"Taas ang mga kamay! Huwag kayong magtangkang lumaban kung ayaw niyong pasabugin ko ang mga bungo ninyo!" galit na sigaw ng pinuno ng mga bandido.
"Maawa na po kayo Sir, wala po kaming kasalanan sa inyo. Bakit n'yo ba kami ginaganito?!" umiiyak na pakiusap ng ginang na noon ay nakataas ang dalawang kamay dahil nakatutok dito ang baril ng isa sa mga tauhan ng lalaking nagsasalita.
"Boss ano bang kasalanan namin, bakit kami ay ginagambala ninyo nagbabakasyon lamang kami dito sa resort, at nagtungo lang kami dito sa camping site. Kaya kung naistorbo namin kayo, patawad. Aalis na lamang po kami," magalang naman na wika ng lalaking kahit na kinakabahan ay pinapanatili pa rin na maging mahinahon.
Ito ang mag-asawang Ortiz. Nagbabakasyon sila sa isang sikat na resort sa Bukidnon kasama ang nag-iisang anak nila na si Arlott. Nasa camping site sila ng resort na iyon nang bigla na lamang silang tambangan ng mga armadong kalalakihang ito nasa mahigit sampu ang mga ito. Nakakatakot ang mga itsura animo hindi pahuhuli ng buhay.
"Mommy, daddy natatakot po ako." naiiyak na wika ni Arlott at sabay siksik sa mga magulang na bagamat natatakot din ay pinipilit na hindi ipahalata. Ayaw ng mga itong makaramdam din ng takot ng kanilang anak.
"Anak, be strong 'di ba sinabi ko sayo na dapat strong ka dahil lalaki ka?" Seryosong wika dito ni Mr. Ortiz, sinasanay kasi niyang maging matatag at indipendent ang anak para sa mga hindi inaasahang insidente.
Inilibot ni Mister Ortiz ang kaniyang paningin dahil hinahanap niya ang tour guide nila, bigla itong nawala at kasunod niyon ay tinambangan na sila ng mga bandidong ito.
"Wala nang tanong-tanong, kailangan namin makasiguro na mapapakinabangan namin kayong tatlo!" galit na singhal ng leader kay Mister Ortiz.
Sinunggaban ng dalawang lalaki si Mister Ortiz at maging ang misis nito tinalian ang mga kamay nila. At maging ang kawawang bata na Arlotte ay tinalian din ang kamay, tsaka walang babalang tinulak ang mga ito at sinabing maglakad na. Walang nagawa ang mag-asawa kundi ang sumunod na lang. Si Arlotte naman ay iyak ng iyak at ayaw tumikal sa kaniyang Mommy, kaya binuhat na ito ng isang lalaki. At nagpatuloy na sila sa paglalakad, nakasunod sila sa leader ng grupo.
Ngunit hindi pa sila nakakalayo sa lugar na iyon ay nasalubong nila ang isang lalaki at babae at may kasama itong batang babae na sa tingin niya ay mag anak ang mga ito na katulad nila ay bakasyonista din sa resort at nagtungo sa camping site na iyon. Ngunit malas lang ng mga ito dahil mukhang madadamay pa.
"Taas ang kamay! Tangina kapag sinuswerte ka nga naman mukhang paldo tayo ngayon mga tropa. Mukhang dalawang pamilya ang mabibihag natin at mukhang mayaman din ang mga ito!" nakangising turan ng pinuno sa mga bagong dating.
Nahihintakutan naman ang mag-asawa na niyakap ang anak na noon ay umiiyak na ang batang paslit.
"Huwag po Sir, maawa na po kayo hayaan ninyo na lang po kami makalampas. Hindi naman po kami magsusumbong eh parang awa ninyo na po," umiiyak na pakiusap ng babae habang karga-karga nito ang anak.
"Sir hayaan nyo na lamang po kami maawa na kayo. Pababa na rin naman po kami ng bundok eh kaya, hayaan niyo na lamang po sana kaming makababa. Wala naman po kaming pagsasabihan tsaka hindi naman po namin kayo kilala," pakiusap naman ng asawa nitong lalaki.
"Pasensyahan na lang tayo Boss nakita na ninyo ang mukha namin kaya hindi na namin kayo pwedeng pakawalan. Pero maaari namin kayong maging bihag at handa ihanda nyo na lang ang ransom money, kung nais ninyong makauwi ng buhay sa inyo!" wika ng leader ng grupo na tumawa pa ng tila sa demonyo, na animo nang-aasar pa.
"Diyos ko m-maawa na po kayo wala po kaming pera pantubos hindi po kami mayaman Sir, hayaan ninyo na lang po kami makaalis." umiiyak na wika ulit ng Ginang.
"Ano pang hinihintay niyo talian na ninyo rin ang mga iyan at ng makaalis na tayo dito! Mamaya maabutan pa tayo ng mga pulis, kailangan pa nating makaakyat sa tuktok ng bundok na iyon para masiguro nating ligtas tayo." galit na wika naman ng leader, tumalima naman ang mga kasamahan nito, tinalian na rin ang ginang na walamg tigil sa pag-iyak.
Iyak ng iyak ang batang paslit. Nakiusap naman ang ama ng batang babae na huwag na itong talian, hindi naman ito tatakas. Kakargahin na lamang daw nito ang anak, pinahintulutan naman ito ng leader dahil ayaw dumulog ng bata sa kahit na kaninong kasamahan nito.
Nang matapos ang mga ito ay nagpatuloy na sila sa paglalakad. Matinding takot at pangamba ang nararamdaman ng anim na bihag. Ngunit wala silang magawa kundi ang sumunod na lamang sa nais ng mga bandido. Sa takot nila na patayin sila nito gaya ng banta ng mga ito na maaari naman daw na kuhanin na lamang ang ransom money pero papatayin din sila.
Sobrang matarik ang daan na kanilang tinatahak, madulas at ilang beses na nga silang nadapa at nadulas. Hindi nila alam kung saan sila patungo pero sumusunod lamang sila sa grupo. Ilang oras din sila sa paglalakad hanggang sa mag-anunsyo ang leader na malapit nang gumabi, kaya naman sinabi na ng pinuno na manatili na sila sa lugar na iyon.
Hirap na hirap ang dalawang pamilyang bihag, pagod na pagod sila pero wala silang pagpipilian kundi ang magpatuloy mabuti na lamang at naisipan ng mga halang ang kaluluwa na itong magpahinga sila.
Walang tubig at ni walang makain kaya lalo silang nanghihina sa ilang oras ba naman na paglalakad nila ay talagang kahit sino ay manghihina.
"Anong ginagawa ninyo sa lugar na iyon? Bakit kayo nandoon nadamay tuloy kayo?" tanong ni Misis Ortiz sa ginang na noon ay karga-karga ang anak.
"N-Nagbakasyon lang naman kami misis pero hindi ko naman akalain na ganito ang mangyayari. First-time ng pamilya namin na makaranas ng ganitong bakasyon dahil kakauwi nga lang nitong asawa ko galing abroad. Biglaan lamang ang gayak na ito, kaya agad- agad ay natuloy na. Pero hindi ko akalain na ganito ang mangyayari kung alam ko lang sana hindi na lamang kami tumuloy," umiiyak na sagot nito sa kanya.
"Ako nga pala si Ellen, wag ka ng umiyak ng umiyak dahil baka magalit lalo ang leader ng grupo na yan. Dapat tatagan natin ang ating loob para sa ating mga anak. Malay mo magkaroon tayo ng pagkakataon na makatakas kaya lakasan mo ang loob mo ha, huwag ka nang umiyak ng umiyak. Ano bang pangalan mo?" kausap ni Ellen sa babae. Hindi kasi tumitigil sa pag-iyak ito. Dapat na maging kalmado lang sila kung kanina umiiyak siya ay minabuti niyang pakalmahin ang sarili. Kailangan nilang makagawa ng paraan para makatakas, kaya dapat kalmado lang sila.
Duda kasi siya sa grupo kung makukuha ng mga ito ang ransom money, siguradong papatayin din sila ng mga ito dahil sa tingin niya ay halang ang kaluluwa ng mga demonyo parang sanay na sanay na ang mga ito sa gawaing iyon.
Nahihintakutan pa siya dahil ang sama-sama ng tingin ng isang tauhan ng mga ito sa kanya kanina pa sa babaeng kausap niya ay gano'n din. Kaya kinakatakot niya na baka may gawing masama sa kanilang dalawa.
"Ako si Nelly at ito naman si Ronald asawa ko at ito naman si Marilag ang nag-iisa naming anak." pagpapakilala nito sa asawa.
"Aahh, Ako naman si Ellen at itong asawa ko ang pangalan ay Ariel at itong anak ko naman ay si Arlott, 7 years old at nag-iisa din naming anak. Nagbabakasyon lamang kami dito sa resort na malapit sa camping site kaya lang nawala iyong tour guide namin at eto na nga bigla kaming tinambangan ng mga kalalakihan na yan." wika niya sa babae na nagpakilalang Nelly.
"Kami doon sa kabilang resort iyong malapit sa may dagat pero hindi naman kami talaga dito pupunta. Naligaw lang kami kaya dito kami napapunta at dahil may daan na akala namin doon talaga iyong daan pabalik sa pinanggalingan namin. Hindi naman namin akalain na masasalubong namin ang mga bandido na yan. Natakot ako para sa buhay natin dahil tingnan mo naman ang mga baril nila atsaka ang mga itsura nila parang hindi tayo bubuhayin." nahihintakutang wika ni Nelly.
"Kaya nga sinasabi ko sayo na tumigil ka na s apag-iyak kasi baka mainis sila. Lalo silang magalit tapos makagawa sila ng hindi maganda lalo na't kanina ko pa nakikita iyong dalawang lalaki na masama ang tingin sa ating dalawa. Kaya dapat talaga tatagan natin ang loob natin, kailangan nating makatakas dito para sa ating mga anak." mahinang wika niya dito mabuti na lamang at medyo malayo sa kinaroroonan nila ang grupo kaya hindi naririnig ng mga ito ang usapan nila.
"Pasensya na sa sobrang takot ko lang. Sana makagawa tayo ng paraan para makatakas, mabuti kayo siguro mayaman kayo may ibibigay kayong ransom money eh kami. Wala kaming kakayahan dahil nag-abroad lang ang asawa ko kaya nga kami nakapag bakasyon. Pero hindi namin kayang magbayad ng ransom money na hihingi nila," wika muli ni Nelly sa kanya.
"Kahit makapagbigay tayo ng ransom money duda ako sa sinasabi nola na pakakawlaan tayo. Kaya dapat maging mautak tayo kesa sa kanila. Ganito ang gawin natin mamaya pag tulog na ang lahat halimbawa may magbantay na isa o dalawa. Gagawa tayo ng paraan para tayo makatakas, kaya maging alisto lang kayo. Kapag tulog na sila at pag sinabi ko na takbo tumakbo kayo. Hangga't kaya ninyong tumakbo kahit saan kayo mapadpad, basta makalayo lamang tayo sa mga halimaw na yan!" wika naman ni Roland.
"Tama kung kinakailangang isakripisyo ko ang buhay ko para mabuhay lamang ang aking mag-ina gagawin ko!" wika naman ni Ariel ang daddy ni Arlott.
"Daddy, wag kang magsalita ng ganyan lahat tayo makakatakas. Gagawin natin ang lahat para makatakas tayo sa mga hayop na iyan!" naiiyak naman na wika ni Ellen dahil iisipin pa lamang niya na magsasakripisyo ang kanyang asawa ay hindi na niya kakayanin. Lalo na at napaka lupet ng Daddy nito baka dumating ang panahon kapag wala ito itakwil sila ng kanyang anak.
Ang pamilya ng kanyang asawa ay isa sa pinakamayaman sa Manila. Maraming pag-aaring negosyo ang pamilya ng kanyang asawa. Katulad na lamang ng pagawaan ng mga bakery equipment at iba pang about sa food industry, pabrika ng damit, pabrika ng mga sikat na candy sa Pilipinas at konektado din ito s amga sikat na fast food sa buong Pilipinas. Bale iilan lamang ito sa mga negosyong nalalaman niya kasi hindi siya tanggap ng pamilya ng kanyang mahal na asawa dahil hindi naman siya mayaman na katulad ng mga ito.
"Wala na tayong pagpipilian asawa ko, basta makatakas lamang kayo. Okay na ko, alam nyo naman na kayo lang ang buhay ko ni Arlott. Kaya dapat lagi tayong handa." nakangiting wika ng kanyang asawa.
Naiiyak naman na niyakap niya ang asawa. Kahit kailan talaga sila ng kaniyang anak ang inuuna nito.
"Mama, Papa, gutom na gutom na po ako." humihikbing wika naman ng batang si Marilag sa mga magulang.
"Paano ba iyan anak wala tayong makakain. Konting tiis lang, makakaalis din tayo dito, makakakain ka rin ulit ng masarap." awang-awa namang wika dito ni Nelly sabay yakap.
"Palapit ang pinuno sa atin, wag na kayong maingay." wika naman ni Ellen, nakita kasi niya papalapit ang lalaki at tila may dala-dala itong kung ano na nakalagay sa dahon ng saging.
"Oh kumain muna kayo malayo-layo pa ang lalakarin natin bukas kaya pagkatapos nyong kumain matulog na kayo dahil maaga tayong magpapatuloy bukas sa paglalakad patungo doon sa tuktok ng bundok kung saan ang talagang pinagkukutaan namin." wika ng lalaki at sabay abot sa kanila ng pagkain sinasabi nito na nakalagay sa dahon ng saging.
Ngunit halos maduwal sila ng makita ang pagkaing sinasabi nito iyon ay mga uod na kulay puti at medyo matataba na nakalagay sa dahon ng saging na pinagsalikop nito. Kumuha pa ito ng isa doon at nginuya na parang kumakain lang ito ng normal na pagkain.
"Wag na kayong mag-inarte kung ayaw ninyong mamatay sa gutom wala akong maipapakain sa inyong iba. Pero bukas pagdating natin sa pinagkukutaan namin maaari na tayong magluto doon ng maayos sa pagkain kaya pagtiyagaan niyo na muna yan ngayon. Baka naman sabihin nyo pinapabayaan ko kayo. Kayo pa naman iyong magbibigay sa akin ng limpak-limpak na salapi," nakangisi pang wika nito tsaka tinalikuran na ulit sila.
"Yuck Mama! Ayoko nyan! Gusto ko ng fried chicken!" umiiyak na wika ni Marilag at tinabig pa ang mga Uod na nakalagay sa dahon ng saging.
"Anak, walang fried chicken dito. Kaya tumahan ka na baka magalit sila," wika ni Nelly, tsaka tinakpan ng bahagya ang bibig ng anak pero lalo lamang itong umiyak ng malakas.
"Tahimik! P*ta!" galit na singhal ng isa sa mga bandido.
"P-Pasensya na po Sir, papatahanin na po." tarantang hinging paumanhin ng ina sa lalaki at sinubukang patahanin ang anak ngunit lalo lamang lumakas ang iyak nito.
"Tang*na!" galit na singhal ng lalake at mabilis na lumapit ito sa kanila at inagaw sa ina ang batang hindi tumitigil sa pag-iyak.
"Diyos ko! Ang anak ko, wag po Sir maawa na po kayo! Bata lamang po ang aking anak kaya patawarin nyo na!" umiiyak na palahaw ni Nelly at maging ang asawa nitong si Ronald.
Napasunod pa ang mga ito dahil kinaladkad ng lalaki ang kanilang anak. Halos maglumuhod ang mag-asawa wag lang saktan ng bata.
"Kalma Bogart, alalahanin mo na pera yan kaya hayaan mo na iyong bata nagugutom lang naman!" saway dito ng pinuno ng grupo.
Kaya naman laking pasasalamat nila ng bitawan ng lalake ang kanilang anak agad na niyakap ni Nelly si Marilag at kinarga ito. Mabilis na bumalik sila sa kanilang kinaroroonan kanina. Mahigpit niyang niyakap ang anak at umiiyak na pinaghahalikan ito, sobra sobra ang takot niya dahil akala nila may tutuluyan na ito ng lalaking bandido.
Ang kanya namang anak dahil sa takot ay lalong umiyak ng malakas kaya natatakot siya na baka mainis na naman ang lalaki.
"Huwag ka nang umiyak Marilag, ito oh may fudgee bar pa ako sayo nalang." nakangiti namang wika ni Arlott sabay abot ng fudgee bar nito na itinatago pala sa bulsa.
Halos magningning naman ang mata ng batang si Marilag ng kuhain nito ang fudgee bar na inaabot ni Arlott. Kaya naman nakahinga ng maluwag ang lahat dahil sa wakas tumahan na rin sa pag-iyak si Marilag. Hindi na sila nag-aalala na muling pag-initan ito ng bandido.
ITUTULOY