Chapter 20

1465 Words
Naka-ayos na kami, nag-suot ako ng isang payak na asul na bistida. Nilagyan ko ng sinturon para lumitaw ang kurba ng aking katawan. Nagsuot na rin ako ng hikaw at kwintas na bumigay sa aking suot na bistida. Pinarehasan ko naman iyon ng isang mataas na takong na kaya bahagyang tumaas ang aking height. Samantalang si Gerald naman ay nagsuot ng puting polo at itim na pantalon na binagayan niya ng itim na sapatos. Humarap kami sa salamin at kumuha muna ng litrato ng magkasama. “One, two, three, say cheese,” pabiro kong sambit. Sabay ng pag-flash ng cellphone ay ang pag-lagay niya ng kaniyang kamay sa aking baywang. “Hala! Baka ang pangit ng kuha natin,” bulalas ko. “Hindi,” nakangiti niyang sagot. Tinignan ko ang kuha namin, tama nga siya, sakto kasing pagpindot ko ay siyang paglagay niya ng kaniyang kamay sa akin kaya akala ko ay hindi maganda o malabo. “Akala ko malabo,” tugon ko. “I told ‘yah,” aniya. Inaaya na niya ako na lumabas kasabay ng pagtawag sa akin ni Alexa. “Teka, sagutin ko lang si Alexa,” wika ko. Huminto naman si Gerald at hinintay ako. “Papasok na kami sa basement parking ng hotel,” aniya. “Sige, pasakay na kami ng elavator,” sagot ko. “See you,” masayang wika niya. Binaba na niya ang tawag at naglakad na ako palapit kay Gerald na nakasandal sa pinto. “Anong sabi?” tanong niya. “Magpapark lang sila ng sasakyan,” sagot ko. Umayos naman ng pagkakatayo si Gerald at naging maginoo. “Shall we?” tanong niya. Ginawa niyang hugis triangulo ang kaniyang kanang kamay na nagpapahiwatig ng pag-aya niya sa akin. “Let’s go,” tugon ko. Inilagay ko ang aking kaliwang kamay papasok sa kaniyang braso. Binuksan niya ang pinto at naglakad na kami papunta sa elevator. Naghintay kami na umungat pataas ang elavator, mga dalawang minuto rin ang itinagal ng paghihintay namin. Habang nasa elavator kami ay nakatanggap ako ng text mula kay Alexa na nasa elavator na sila at paakyat sa 25th floor kung na saan ang restaurant ng hotel. “Mauuna pa ata sila sa atin,” sambit ko. “Hindi ‘yan,” wika ni Gerald. Mabuti na lamang at kami lang dalawa ang nasa elevator dahil sa paghimas-himas niya sa aking baywang at balakang. “Umayos ka may cctv,” wika ko. Ngumisi lang ito at ipinagpatuloy pa rin ang paghimas niya. “Loko ka talaga,” ani ko. Bumukas na ang elevator nasa restaurant na kami at kasabay ng pagbukas din ng katabing elavator ay ang paglabas nila Alexa at Jaeryll. “Alexa,” tawag ko. “Bessy!” sigaw niya. Niyakap ako ni Alexa. “Miss niyo isa’t isa,” singit ni Jaeryll. “Grabe ka talaga, Alexa,” turan ni Gerald. Tumingin ng masama si Alexa kay Gerald. “Mag dadalawang oras lang buhat ng huli nating pagkikita,” kwento ko. Natawa naman sila sa aking tinuran nang biglang magpakilala si Gerald kay Jaeryll. “Hello, I’m Gerald, Christine’s fianceé,” aniya. Inilahad nito ang kaniyang kamay sa harap ni Jaeryll. Ngumiti si Jaeryll at tinanggap ang pakikipag-kamay ni Gerald. “I’m Jaeryll Ignacio, Alexa’s suitor,” tugon niya. Binitawan na nila ang kamay ng isa’t isa. “Nice to meet you,” sambit ni Gerald. “Nice to meet you, too,” tugon ni Jaeryll. “Tara kain na tayo,” magiliw na sambit ni Alexa. Kaniya-kaniya na kaming kapit sa aming mga partner at naglakad. “Good evening,” bati ng waitress sa amin. “Good evening, table for four, please,” tugon ni Gerald. “Please follow me,” sambit ng waitress. Nauna nang maglakad ang waitress at dinala kami sa pwesto na kitang kita ang tanawin ng Manila Bay. “Ang ganda,” sambit ko. “Oo, ang ganda,” tugon ni Alexa. “Here’s your seats,” wika ng waitress. Umupo na kaming apat at tinignan ang kanilang menu. Umalis na ang waitress at naiwan kaming namimili ng kakainin. Inilapit ko ang mukha ko sa tainga ni Gerald at bumulong. “steak and salad sa akin,” sambit ko. Tumango lang ito at namili ng makakain niya. “Nakapili na ba kayo?” tanong ni Gerald. “Yeah, steak and salad lang sa akin, diet ako,” tugon ni Alexa. Habang si Jaeryll ay namimili pa. “Chicken wings,” usal niya. Nakatingin pa rin ito sa menu. Hindi niya ata napansin na napalakas na ang pagbabasa niya sa menu. “Okay, I will have chicken wings and beers,” nakangiti niyang banggit. Nakangisi naman si Gerald. “Beers, you say,” aniya. “Yeah, much better to paired with chicken,” tugon ni Jaeryll. “I’ll have it, too,” aniya, “I missed drinking beverages,” dagdag niya. Tinawag na ni Gerald ang waiter at sinabi ang mga order namin. “We’ll have two steaks and two salads for our girls,” aniya. Sinusulat naman ng waiter ang aming order. “And?” tanong ng waiter. “Two servings of chicken wings and beers,” dagdag niya. “I will repeat your orders, Sir,” sambit ng waiter, “Two steaks, two salads, and two servings of chicken wimgs with beers,” dagdag niya. “Thank you,” sambit ni Gerald. Umalis na ang waiter at nagkwentuhan muna kami. “I like you,” sambit ni Gerald, “better than Alexa,” dagdag niya. Mukhang inaasar na naman ni Gerald si Alexa. Bago pa sumagot si Jaeryll ay sumabat na agad si Alexa at gumanti. “I like Jaeryll, too,” sagot ni Alexa, “he’s way better than you,” dugtong niya. Natawa naman kami ni Jaeryll. “Lagi ba kayong nag-aasaran?” tanong ni Jaeryll. “Si Gerald lang naman ang mahilig mang-asar,” kwento ni Alexa. “Naasar ka naman?” wika ni Gerald. Ngumiti si Alexa at sumagot. “No, behave ako,” aniya. “Behave ‘yan dahil may kasama tayo,” gatong ko. “Tama, may kasama kasi siya,” sang-ayon ni Gerald. Natawa naman si Jaeryll. “Kawawa naman ang Alexa ko,” aniya. Namula naman si Alexa sa tinuran ni Jaeryll. “Alexa ko,” sambit ni Gerald Animo’y ginagaya ni Gerald ang pag-bigkas ni Jaeryll sa kataga na iyon. “Stop it, Gerald,” suway ni Alexa. “Okay, okay,” aniya, “pero behave ka talaga,” dugtong niya. Nagtawanan naman kami. “Ewan ko sa iyo,” inis na sambit ni Alexa. “Okay lang iyan, nandito naman ako,” turan ni Jaeryll. Mas lalong namula si Alexa. Akala mo ay nasa high school na unang beses nasabihan ng gano’n na mga kataga. “Ang sweet,” usal ko. “Syempre, para mas lalong mahulog sa akin si Alexa,” sagot ni Jaeryll “Sa akin, iba ang pamamaraan ko,” giit ni Gerald. Napatingin ako sa kaniya at binigyan ko siya ng ‘ano iyon?’ na mukha. Ngumisi lang ito at nagtanong kung gusto ba namin malaman. Sumagot naman si Jaeryll at nais malaman ang sagot. Samantalang, natawa naman si Alexa. “Anong klaseng pamamaraan ba iyan?” tanong ni Jaeryll. “Simple lang, s*x,” diretso niyang sagot. Namula ako sa hiya, si Alexa naman ay mas lalong natawa. Siniko ko si Gerald at binigyan ko ng mataray at medyo inis na mukha. “Seryoso?” usisa ni Jaeryll. Tumawa si Gerald at sumagot. “Biro lang, syempre gaya lang din ako ng iba,” aniya, “laging ipagtatanggol ang babaeng gusto,” dagdag niya. Bumuntong hininga ako, sinamaan ko pa rin ng tingin si Gerald. “Langya ka, nakakahiya iyon,” sambit ko. Tumawa lang siya at sumagot. “Biro lang naman iyon,” aniya. Maya-maya pa ay dumating na ang dalawang waiter at inilapag na sa aming hapag ang mga pagkain. “Here’s your orders,” wika ng isang waiter. “Enjoy your dinner,” dugtong ng isa pa. Paalis na sana ang mga waiter nang mag-request ng wine si Gerald. “Excuse me, wait,” aniya. “Yes, Sir?” tanong ng waiter. “Sorry, I forgot to order a bottle of wine,” aniya, “can you please give us that,” dagdag niya. “Okay, Sir,” tugon ng waiter. Umalis na ang waiter. Nag-umpisa na kaming kainin ang mga inorder namin. Ilang sandali pa ay bumalik ang waiter na may dalang bote ng wine at mga baso. “Thank you,” wika ni Gerald “Welcome, enjoy your night,” sambit ng waiter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD