Chapter 3

1030 Words
Nagpa-enroll na muna kaming tatlo bago maglibot-libot dito sa campus. Nang matapos ay nagkasundo na muna kaming kumain sa cafeteria. Sakto naman ang dating namin ay agad kong nakita ang dalawang bagong students na nagsisimula pa lamang kumain. 'Ito na, ang pagkakataon ko! Tingnan ko lang kung 'di lumuwa 'yang mata mo kapag nilapitan kita.' "Bud's nakita niyo ba ang dalawang 'yon!" Turo ko sa kanilang dalawa do'n sa dalawang ring babaeng tinutukoy ko kanina. "Oh, bakit?" tanong ni Clifford. "Lalapitan ko, kung kanina ay hindi niya ako napansin. Ngayon ay sisiguraduhin kong hindi makakatakas ang mga mata niya sa 'kin, ah," paninigurado ko pa sa kanilang dalawa. Natawa naman silang dalawa, "Sige nga. Pero kapag hindi ano ang reward namin?" 'Mga loko 'to, ah!' "Sige, ano ba gusto niyo?" inis kong tanong. Walang tiwala ang mga g*g*ng 'to! "Sagot mo na lang ang lunch, bud's," tugon naman ni Zandro. "Tch! 'Yon lang? Wala bang mas mahirap d'yan?" Ngunit nginisihan nila akong dalawa. "Sige 'yon lang, tingnan natin kung walang kupas ang karisma mo sa 'ming dalawa. Pero kapag hindi, sorry, hindi na ikaw ang pinakaguwapo sa 'ting tatlo," paghahamon pa nito. 'Tch! Aasa lang 'to, eh.' "Call! Sige, kayo na ang pinakguwapo." Nag-appear pa ang mga loko. "Sige lapitan ko na, ah." Bumili na muna ako slice cakes with two flavors para sa kanilang dalawa. "'Yon oh!" Pahabol nang dalawa nang dumaan ako sa table namin. 'Tingnan natin kung mas, lalamang kayo sa kaguwapuhan ko.' "Ahmm.. Hi," bati ko sa kanilang dalawa. Agad naman napaangat ang tingin ang kasama nito. Do'n pa lang ay nagbunyi na ako sa 'king isipan. 'Napakadali.' "Hello," ganting bati naman ng isa na may tipid na ngiti, mukhang nahihiya pa. Nginitian ko rin ito at inilapag sa table nila ang dala kong slice cakes. "Ah..ngayon ko lang kasi kayo nakita dito, halos lahat na kasi ay kilala ko na sa mukha ang mga nag-aaral dito. Pero kayo ay ngayon ko lang nakita talaga," saad ko pa. "Ay, oo. Bago lang kami dito nitong bestfriend ko. Actually kapa-enroll nga lang namin, eh," tugon naman nito. Pero 'yong isa ay hindi man lang talaga ako pinapansin. "Here." Turo ko sa cakes na dala ko. "For you guys, pa welcome lang. Ahmmm.. Puwede ko bang malaman ang pangalan niyong dalawa ng bestfriend mo?" Pasimple ko pang nilingon ang dalawa at nakita kong nagtatawan silang dalawa. 's**t! Ako ba ang pinagtatawanan ng mga g*g*?' "Okay lang, I'm Helga Bartolome," pakilala nito sa 'kin. "Nice name, I'm Xian Parker. Nice to meet you, Helga." Ngiti ko at nakipag-kamay. "And you are?" Baling ko naman sa isa. Siya talaga ang kanina ko pa gustong kausapin ngunit para lang akong hangin sa kan'ya. "Puwede naman sigurong hindi ko sagutin 'yan 'di ba?" Natigilan naman ako sa sinagot niya sa 'kin. 'What the?' "Hoy best! Gusto lang makipagkilala ni Xian," saway naman ni Helga. Buti pa 'tong isa approachable. "Eh, 'di kayo magpakilala sa isa't isa, 'wag niyo 'ko idamay." Biglang gustong umusok ng ilong ko sa inis. Napakayabang niya. "Tinanggihan pa ako!' "Halaaaa! Ang mean mo, best. Ahmm.. Xian pagpasensiyahan mo na si Naia, ha? Gan'yan lang talaga siya pero mabait 'yang bestfriend ko," ani naman ni Helga. "Okay, next time na lang siguro, okay lang. 'Yan pala ang cakes, para talaga sa in'yo 'yan.." Akmang aalis na sana ako nang bigla itong magsalita. "Thank you na lang, pero may pambili naman kami kung gusto naming kumain niyan, eh," aniya. "s**t! Napakayabang niya naman. Akala mo kung sinong maganda. Amp!' "Ah..hahah Akin na lang 'yan, Xian. Favorite ko naman 'yang bigay mong cakes, thank you," nahihiyang ani naman ni Helga. Muling tumahimik na lang itong mayabang at hindi pa rin ako tinatapunan nang tingin, wala talaga siyang pakialam. Kaya hindi na ako nakapagpigil. "Alam mo, ang yabang mo!" inis kong sabi. "Akala mo naman kung sino kang maganda d'yan. Eh, 'di 'wag! Pasalamat ka pa nga at pinansin kita! Samantalang 'yong iba nga, nagkakandarapang mapansin ko lang!" 'Ginalit niya na 'ko.' "Ah..talaga? Pakihanap nang paki, ko! Sila 'yon! Hindi kami, at mas lalong hindi ako!" sabi niya naman. "Eh, 'di lumabas din ang totoo mong ugali. As if ka pa na gusto mo kaming makilala," aniyang muli. "Aba! Napaka-suplada mo naman. Akala mo naman ay napakaganda mo, eh, no! Para sabihin ko sa 'yo. Ang pangit mo kaya! Ang baduy mong pumorma! Wala sa kalingkingan nang mga babae dito sa campus!" Inubos niya nag pasensiya ko! Sinagad niya! Nakuha na namin ang atensiyon ng lahat dito sa cafeteria. 'Pinahiya niya ko for the first time, buwisit.' "Hell I care! At para sabihin ko rin sa 'yo! I'm not here to get any attention or to be a famous, but, TO LEARN. I'm not here to please anybody and compete as beautifully as the other girls. 'I'm here to get a DIPLOMA after I study, not a CROWN. Ngayon! Tapos ka na ba sa panglalait mo sa 'kin?" Hindi ako agad nakasagot sa mga sinabi niya natameme ako bigla. "WHAaaaooooh!" dinig kong ani nang lahat. Nilapitan naman na kami nang dalawa kong kasama. 'Ngayon pa talaga silang dalawa lumapit. Kung kailang tapos, na!' "Bud's! Awat na 'yan. Dami nang nagtitinginan, oh," awat sa 'kin ni Zandro. "Tumahimik ka!" singhal ko. "Tandaan mo ang araw na 'to, ha!" banta ko. Subalit umakyat pa lalo ang dugo sa ulo ko sa sinagot niya. "Ah... Oo tanda ko pa naman, June 13, 2021. Friday the 13th pa nga, eh," kalmado pa siya nang sabihin 'yon. 'Ibang klase! Batid ko namang nagpipigil matawa ang mga g*g*.' "Tara na nga, Helga. Tabi!" asik niya bago dumaan sa harapan ko at binangga pa talaga ang balikat ko. 'Hinahamon niya talaga, ako! Humanda ka lang, gagawin kong impiyerno ang buhay mo dito.' Badtrip! Kung kanina ay ang ganda nang gising ko, ngayon ay gusto kong manapak. Kung hindi lang siya babae, panigurado kanina pa siya plakda. Ngayon lang nangyari 'to sa 'kin. Hindi talaga ako papayag na hindi makaganti sa kan'ya. Nagkakamali siya nang binangga, maghintay ka lang bababeng baduy. Hindi naman maganda, ubod ng sungit at mukhang amazona. Pinaglihi pa yata sa sama nang loob ang isang 'yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD