Jordan was seating comfortably on his swivel chair. He’s staring intently into thin air as his mind goes off somewhere. Hindi niya napansin na may mga tao or should he say mga panira ng araw niya until someone snaps a finger in front of him.
"Ang layo ng tingin mo dude ah? May pinapanuod ka ba diyan sa harapan mo?" Tumabi sa kanya si Keith at tinignan kung may pinapanuod siya sa kawalan. Binato niya ito ng crumpled paper. Tumawa naman si Xander na nakaupo sa upuan na nasa harapan ng table niya.
"Asshole...what are you guys doing here anyway?" inis niyang tanong sa mga ito
"Wala bumibisita lang. Masama ba? Wala kasi kaming magawa sa opisina namin." Xander said as he plays the small figurine on his table.
"Tsss...kaya naisip niyo na guluhin ako? Mga panggulo kayo dito umalis nga kayo. Nagtratrabaho ako ng maayos dito."
Sinilip naman ni Keith ang laptop na nasa harapan niya at naka-open ang excel na walang laman.
"Wow! Sorry dude ang DAMI mo na palang nagawa." He puts emphasis on DAMI at tinignan niya ito ng masama.
"Lumayas na nga kayo dito!"
"Dude, bad mood ka yata ngayon ah. Care to share?" Tanong naman ni Xander.
"Keith this is all your fault."
"What?! How come this was my fault?" Nakakunot noong tanong niya. "Ah! Let me guess! You met someone, and now she’s bugging your mind."
"Tss..."
"Aww… Our playboy is in-love. So, who’s the unluncky girl?"
"The greatest playboy of all time ay pinana sa wakas ni kupido." Sabi ni Xander
"Kupido?! Stop right there. Anong pinana ni kupido? I’m not in-love. No way dude, that is not included in my vocabulary."
"Masyado kang defensive dude. Halata namang nagde-deny ka. Pa-virgin ka pa." I look at Xander at tumayo siya sa pagkaka-upo sa harap ko.
"Sino ba iyang babae na iyan na gumugulo sa isip mo?" tanong ni Keith na pumalit na umupo sa inupuan ni Xander kanina.
"Her name is Princess Francia."
"Really? Now, I’m intrigue kung sino ang nagpatibok sa puso ni Jordan Villareal."
"Hindi ko siya ipapakilala sa inyo parehas kayong baliw."
"Sabi sayo love na iyan eh. Ayaw pa kasing umamin." Sabi naman ni Xander.
He gritted his teeth. "Kayong dalawa ‘pag di kayo tumigil ipapatawag ko ang guard."
"Uy may pikon..." asar nanaman ni Keith sakanya.
"Shut up, Keith! I’m serious."
"Fine ang KJ mo." Sabi nito sabay halungkat sa mini refrigerator niya. "What now?"
Napaisip din siya akala niya oras na makuha na niya si Princess ay katulad ng dati na wala na siyang paki-alam. Nang ihatid niya si Princess pauwi sa kanila ay ayaw niya pa itong pauwiin sa kanila. Geez…what the hell is happening to me?
******
Kagagaling ko sa trabaho ko at sinususian ko pa lang iyong pinto ng bahay ko nang may sumigaw sa likuran ko. Napatingin ako at laking gulat ko nang makita ko sila Krysta at Zhea.
“Oh my! Shut the hell up! Krysta? Zhea? Kayo na ba iyan?!”
“Cez!!!” sigaw nilang dalawa at tumakbo palapit sa akin sabay yinakap ako ng mahigpit.
Krysta and Zhea are my childhood friends, and I consider them as sisters already dahil simula bata hanggang sa magkolehiyo kami ay pare-parehas kami ng paaralan na pinag-aralan. Cez ang tawag nila sa akin dahil sobrang haba daw ng Princess. Kaso simula ng grumaduate ako ng kolehiyo ay hindi ako nakapagpaalam sa kanila na magtra-trabaho ako.
“Girl! Na-miss ka namin. Ikaw ha?! Muntik na kaming magtampo sa iyo hindi ka man lang nagsabi na nagtra-trabaho ka na pala.” Pa-cute na sabi ni Zhea.
“Oo nga! Ang dami tuloy nating na-miss na tatlo. Pasyal naman tayo minsan. Palagi na lang kami ni Zhea ang magkasama. Hindi na kumpleto ang powerpuff girls kung wala ka.” Krysta held my hand sabay ngumiti.
Powerpuff girls ang pangalan namin noon nung nag-aaral pa lang kami dahil mahilig kami sa makukulay na bagay. We always wear ribbons before at palagi pa kaming nakapalda. Napagkakamalan kaming cosplayer noon dahil mahilig din kaming magsuot ng mga contact lenses. I miss those days. Kaso nang lumalaki na kaming dalaga ay medyo nabawasan ang pagsusuot namin ng makukulay na mga damit at nahilig si Zhea sa pagiging gothic style na mga damit at glamorous style naman kay Krysta.
“Siya nga pala nasaan si Sascha? Hindi niyo ba siya kasama?” hanap ko kay Sascha na isa din naming matalik na kaibigan.
“Alam mo naman ang babaeng iyon super busy sa pagiging model niya kaya hindi na siya nakakasama sa atin.” Sagot ni Krysta.
“Ang mabuti pa pumasok na tayo sa apartment mo Princess at marami kaming pasalubong sa iyo.” Pinakita sa akin ni Zhea ang dala niyang bag nap uno ng kung anu-ano. I smiled at pinapasok sila sa apartment ko.
“Girl mag-isa mo lang ba dito?” tanong ni Krysta habang inaalis niya ang sapatos niya.
“Oo. Alam niyo naman di ba simula nang mawala si mama mag-isa na lang akong namuhay. Ayoko din namang maging palamunin sa mga kamag-anak ko.”
“Pwede pa ba kaming sumingit dito sa apartment mo?”
Napatingin ako kay Krysta at mukhang napansin niya na gusto ko siyang tanungin kung bakit.
“Naghahanap kasi kami ni Zhea ng apartment na medyo malaki para sa aming dalawa kaso nalaman namin na nandito ka so naisip namin, why not live together? The three of us.”
I look at both of them.
“Isa pa malaki naman ang sahod ni Zhea sa trabaho niya at sinabi niya na willing naman siya na ishoulder lahat ng expenses ng rent basta sa atin daw iyong groceries at city services. Iyon e kung gusto mo lang naman.”
Pinanlakihan ko ng mata si Zhea. “Wow! Sure ka na ikaw na ang magshou-shoulder ng rent? Magkano ba sinasahod mo sa trabaho mo?”
“Wag mo nang tanungin, and yes, I am willing to shoulder the rent expense. Sige na Cez pumayag ka na. Please?”
I sighed. “May magagawa ba ako? Isa pa ikaw naman magbabayad ng rent e. Bakit hindi?”
Nagtatatalon silang dalawa at natawa naman ako. They never change. Kahit iba na sila manamit ganoon pa rin naman ang mga ugali nila. I miss having my friends.
Napagdesisyunan namin na lilipat kami sa isang condo unit na may 3 bedrooms. Tulad nga ng sabi ni Zhea siya nga ang nagbayad ng expenses namin pero hindi ko alam na binili niya iyong condo unit. Ilang taon ko ba siyang hindi nakita at ganito na siya kaasensado? I mean malaki din naman magpasahod si Sir Cyrus pero kung babayaran ko ang buong condo unit ng minsanan ay hindi ko kaya.
We are packaging our things nang makarinig kami ng katok sa pinto. Zhea and Krysta look at me saying like may bisita ba ako?
“Mukhang may bisita ka ah?” tanong ni Krysta at nagpatuloy sa pag-iimpake.
I opened the door at laking gulat ko nang tumambad sa harapan ko si Jordan. He kissed me suddenly na mas lalo kong ikinagulat hanggang sa isara niya ang pinto. We were kissing passionately nang sabay na tumikhim ang dalawang kaibigan ko.
“Guys! I’m watching porn, but I don’t want to watch a live session.” Zhea said at napakagat labi ako sa hiya.
“Oh, I didn’t know you…weren’t alone.” Sambit ni Jordan
“Hi! I’m Krysta at ito naman si Zhea. We are childhood friends of Princess, and you would be?”
“Jordan Villareal. Nice to meet you. Nakipag hand shake si Jordan kay Krysta at tumigil sa pag-iimpake si Zhea sabay humalukipkip ito na lumapit kay Jordan.
“Jordan Villareal. I heard a lot of rumors about you. I’m Zhea by the way.” She offered her hand to Jordan na agad naman nitong tinanggap. Hindi agad binitawan ni Zhea ang kamay nito at nagtanong pa.
“Anong balak mo sa kaibigan namin?”
“Uhm…”
“Are you even serious with her?” napa-aray bigla si Jordan dahil pinisil ni Zhea ang kamay ni Jordan. Napanganga ako at hindi makapaniwala sa lakas ni Zhea.
“A piece of advice Sir Villareal, I don’t like playboys kaya kung lolokohin mo lang ang kaibigan ko, you better leave her right now dahil ipapa-salvage kita.”
“Ow! I’m serious with her!” sigaw ni Jordan at napatingin ako sa kanya.
“Good.” Binitawan ni Zhea ang kamay niya at ngumiti na parang walang nangyari. I gape at Zhea na tumuloy lang sa pag-iimpake. I went to Jordan at agad tinignan ang kamay niya.
“Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ko dito at tumango naman siya.
“I’m okay. Wala naman yatang nabaling buto, so I’ll be fine.” He said while shaking his right hand.
Nang matapos kaming mag-impake ay lumabas na muna sila Zhea at Krysta dahil iche-check daw nila ng mabuti iyong condo unit na lilipatan namin. Jordan and I are having some snacks sa kitchen.
“Nakakatakot naman iyong kaibigan mo. She was glaring at me the whole time na nandito ako. Man-hater ba siya?”
“Hindi naman. Galit lang talaga iyon sa babaero. Kaya nga bantay-sarado niya noon si Kysler kasi babaero ito.”
“Kysler? You mean like Kysler Valmeros?” pagtatakang tanong nito sa akin at tumango ako.
“Oo! Akala ko nga kilala mo si Zhea kasi kaibigan mo si Kysler.”
“Tss…it’s really a small world, huh? Malay ko bang may kaibigan si Kysler na man-hater. Now, I know the reason why Kysler always refuses all my invitation noon.” Uminom siya ng tubig sabay tingin sa akin. “Lilipat ba kayo?”
“Yup! May biniling condo si Zhea at doon kaming tatlo maninirahan.”
“I see. Tawagin mo ako kung kailangan niyo ng tulong.”
“Sure, ayos na ba iyong kamay mo?”
“Believe it or not, hindi na siya masakit. Akala ko nga mamamaga siya kasi ang sakit ng pagkakapisil niya.” He looks at his hand in the air at natawa ako dito.
“Ikaw naman kasi, hindi ka man lang nagsabi na bibisita ka. Ano nga bang ginagawa mo dito?”
Jordan looks at me intently at medyo na-conscious ako.
“Princess, I want to court you. I like you, Princess.”