"Candy..." mula sa labas ng pintuan ng aking kwarto ay boses ni Mommy ang naririnig ko. Sunod-sunod niyang tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko sinasagot. Hanggang ngayon, nagtatampo pa rin ako sa kaniya.
Galit ako sa kanilang dalawa ni Dad.
"Anak, please, buksan mo yung pinto. Magpaliwanag ako. Magpapaliwanag ako kung bakit ko nagawang magsinungaling sa 'yo at pumayag ako sa gusto ng Daddy mo."
Hindi pa rin ako sumagot. Hindi nagsalita. Wala siyang makukuhang sagot mula sa akin.
"Anak, pumayag ako sa kagustuhan ng Daddy mo na maikasal ka dahil ayaw kong maging miserable ang buhay mo dahil pinagpipyestahan ka ng mga media." paliwanag niya. Hindi ako sumasagot pero nakikinig ako.
"Please... I'm sorry..."
Hay! Ano ba 'yan? Matitiis ko ba si Mommy?
Wala rin akong choice kundi ang tahakin ang pintuan para pagbuksan ito.
Nang mapagbuksan ko ay kaagad akong humingi ng pasensya. "I' m sorry, Mom."
Niyakap niya kaagad ako. "Akala ko hindi mo na ako mapapatawad."
"Matitiis ko ba kayo?"
Naging mahigpit ang yakapan namin dalawa. Pinapasok ko siya sa loob ng kwarto ko. Handa na akong magpakasal sa kung sino man na pinokyo ang lalaking pakakasalan ko. Tatanggapin ko na lang kapalaran ko kung sinong matandag mayaman ito.
"Talaga? Magpapakasal ka na?" halos hindi makapaniwalang sambit ni Mommy.
Tumango-tango naman ako.
"Sasabihin ko sa Daddy mo ito." masayang napatayo si Mommy mula sa pagkakaupo sa kama.
Huminga akong malalim. "Kailan po ba ang kasal?" tanong ko naman. Parang kinakabahan ako.
"Napag-usapan na namin ng Daddy mo ito at sa lalong madaling panahon daw ay magpapakasal na kayo ng lalaking gustong ipakasal ng Daddy mo para matigil na ang mga media sa pagpapakalat ng mga pictures mo kasama ang EX mo."
Siguro kailangan ko na lang tanggapin na ikakasal na ako. Iyon na talaga ang kapalaran ko, ang magpakasal sa taong hindi ko gusto.
Nilisan ni Mommy ang kwarto ko na malapad ang mga ngiti.
Naglakad ulit ako palapit sa pintuan para i-lock ito ngunit hindi ko pa man napihit ang doorknob ay may pumihit na no'n. Ang guess who?
Ang mga kapatid ko.
"Totoo ba Ate? Magpapakasal ka na?" kaagad na bungad sa akin ni Kayden.
Oh, God nandito na naman sila. Parang mga surot sa sobrang kakulitan. Bakit ba 'ko nagkaroon ng kapatid na ganito kung makapag-ingay. Take note ha, hindi lang isa kundi tatlo pa.
"Dalaga na nga ang Ate natin!" asar pa ni Kaden.
"Lumayas na nga kayong tatlo sa kwarto ko. Nandito lang ba kayo para asarin ako?"
"No, Ate, we' re here to congratulate you." sagot naman ni Karter.
Umuusok na yata ilong ko sa tatlong bubwit na ito. Well, mga binata na ang mga ito pero kung makapang-asar ay parang mga bubwit na hindi matapos-tapos ang pagkibot ng mga bibig.
"Lumayas kayong tatlo sa kwarto ko! Now na!" Turo ko sa pintuan na nakaawang.
Tatawa-tawang nagsilabasan ang mga ito. Sumasakit talaga ulo ko sa tatlong iyon. Himala pa at nagkasundo silang tatlo ngayon. Nagkasundo lang silang tatlo para asarin ako.
Grr!
KINAUMAGAHAN...
Maingay na sa paligid ng kwarto ko ng magising ako.
Bakit? Anong meron? Iminulat ko ang aking isang mata para silipin kung anong ingay ang naririnig ko. Napabalikwas kaagad ako ng bangon nang makitang may tatlong babae sa loob ng kwarto ko.
"T-teka, sino kayo? Paano kayo nakapasok sa kwarto ko."
"Ma'am, pasensya na po. Kami po yung inutusan ng Daddy niyo na sukatan kayo para sa wedding gown niyo."
"Ano?"
Ngayon ko lang na-realized ang lahat. Ikakasal na nga pala ako. Sa lahat ng babaeng ikakasal. Ako lang yata itong hindi excited.
Lumipas pa ang ilang araw at linggo. Ang nakatakdang araw ng kasal ko ay dumating na.
Lumipas na lang ng isang linggo ay hindi pa rin nagpapakita sakin ang lalaking pakakasalan ko.
Sa family oriented kasi na naganap ay hindi nakadalo ang families ng lalaking pakakasalan ko. Kaya hindi ko nakita ang mukha ng lalaking lakakasalan ko. Ibig sabihin lang nito nahihiya siyang ipakita ang kaniyang mukha dahil sobrang pangit niya siguro. Kaya siguro pinakiusapan na lang niyang huwag na dumalo ang mga magulang niya.
Pumayag akong matuloy ang kasal ngunit hindi sa simbahan kundi sa isang judge.
Pumayag na rin naman si Daddy sa kapalit na hiningi ko. Meron lang daw silang maipakitang litrato sa media na kasal na ako ay ayos na. Pero puwede naman gawing fake ang litrato pero bakit hindi nila ginawa? Madali lang sa kanilang gawin 'yon dahil marami silang pera. My Dad is a billionaire pero bakit kailangan pang totohanin ang kasal?
Kasama ko si Mommy sa loob ng sasakyan. Papunta na kami ngayon kung saan gaganapin ang kasal. Simpleng gown lang ang suot ko. Hindi ko pinaghandaan ang kasal na 'to. Sa totoo lang, tutol na tutol ako.
"Ayos ka lang ba?" pinisil ni Mom ang aking kamay.
Tumango-tango na lang ako.
Nang makarating kami ay mas lalo akong kinabahan. Halo-halo ang aking nararamdaman. Feeling ko, katapusan na ng kaligayahan ko. Paano nga kung matanda itong pakakasalan ko? Paano na buhay ko? Magtitiis ako ng ilang taon sa matandang ito.
Pagdating namin sa judge chamber. Halos ayaw kong tumingin sa taong naroon. Unang-una kong nakita ang lalaking kasing-edad ni Daddy. Oh, God! Huwag mo sabihing siya ang pakakasalan ko?
Gwapo siya at kahit medyo may edad na ay may appeal pa rin naman. Pero bakit kailangang ipakasal pa ako ni Daddy sa taong 'to?
Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan ito.
"Ikaw ba ang pakakasalan ko? Kung ikaw huwag na natin tagalan' to. Mas mabuti ng matapos." sabi ko sa kaniya. Napaawang ang labi niya at lumingon sa kinaroroonan ni Daddy.
Parang hindi pa niya alam na ikakasal siya sakin.
Lumapit naman sakin si Daddy para sawayin ako.
"Hija nagkakamali ka. Hindi ako ang —"
"Sorry, I'm late..." isang baritonong boses ang narinig ko mula sa aking likuran.
Natigilan ako at nagpalipat-lipat ang aking paningin kay Daddy at sa taong kaharap ko bago ko nilingon ang pinanggalingan ng baritonong boses.
"Let's start the wedding." dagdag pa ng lalaking kararating lang.
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang lalaking ito. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang lalaking nambastos sa akin sa beach. Ang lalaking nahuli kong makipag-s*x. Hindi ko akalaing sa lalaking ito ako magpapakasal.
Nag-ayos pa ito ng suit sa aming harapan. Kung hindi ako nagkakamali, katatapos lang nito sa bakbakan bago pumunta rito. May mga lipstick pa na nagkalat sa kaniyang labi.
Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Hindi ako nakapagsalita dahil hindi pa rin ako makapaniwalang siya ang pakakasalan ko. Pinagkamalan ko pa kanina ang lalaking kasing edad ni Daddy.
Mas mabuti na lang sigurong magpakasal sa isang matanda kaysa magpakasal sa bastos na lalaking ito.
"What are you looking at? Masyado ka bang naguwapuhan sa magiging asawa mo?" ngumiti ito ng nakakaloko.
Sinamaan ko kaagad ito ng tingin. "Puwede ba? Bago ka dapat pumunta rito pinunasan mo man lang 'yang nakakadiri mong labi. Hindi mo ba nakikita? May mga lipstick pa' yang gilid ng labi mo. Nakakadiri ka!" nanggigil na bulong ko sa kaniya.
He chuckled.
"Bakit pa? Magkakaroon pa rin naman ng lipstick ang labi ko dahil hahalikan mo ako 'di ba? Hindi ko akalaing mas maganda ang babaeng nasa imagination ko kaysa sa babaeng pakakasalan ko ngayon."
"Ano?" inis na sambit ko. Bago pa yata kami magpapakasal rito ay magkakasabunutan muna. "Baka nakakalimutan mo? Binastos mo 'ko." inis na bulong ko sa kaniya.
Ngumiti lang ito. "Sa dami ng babaeng naikama ko. Wala akong natatandaang binastos ko. Kusa silang bumigay. Kung gusto mo huwag na tayong magpakasal... let' s go straight to our honeymoon, babe. Kahit na hindi kita type puwede ka na rin naman pagtiyagaan." bulong niya at inilapit pa ang mukha nito sa aking tenga.
Mas lalong kumulo ang dugo ko. Bakit sa dinami-raming lalaki dito sa mundo? Bakit ang lalaki pa na ito? Hindi ko na itutuloy ang pagpapakasal na ito.
" Huwag na huwag mo 'kong matatawag na babe! Hindi kita boyfriend!" turo ko sa kaniyang pagmumukha. Napalingon kami pareho sa mga taong nakatingin sa amin.
Lahat siguro sila ay naguguluhan dahil sa pagbabangayan namin sa harapan mismo ng judge.