CANDY SERAPINA
HALOS takbuhin ko ang pagpasok sa resorts para ma-report ang lalaking nambastos sa akin kanina sa batuhan.
Hindi ko mapapalampas ang ginawa niyang pambabastos sa akin.
Bakit ba kasi may mga ganoong tao sa resort na ito? Paano ba siya nakapasok rito kung wala naman siyang pera pambayad ng hotel.
Nang makapasok ay kaagad kong pinuntahan ang receptionist.
"Yes, ma'am! Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?" tanong nito sa akin.
Napatitig pa ito sa akin ng matagal. Nakalimutan kong naka-balandra ang aking mukha. Tinanggal ko kasi ang takip dahil sa sobrang init. Para akong pinapakuluan sa suot kong scarf at pinagpapawisan na rin ako. Hindi lang mukha ko ang pinagpapawisan kundi maging aking kili-kili.
Wala akong magagawa kundi ang ibalik ulit sa pagtaklob sa aking mukha ang scarf. Mukha kasing kinikilala ako ng receptionist na ito.
Hindi puwedeng makilala nila ako. Hindi ako mag-eenjoy dito kapag nagkataon.
"Ahmm!" tikhim ko.
"Ma'am, meron po bang problema?" sa wakas, iniwas niya rin ang kaniyang tingin.
"Kanina kasi while I was on the beach, may isang lalaking bastos at nakikipag-s*x pa sa batuhan. Hindi sana ako magrereklamo kung hindi niya ako binastos. Pero binastos niya ako at bilang guest niyo dito. I have the right to complain. Paano kung marami pa siyang guest na mababastos?" reklamo ko sa receptionist na kaharap ko.
Lumalakas na rin ang boses ko. Wala akong pakialam kung sa akin na nakatingin ang ibang mga guest na dumadaan sa harapan namin.
Basta't gusto kong magreklamo at walang makakapigil sa akin. Gusto kong mapaalis na kaagad ang bastos na lalaking 'yon.
"Excuse me, Ma'am. Sorry about that pero nakikilala niyo po ba ang lalaking iyon? Pwede niyo ba e-describe ang taong 'yon? Para ngayon din po ay mapaalis na namin."
Mabuti naman at may actions kaagad sila.
"Ahmm..." napaisip naman ako. Paano ko nga ba e-describe ang lalaking 'yon.
"Ahm...matangkad, m-maputi, medyo chinito at may hitsura." describe ko.
"Pero aanhin mo naman ang gwapo niyang mukha kung bastos naman' di ba?" dagdag ko pa.
Sa totoo lang sobrang gwapo niya para makipag-s*x lang sa batuhan. Mukhang perfect ang taong 'yon sa pag-describe ko sa kaniya. Perfect na perfect sa mga babaeng mahilig sa gwapo.
Hindi ko inaasahang mapangiti ang receptionist pagkatapos kong mag-describe.
Anong nakakatawa? Bakit siya nakangiti? May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Miss, may nakakatawa ba sa sinabi ko?" masungit na tanong ko.
"Wala naman po, ma'am. Pero kasi sa klase ng pag-describe mo, lahat ng iyon ay kuhang-kuha sa katangian ng may-ari ng resort na ito. Pasensya na ma'am pero mukhang yung may-ari po yata ng resort na ito ang nakita niyo." mukhang kinikilig pa na sabi nito.
Kumunot naman kaagad ang noo ko sa sinabi niya.
"Kung gano'n dapat isarado niyo na ang resort na ito. Sarili niyang guest binabastos niya. Nasaan ba siya at kakausapin ko!" Mas lalo pang lumakas ang boses ko.
Wala talaga akong pakialam kung nakaka-eskandalo na ako rito. Ang gusto ko, gusto kong managot ang lalaking 'yon sa ginawa niyang pambabastos sa akin.
"Ma'am, huminahon po kayo." saway ng receptionist sa akin.
"Hindi ako matatahimik dito hangga't hindi ko nakakausap ang boss mo or ang may-ari ng resort na ito!" sigaw ko.
Halos magkandaugaga naman ang receptionist sa pagsaway sa akin.
"Ma'am, huminahon po kayo, Ma'am. Si boss po ay umuwi na at may emergency raw po sa kanila. Kaya wala din pong saysay ang pagsisigaw niyo dahil hindi rin po kayo maririnig at makakausap ni boss." paliwanag ng receptionist.
Ano? At nakauwi na pala ang bastos na iyon. Hindi pa kami tapos. Hindi ko mapapalampas ang ginawa niya.
Magsasalita pa sana ako nang mag-ring ang phone ko mula sa bulsa ng shorts na suot ko.
It's mom.
Minsan lang tumawag sa akin si mom. Palaging si Dad ang tumatawag sa akin kaya nakapagtataka naman.
"Yes, mom." sagot ko. Lumabas muna ako ng hotel para sagutin ang tawag ni mommy.
"Candy, " malungkot na sagot ni mom sa kabilang linya.
"What's wrong, mom?" pag-aalala ko.
Si mom lang kasi ang tanging kakampi ko sa mansion. Si mom lang din ang tutol sa kasal na gusto ni Dad para sa akin.
"Umuwi ka na, may emergency na nangyari sa dad mo, nasa hospital at gusto ka niyang makita." mom said.
Si Daddy? Nasa hospital? Anong nangyari sa kaniya?
Bigla akong kinabahan.
"A-anong nangyari kay Dad?" kinakabahan na tanong ko kay mom.
"Umuwi ka na dito para malaman mo."
"Ano po ba nangyari kay dad? Sabihin niyo na po sakin ngayon, mom." Kinakabahan na talaga ako.
Narinig ko ang buntong hininga na pinakawalan ni mommy mula sa kabilang linya.
"Umuwi ka na, Candy. Dito ko na sasabihin sa 'yo. Mas mabuti ng nandito ka at para makita mo. " malungkot na sagot ni mom. Ramdam ko ang tamlay ng kaniyang boses.
"S-sige po, Uuwi na po ako, mom. Uuwi na ako ngayon din." nagmadali akong kumilos. Kinakabahan ako.
"Mag-iingat ka." pahabol nito.
Nagmamadaling ibinaba ko ang aking phone pagkatapos kong ni-end ang call.
Halos liparin ko na nga ang pagbalik ko sa aking room para ayusin ang mga kaunting gamit na dala ko.
Ngayon lang ako kinabahan ng sobra. Kahit naman hindi ko sinusunod si Dad. I'm still worried about him.
Nakalimutan ko na nga na nagtatago ako sa mga tao kaya paglabas ko ng hotel, walang takip ang aking mukha.
Hindi ko na pinansin pa ang mga bulong-bulongan na narinig ko nang mapadaan ako sa nagkukumpulan na grupo ng mga kababaihan na katulad ko.
Hindi ko papansinin ang mga walang kwenta nilang panghuhusga sa akin.
Alam ko sa sarili kong walang nangyari sa amin ng EX ko. Palabas lang nito ang lahat.
Habang nasa byahe ako hindi ako mapakali. Anong sakit ni Dad at nasa hospital siya ngayon? Anong nangyari sa kaniya? Napakalakas pa niya para ma-hospital na lang bigla. Dahil ba sa akin kaya siya nagkasakit?
Ano pa nga ba, Candy? Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit stress silang lahat.
Napabuntong hininga ako habang nakatanaw sa bintana ng bus.
Nang makarating sa bahay, laking gulat ko na lang nang makitang maraming tao sa mansion.
Anong meron?
Akala ko ba nasa hospital si Dad? Pero bakit mukhang nagkakasiyahan pa sila?
Tuloy-tuloy akong pumasok at doon ko nakita si Dad masaya at nakangiting nakikipag-usap sa kaniyang mga kaibigan at ka-sosyo.
No! This can't be!
Don't tell me it's all just a show and mom lied to me?
Huli na para tumalikod dahil nakita na nila ako. Kumaway si Daddy sa akin gamit ang kamay nitong may hawak na wine.
Anong palabas 'to?
Hinintay kong makalapit sa akin si Dad.
They lied to me. Niloko lang nila ako para mapauwi nila ako. Pinalabas nilang nasa hospital si Dad. Maging si Mommy niloko niya rin ako. Akala ko p naman siya itong kakampi ko. Akala ko ba ayaw niya akong maikasal sa lalaking gustong ipakasal ni Dad sa 'kin? Bakit ngayon, siya pa ang nagsinungaling sa akin? I hate you, mom.
"Candy!" Nakangiting lumapit sa akin si Dad.
Ako naman ay nanatili na lang nakatayo. Wala na akong takas pa. Now, I know, maging si mom nagawa na rin utusan ni Dad na magsinungaling.
I know now that all is planned.
Gusto pa rin nila akong ipakasal sa lalaking hindi ko naman gusto at hindi ko pa nakikita. Gusto ba nilang maging miserable ang buhay ko sa lalaking ipapakasal nila sa akin?
"Alam kong pupunta ka. I'm sorry, Hija. Kailangan pa namin magsinungaling para lang umuwi ka." salubong sa akin ni Daddy.
"Nagsinungaling kayo sa akin Dad para lang sa mga plano niyo. Hindi na rin ako magtataka kung makikita ko ngayon ang lalaking ipapakasal niyo sa akin. Matanda ba? Panot? Pangit? Kaya walang pumapatol sa kaniya? Kayo ang sumisira sa buhay ko Dad. Hindi yung pekeng scandal ko na kumakalat ngayon." Inis na inis na sabi ko sa kaniya.
Tutol na tutol ako sa kasal na gusto nilang mangyari. Pero paano na ako ngayon makawala kung nahuli na nila ako? Hindi na ako makakatakas pa dahil sigurado akong marami ng bantay ang paligid ng mansion. Kilala ko si Daddy, matalino siya pagdating sa ganitong bagay.