Mabilis kong ibinagsak ang hawak kong can beer na wala nang laman dito sa lamesa na nasa harapan ko. Kasalukuyan lang kasi na nandito ako ngayon sa terrace ng condo unit ko at naisipan ko na uminom, mga ilang minuto na rin na nag iinom ako kaya naman nararamdaman ko na ang pag-ikot ng mundo ko sa kalasingan. Yun na rin ang huling beer mula sa dito sa plastic bag na binili ko sa convenient store kaya naman naisipan ko nang tumayo at pumasok na sa loob para matulog. Sa isang araw na ang alis ko papuntang coron kaya naman ine-enjoy ko na ang pag-stay dito sa condo ko kahit wala naman talagang ka enjoy-enjoy dito! At bago pa man ako makapasok sa loob ng unit ko ay naisipan ko na tawagan si Peter. Dala na rin ata sa alak na nasa katawan ko kaya malakas ang loob ko at hindi na ako nag dalawan