Sa sobrang kaba at sobrang takot ay hindi niya napigilan ang hindi umiyak. Minabuti niya na lumusong muna sa sa sapa para hugasan iyon dahilan baka nasugatan lang pero nakaahon na siya't lahat ay may lumalabas pa ring dugo. Kaya naman kinuha na lamang niya ang kanyang nahukay na kamote para mailuto na iyon. Hihintayin na lamang niya ang kanyang kuya dahil sobrang natatakot siya sa nararanasan niya ngayon. Iniisip pa rin niya na dapat may pagkain pag-uwi ng kanyang kuya Arlott para hindi ito magutom. Mas iniisip pa rin niya ang kapakanan nito dahil wala naman ibang mag-aalaga dito kundi siya lang, at ito lang din ang nag iisang mag-aalaga sa kanya. Pero habang nagluluto siya ay panay ang iyak niya at dasal din siya nagdasal na sana wag pa siyang mamatay dahil papaano na lamang ang kan