KINABUKASAN Maaga siyang nagising, napangiti siya ng masilayan ang mahimbing pa ring pagtulog ni Marilag. Gaya ng dati, dahan-dahan niyang inalis ang kanyang braso na nauunanan ng ulo nito. Dahan- dahan para hindi ito magising. Naupo muna siya sa higaan nila, nag iisip kung saan nanaman siya kukuha ng makakain nilang dalawa, napabuntunghininga na lamang siya dahil sa totoo lang hindi na niya alam kung saan pa siya kukuha. Pero wala naman siyang choice kundi ang maghanap, kung kinakailangang halughugin niya ang kagubatang iyon gagawin niya wag lang magutom si Marilag. Kaya naman tumayo na siya, nagtungo siya sa bukal at naghilamos at nagmumog doon. Minabuti niyang dagdagan ng kahoy ang may apoy pa rin na kanilang pugon at muling isinalang doon ang saging na kakainin sana nila kagabi iyon