“W-what?” di ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon. “Y-you want to court me?”
He smiled and nodded. “I’m a playboy Princess kaya hindi ako magtataka kung galit sa akin iyong kaibigan mo. I slept with a lot of women already, and I never had a serious relationship with any of them. I lose interest the moment I sleep with them, but with you, the other night was amazing. Never nangyari sa akin na balikan ko ang isang babae dahil madali akong magsawa, but with you, I can’t seem to forget about you.”
Hearing the Jordan Villareal to court me and confess to me like this, it feels so unreal. I’m having butterflies in my stomach right now. I stare at his beautiful brown eyes at mukhang seryoso naman siya sa sinasabi niya. Dati naririnig ko lang siya sa news at nakikita ko lang siya sa magazine. Sa totoo lang, I fantasize about him kaya nga noong nakikita ko siya na bumibisita kay Sir Cyrus tuwang-tuwa na ako. Sino ba naman kasi ang hindi maiin-love sa gwapo niya? He has white skin, with pointed nose, clean-shaven face, square jaw and thin kissable lips.
“Princess?” pukaw niya sa akin at napatingin ako sa kanya. “You kept quiet kaya bigla akong kinabahan.”
“Nagulat lang kasi ako. Hindi ko naman kasi ineexpect na magugustuhan mo ako. I mean compared to you, I’m a nobody.”
“Why do you say that? You are beautiful, Princess. Your name really suits you. You are like a princess.”
I smiled shyly as I bow my head and he reach for my face to caress it. I look at his eyes at unti-unting lumapit ang labi niya sa labi ko nang magbukas ang pinto at dumating na sila Zhea at Krysta.
“Aww…ang sweet. Nakakainggit. Sana magkaroon na rin ako ng boyfriend.” Kinikilig na sabi ni Krysta. Zhea just rolled her eyes at pumanhik sa kitchen.
“Well, I have to go. Susunduin na lang kita bukas. Ako na ang maghahatid sa iyo sa trabaho.” Paalam ni Jordan and kisses me before he left. I bit my lip as I squeal like a teenager nang isara ko iyong pinto.
“Girl! Ang gwapo naman ng bf mo. Akalain mong naka-Jordan Villareal ka. Kumbaga sa mamahaling bag nakakuha ka ng Chanel.” Kinikilig na turan ni Krysta at ipinaypay ang kamay niya sa mukha niya.
“Jordan is not yet my bf pero malapit na.” we both squealed nang magsalita si Zhea.
“Hindi bf pero kung makatuka akala mo parang manok.” Napasimangot kami ni Krysta kaya linapitan ko siya.
“Zhea, bakit ba ayaw mo kay Jordan?”
“Cez, hindi naman sa ayaw ko sa kanya, alam ko lang kung gaano kababaero ang lalaking iyon. I mean he sleeps with every girl. Kumbaga para siyang bagyo na naninira ng pempem.”
“Grabe ka namang mag describe friend! Bagyo talaga? Hindi ba pwedeng hotdog at donut na lang para masarap?” Krysta said
“Heh! Isa ka pa!” lumabi si Krysta na ikinatawa ko. “Cez, siguraduhin mo lang na hindi ka sasaktan niyan. Ipapasalvage ko talaga siya.”
“Yes, ma’am.”
Zhea has always been the protective one sa amin. Maraming nangliligaw sa kanya kaso para siyang pulis na marami muna siyang tanong bago niya payagan na manligaw ito.
“Ready na ba iyong mga gamit niyo?” tanong ni Zhea sa amin
“I’m ready.” Sabay naming sagot ni Krysta.
Nakahanda na ang lahat ng mga gamit namin at lilipat na kami sa bago naming tirahan. Hindi ko na tinawag si Jordan dahil may truck naman na hinire si Zhea para ipunta sa condo namin. Pagdating namin doon ay malinis na ang buong condo. Iaayos na lang namin iyong mga gamit namin. Namili na din kami ng sarili naming kwarto, and I chose the room wherein I can see the whole city. I breathe in at napangiti ang magandang scenery sa malaking bintana ko. I started unpacking my things when I received a call from Jordan.
“Hello?”
“Hey, love. Nakalipat na ba kayo?” kinilig nanaman ako nang marinig ko iyong endearment niya sa akin.
“Yup!”
“Great! Are you free this evening?”
“Yes, why? Are we going on a date?”
“Oo. I’ll fetch you at 7.”
“Okay. See you.”
“See you later, love.” I squealed silently at inend ang tawag. Kinikilig talaga ako at nagtatatalon pa.
*****
I look at the phone as I smiled and dialed Justine’s number. Agad namang sumagot ito.
“What’s up bro?”
“Justine, I need to make a reservation at your restaurant at around 7 pm.”
“Dude, I have a lot of resto alin doon? Be specific man hindi ako mind reader.” I rolled my eyes.
“Justus bro.”
“O-kay…Mas marami ka namang properties kaysa sa akin bakit hindi ka sa mga resto mo magpa-reserve?”
“Can you just make a reservation for two? Ang dami mo pang tinatanong.”
“Chill bro, nagsu-suggest lang naman ako. Totoo nga ang bali-balita na nain-love ka na Jordan. Who’s the unlucky girl?”
“Will you guys stop with the unlucky? Mamaya ipakulam ko kayo sa kaka-unlucky niyo.” Tumawa ito sa kabilang linya.
“It’s done. Ako ang magse-serve sa inyo mamaya. I want to meet your girl.”
My girl, huh? “Just don’t ruin my night at isusumbong kita kay Ameya. Sigurado akong papaluin ka nun sa pwet.”
“Like I said—”
“I know!” inunahan ko na siya. “Ikaw ang pumapalo sa pwet niya. Geez…ano ka ba sadista?”
“Gago! Syempre hindi nuh!”
“Tss…” I ended the call and Justine sends me a text message. ‘I’m not a sadist Villareal!’ at may kasama pang middle finger na emoticon.
*****
Katatapos ko lang ayusin iyong mga gamit ko at nagtitingin nang damit na isusuot ko mamaya sa date namin ni Jordan. I was busy looking myself at the mirror nang kumatok si Krysta.
“Pasok.”
“Girl! Ano bang mas maganda na kulay for my earrings? Iyong black o iyong pearl?”
“Krysta, ako pa talaga ang tinanong mo eh alam mo naman na hindi ako nagsusuot ng accessories. Isa pa kahit ano naman ang piliin mo bagay sa iyo.”
Umupo siya sa kama ko at nakita iyong mga damit ko na nakakalat. “Going on a date?”
I sighed. “Yes, and I can’t pick a dress.”
She smiles at me. “Nagdadalaga ka na Cez. I’m so happy for you. Here, let me help you. Since you are going on a date mas maganda kung magsusuot ka ng comfortable na damit but at the same time it says that you are conservative yet ravishing.” Inisa-isa niya iyong mga damit ko na nasa kama. Nang wala siyang makita na maganda ay pumunta siya sa kwarto niya para kumuha ng dress niya. When she came back, she showed me an ocean blue dress that is dark blue on the upper chest area, and the color becomes lighter as it goes at the lower part of the dress. It’s a drip-dry, décolleté, knee-length, with embroidered flowers on it.
“Wow! Ang ganda naman ng damit mo.” I touch the dress, and it’s so soft.
“I’m giving this to you kasi mas bagay siya sa iyo. Oras na sinuot mo ito baka mapanganga si Jordan kapag nakita ka. Ako na din bahala sa hair and make-up mo. I’ll make you more beautiful.”
“Thank you, Krysta.”
It’s almost seven at nakapalit na ako at finishing touches na lang ang ginagawa ni Krysta sa akin. She applied some pink lip gloss on my lips and only powder on my face kasi daw makinis naman daw ang kutis ko. For my hair, she tied it with a high ponytail and curled my hair para raw ma-emphasize iyong leeg ko. I wore an ankle-strap heels na two inches ang taas.
“Okay, isuot mo itong pearl na earring para tapos na.”
Pagkatapos ay pinatayo niya ako sa mirror, and I gasp. Halos hindi ko makilala iyong sarili ko.
“Krysta, I look—”
“Beautiful. A princess just like your name. Nae-excite ako girl! Gusto ko nang makita iyong reaction ni Jordan.” She squealed at yinakap ko siya. I smiled at the mirror, and I also can’t wait sa magiging reaction ni Jordan.