Agad siyang napaatras ng makita ang mga lalaking paparating mabuti na lamang at hindi siya napansin ng mga ito nakakatakot ang itsura ng mga lalaki. Mahaba ang buhok, nakabahag lamang ang mga ito walang suot na damit. May mga naka pintura sa mukha at may hikaw ang mga ito na malalaki at ang kwintas ay tila ngipin ng mga mababangis na hayop. Ang tapang din ng mga mukha ng mga kalalakihan kaya lalo siyang natakot dahil parang mas mabangis pa ang itsura ng mga ito kaysa sa mga bandido na bumihag sa kanila. Mukhang papasok ang mga ito sa dalawang kubo kaya naman nagmadali siya mabuti na lamang ang kubo ay tila may silong at sa silong na iyon ay maaari siyang lumusot doon patungo naman sa kabilang panig na patungo sa may likuran ng kubo na may kakahuyan. Bigla niyang naisip ang mga pagkain,