bawat isa. How they managed it was good... but the pressure was still there dahil ninety percent ng mga estudyante roon ay mayayaman. Karamihan sa kanila ay mga bullies at entitled. "Dude! Dude!" Tawag sa akin ni Nigel. Nag-angat ako ng tingin rito mula sa librong binabasa ko. He looked so tensed. "Si Klaire!" mahinang sambit nito habang nakatingin sa gawing likuran ko. I absentmindedly looked at my back. Tinanggal ko rin agad ang tingin ko roon nang makita kong nandoon nga ito, may kalayuan pa mula sa amin. "I think she'll go here," hindi makapaniwalang sambit nito. "She won't," tipid na sagot ko. Maaaring naghahanap lang ito ng magandang puwesto para basahin ang binili niyang mga libro kanina. "Dude... malapit na siya," muling sambit nito na para bang lalabas na ang mga mata, "papunta siya rito." Nagpatuloy ako sa pagbabasa and just ignored him. I doubt na lalapit ito sa aming dalawa. Ganoon pa man, literal na napatigil ako nang napansin kong huminto nga ito sa mesa namin. Mula sa libro ko, napatingin ako sa dalawang libong binaba nito sa gilid ng libro ko. Tatlong one hundred bills, isang fifty pesos bill, at isang limang piso. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang eksaktong binayaran ko kanina sa mga libro niya. Wala sa loob na nag-angat ako ng tingin rito. Katulad kanina, I again felt a strange feeling habang nakatingin sa mga mata nito. Hindi ko naintindihan ang malakas na kabog sa dibdib ko. "H-Hi, Klaire..." nauutal pang bati ni Nigel rito. Nagbagsak pa siya ng barya sa mesa without taking her eyes off me. I then knew why she bothered to look at my ID before leaving the store. Mukhang tama rin ang narinig ko about her... she wouldn't like help from anyone. Without a word, tumalikod na rin ito muli at humakbang palayo. Wala sa loob na tiningnan ko ang huling baryang binagsak nito sa mesa. Twenty-five cents. She really paid me in full. "Woaaah! Dude!" Agad lumapit sa akin si Nigel at hinawakan ang balikat ko. "You're so damn lucky! Akin na lang 'yang perang binigay niya. Papalitan ko kahit sampung libo!" Akmang kukunin pero inunahan ko na siya. "This is mine," nakangiting sambit ko. "Kahit 'yung twenty five cents lang!" Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko. Kahit kailan ay hindi naman ako naging madamot sa kanya, except that day. As usual, I spent my time somewhere in the campus pagkatapos ng mga klase ko. Wala pa akong planong umuwi kahit nang dumilim na but Mr. Rancio called me na uuwi ng bahay si dad at gusto akong makausap. "What's the matter?" tanong ko habang nasa byahe kami. Humugot ito ng malalim na hininga. "Hindi ako sigurado. Baka may importanteng bagay lang na kailangang sabihin sa'yo." Habang nasa byahe, he asked about my day. Kinwento ko sa kanya ang ilan katulad ng dati hanggang sa makarating kami ng bahay. Sukbit ang backpack sa kanang balikat ko, sinundan ko si Mr. Rancio sa living room kung nasaan si dad. Naka-dekwatro itong nakaupo sa couch habang nasa paligid ang mga bodyguard niya. Binaba nito ang hawak na magazine at ibinaling ang tingin sa akin. He looked at me from head to toe na lagi niyang ginagawa bago muling tumingin sa mga mata ko. Kilala ko na ang tingin na iyon. Alam kong may nagawa na naman akong hindi niya nagustuhan. "Na-late ka raw sa klase mo?" malamig na tanong nito. I knew it. Someone reported to him again. Lahat na lang ng kilos ko gusto niyang bantayan. "That's the first time." Nagtangis ang bagang na tumayo ito mula sa pagkakaupo. "I don't care," malamig na sambit nito, "'wag na 'wag mo akong dadalhin sa kahihiyan." I chose not to say anything. Getting late for the first time won't put him in a bad light. Kahit isang beses, hindi naman siguro masamang magkamali. "Now, what should you say?" he sked at lalo pang tumalim ang mga mata nito nang hindi pa rin makakuha ng kahit anong sagot mula sa akin. Lumapit ito sa akin at mahigpit na kinuha ang kuhelyo ko. Nagbabaga ang mga mata nito sa galit. "I'm asking you." "When will you visit mom?" sa halip ay tanong ko na lalong ikinatangis ng bagang nito. "Rithwell..." he called my name with gritted teeth, "what. will. you. say." Silence filled the living room for a few seconds bago ako nagsalita. "It won't happen again," I said casually, "I'm sorry." That was what he wanted to hear to calm down. Hindi niya gusto ng bad news at hindi niya gusto lahat ng ginagawa ko. "Mr. Senator, nakahanda na po ang sasakyan." Hindi nito tinanggal ang tingin sa akin. "Make sure of that," he warned and let go of my collar. Sinundan ko lang ito ng tingin habang palabas ng living room kasama ng mga bodyguard niya. Iniwas ko rin agad ang tingin ko kay Mr. Rancio, my personal driver and bodyguard. "Sir, nakahanda na po ang hapunan ninyo," saad ng kasambahay nang makalapit sa akin. "Wala akong gana," mahinang sambit ko. "Pero, sir--" I turned my back and started walking toward the stairs. Huminto ako sa malaking glass wall kung saan kita ko ang mga sasakyan sa baba. I saw dad enter his car and I again watched him leave. It was ridiculous. Sinadya niyang umuwi para pagalitan ako pero hindi niya man lang dinadalaw si mom sa ospital kahit isang tingin lang... kahit kahit isang minuto. I should stop... hoping na gagawin niya pa iyon. Matagal nang namatay si mom para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD