Panay ang tingin ni Arlott sa araw dahil doon siya bumabase kung kailangan na niyang umuwi. Sa tingin niya ay hindi pa naman dahil matingkad pa naman ang araw kaya lang kaninang kanina pa siya nagpapalibot sa kakahuyan pero wala talaga siyang mahanap na kahit na anong maaaring makain. Tagaktak na ang pawis niya baka nga maaari nang mapiga ang pawis sa kaniyang damit dahil sa init ng araw at pagod pero bigo pa rin siyang makahanap ng makakain. Ayaw naman niyang sumuko, hindi pwede umuwi siya ng walang dalang pagkain kaya kahit pagod na pagod na siya kakalakad ay sige pa rin siya. Minabuti niyang halughugin pa ang lugar at magpa- ikot ikot pa siya sa parteng iyon ng kabundukan pero wala talaga siyang makuha kahit na prutas man lang. Hanggang sa mapansin niya na parang papalubog na ang ara