“Uyy girl, bakit naman ang tahimik mo diyan?”Tanong ni Ynna sa akin habang nagmamaneho na siya ulit. Kasalukuyan na kasi kaming pauwi ngayon sa condo at bumili na lang kami ng pagkain sa fast food ng Mall para kainin namin pag-uwi dahil almost magta-tanghalian na. “Kanina ka pa walang imik simula nung bumalik. May nangyari ba?”Muling pagtatanong pa ni Ynna sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kaniya ang nakita ko kanina sa Mall dahil wala pa naman akong kasiguraduhan kung tama ba ang hinala ko kaya lang— Ynna and I, we have different perspectives in life so that means, pwedeng magkaiba kami nang iniisip kapag nabanggit ko na sa kaniya yung naiisip ko kaya naman, why not di ba? Ilang segundo lang nang tuluyan ko nang harapin si Ynna. Nasa kalsada pa rin ang paningin ni