Chapter 4

1034 Words
~Xian~ Nagbabaga ang mga mata ko habang nakatanaw sa mayabang na babaeng iyon! 'May araw ka rin sa akin!' "Tara na! Easy ka lang, Xi... Hayaan mo na siya," ani pa ni Clifford habang tinapik ang balikat ko upang bumalik na sa puwesto namin kanina. "Hindi! Ano 'yon? Hindi ko palalampasin ang babaeng iyon 'no!" "Anong gagawin mo? Babae pa rin siya. Tandaan mong hindi tayo nananakit mga babae," singit naman ni Zandro ngunit hindi pa rin talaga maalis ang inis ko sa amazonang iyon! "Basta. Akong bahala." Buong araw ko lang naman ang nasira sa babaeng iyon! Kung dati ay enjoy ako sa pagpasok dahil sa mga babaeng nagkakandarapa sa akin. Ngayon ang nasa isip ako ay kung paano makaganti sa baduy na iyon! 'Buwisit!' Nahalata naman ng dalawa iyong pagka-badtrip ko talaga kaya hinayaan na lamang nila ako kanina sa pagmamaktol at pananahimik ko. Nasalubong pa namin si Donna na halatang inaakit na naman ako. Kung hindi lang ako bad mood ay pinatulan ko na naman iyon sa gusto niya pero kanina ay halatadong nainis dahil hindi ko man lang siya pinansin. Pagdating sa bahay ay dumiretso na ako agad sa kuwarto at pasalampak na humiga sa kama. Ewan ko ba? Pero hindi ko makalimutan ang inis at hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako. Nagising na lamang ako sa katok ni Manang Terry dahil nakahanda na raw ang dinner at pinapatawag na ako ng parents ko sa baba. "Susunod na po ako," tugon ko. Habang pababa ako ng hagdan ay naririnig ko na ang boses nina mommy at daddy mukhang masaya ang pinag-uusapan nilang dalawa. "Ay wait, Hon. May naalala pala ako." Napatingin naman si daddy kay mommy habang kumakain at saktong dating ko na na rin sa hapag, bumati pa ako sa kanila bago umupo sa puwesto ko. "Good evening, Mommy and Daddy." "Good evening, too. Anak... Kain ka na," ani muna ni mommy bago ipinagpatuloy ang sinasabi habang ako naman ay kinindatan naman ni dad. "What is it?" tanong na muli ni dad kay mom. "Tanda mo pa ba iyong pamilyang naaksidente ten years ago? Iyong taga rito rin sa subdivision natin?" "Ah... Yeah! What about them?" tanong ni dad. "Kumusta na kaya ang anak nila? Balita ko ay kinuha iyon ng kapatid no'ng daddy nito noon," nakikinig lang ako't hindi na nakisali sa usapan nilang dalawa ngunit parang bigla akong naging interesado sa pinag-uusapan nila. "Siguro naman ay nasa mabuti naman ito ngayon and I'm sure dalaga na rin tulad nitong si Xian. Halos magkasing edad lang silang dalawa sa pagkakaalam ko eh," saad naman ni daddy. Bakit naman nasama ako sa usapan? "Sana nga. Matagal na rin walang nakatira sa bahay nila pero no'ng nakaraan napadaan ako mukhang may mga tao na. 'Di kaya bumalik na iyong anank nila?" "Ahmm... Excuse me, po? Will you please stop talking others life, Mom?" 'May pagka-maretes din ang mommy ko ah!' "Oh sorry, Anak. Bigla ko lang naman naalala, but you're right. Kumain ka na," natawa naman si daddy kaya naiiling na lamang ako habang pinagpatuloy ang pagkain. 'Ano ba kasing mapapala nila sa buhay ng iba? Tsk!' "Good night, Mom and Dad. Una na po ako," paalam ko dahil gusto ko na lang magpahinga sa kuwarto ko. Humalik ako kay mommy bago ko na sila iwan habang si daddy naman ay tinapik ang balikat at ginulo pa ang buhok ko. "Good night, baby," sabi naman ni mommy na agad ko naman kinontra. "Mom! I'm not a baby anymore, okay? Stop treating me like a baby," maktol ko. "Bakit ba? Eh baby pa rin kita, eh!" "Good night, Son. Hayaan mo na ang mommy mo. Titigil din iyan 'pag nagka-apo na." "Dad?! Sabay silang nagtawanan, inis na pumanhik na ako patungo sa kuwarto ko. Nagmamadali ba sila na magka-apo akin? Ni hindi ko pa nga naiisip ang mga bagay na 'yon! 'Badtrip!' Mga isang oras na akong nakahilata sa kama ngunit hindi naman na ako dalawin ng antok. Napasabunot ako sa ulo ko at inis na bumangon. Lalabas na lang ako saglit siguro dahil wala na rin pala akong stocks sa ref ko. Kinuha ko ang jacket at nagsuot ng cap, wallet sabay labas na. Nadatnan ko si Manang Terry na may ginagawa pa sa baba kaya nagpaalam ako saglit. "Manang, labas lang po ako sandali." Lumingon naman ito sa 'kin. "Saan ka pupunta? Aba'y anong oras na, ah?" "Diyan lang po ako sa malapit. May bibilhin lang, hindi po kasi ako makatulog," paliwanag ko. "Oh siya, sige. Basta bumalik ka agad ha?" "Opo." Sabay saludo kay manang at lumabas na ng bahay. Hindi naman kalayuan ang layo ng 24 hours store sa amin kaya hindi naman ako nagmadali sa paglalakad. Habang naglalakad ako ay napansin ko ang bahay na dati ay parang malungkot dahil wala na raw umano nakatira at tanging care taker lamang ang namamahala ngunit ngayon ay tila buhay na buhay na ito ngayon dahil halos lahat ng sulok ay may ilaw na. Sinipat ko ang relo at mag-alas diyes na pala ng gabi. Nang napatapat na ako sa bahay ay nasiguro kong may tao na nga tagala dahil may nakita akong pumasok mula sa labas. Subalit ang nakaagaw nang pansin ko ay ang tunog ng gitara at ang malamyos na boses ng kung sino? Saglit akong napatigil at hinanap ko ang boses at tunog kung saan banda at nasisiguro kong mula rin talaga sa bahay na iyon. Tumitibok ang puso 'Di mapigil ang damdamin Natutong magmahal dahil sa iyo... 'Di ko kayang sukatin, ipaliwanag at sabihin Na ang ligayang nadama Nang magmahal, sa una pagkakataon. Hindi ko maikakailang napakaganda ng boses niya. Ngayon ay nakikita ko ang kinaruruonan nito ngunit hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod ito habang nakaupo sa veranda ng kaniyang silid. ''Ano kaya ang pangalan niya?" mahinang sambit, tanong ko sarili. Hindi pa sana ako aalis ang kaso ay baka isumbong ako ni manang kina mommy. Mukhang tapos na siya sa pagkanta pero hindi pa rin siya umaalis sa puwesto niya. Gusto ko pa sanang makita ang mukha niya't nagbabakasakali ako pero mukhang bigo lang talaga akong masilayan siya ngayon. 'Di bale na. May ibang pagkakataon pa naman. "Makikilala rin kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD