Sa paglipas ng mga taon, natuto na ring magtanim ng mga gulay at mga halaman na mapapakinabangan nila ang dalawa. Sa gilid ng sapa na may malawak na lupa ang ginawa nilang taniman. Sobrang laking tulong ng mga pananim na natuklasan ni Arlott sa kuta ng mga bandido. Wala siyang alam sa pagtatanim pero minabuti niyang pag aralan lahat iyon at sa awa ni Lord natutunan niya lahat. Maging kamote ay naitanim na rin niya at talagang napapakinabangan n anila iyon. At simula noon hindi na sila nawalan pa ng mga pananim. Wala man silang kanin may kamote naman, mga gulay, mga prutas at isda silang naging pantawid gutom. Natuto na rin silang iba pang pwedeng kainin, katulad ng shell sa sapa na napakasarap palang kainin. Mga hipon tabang at kempe isang uri ng alimasag na mahuhuli lamang sa matabang